PE 3

11 1 0
                                    


Rydel's POV

"RYDELL KIM!"

"Tss. Pathetic" Bulong ko pero alam ko namang rinig nya.

"WE NEED TO TALK NOW!"

Nakakainis! Bago ako lumayo dito sa babae binalaan ko muna sya.

"I'm not done with you yet"

Wrong timing naman oh! Nakakainis talaga!

"Ryde,--"

"Rydel" Pagtama ko sa kanya. Ayoko ko kasing tinatawag akong Ryde.

"Ok fine RYDEL..." Diniinan pa nya ang pagsasabi ng pangalan ko.

"Sino ang babaeng yun? Alam ba nya na may fiancé kana?"

"Hindi at hindi nya maaring malaman."

"Ano? Bakit? Hindi--" Pinutol kona ang pagsasalita nya

"Gusto ko pa syang pag laruan. Huwag kang mag alala mas maganda ka sa kanya."

Tapos ngumiti lang sya. Alam ko naman na ayun lang ang gusto nya. Pero hindi ko naman gusto na sabihin yun, napilitan lang.

"Sige pagbibigyan kita. Mauuna na ako."

Pagkatapos magpaalam ay lumabas na sya.

5 mins later

Aiishhh nakakaboring. At sa sobrang bored ko lumabas muna ako ng room seat ko.

Pagkalabas ko ng kwarto bumungad sa akin ang isang sigawan sa tapat ko.

Baka yung babae kanina ang nasigaw.

"Derrick hindi mo naiitindihan  eh!"

"Edi ipaintindi mo Kia simple lang"

"Kahit anong pagpapaintindi ang gawin ko hindi mo maiintindihan kasi puro irita at galit ang inuuna mo!"

"Alam mo Kia kaya ako nagagalit? Oo naiintindihan kita pero Kia malabo pa din eh."

"Derrick mamaya na tayo mag usap. Nagkakalabuan nanaman tayo eh. Lagi nalang ganit pag nagkakausap tayo."

"Hindi Kia. Magbigay muna tayo ng space sa isa't isa"

"Space!? Sige I'll give you space iyan gusto mi diba? Sige pagbibigyan kita. Di ako magpaparamdam sayo. Bahala ka muna sa buhay mo. Cool off muna tayo. Bye"

Tss. Away mag jowa, cool off pang nalalaman pwede namang mag break nalang

*cruck* (tunog yan ng pintuan bat ba?)

0_____0

Ganyan ang expression nya nung nakita nya ako.

"Ka-kanina kapa dyan?" Nauutal pa sya habang nagtatanong.

"Hindi..."

Tapos parang nakahinga sya ng maluwag.

"Hindi ko nga narinig yung pag uusap nyo ng bf mo eh. Hindi ko din alam na COOL OFF muna kayo *smirks*"

"Na-narinig mo?"

"Bingi kaba sabi ko ngang hindi ko narinig eh."

"Aba tanga kaba? Pano mo nalaman kung hindi mo narinig?"

"Naimagine ko baket?"

Tss. Malamang narinig ko kaya ko nga nalaman eh. Ang bobita naman ng babaeng toh tinagurian pa naman ang family nya na pinakamagaling at mayaman tapos ganyan ang anak?

"Aiiisshh! Ewan sayo" Tapos naglakad sya papalabas ng bus.

Oh babaan na pala. It means nasa school na.

Physically & EmotionallyWhere stories live. Discover now