Marie Vienne Luis

22 1 0
                                    

"Mavie?"

"Oo. Yung kaklase mo no'ng grade 4 na may apple cut na hairstyle." Natatawa nyang sinabi.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa pagkakataon na 'to. Masyadong malabo ang utak ko para makipag-usap.

"Okay. Bakit mo ako tinawag?"

"Wala lang. Namukhaan lang kasi kita kaya naisip ko na i-approach ka kaso sobrang bilis mong mag-lakad. Nakakapagod ka habulin."

"Ah. Gano'n ba? Okay."

Tumalikod na ako dahil sadyang wala ako sa mood para makipag-usap pa ng matagal. Gusto ko na lang makabalik sa apartment ko at humilata sa kama, pero bago pa ako humakbang, tinanong nya ako.

"Okay ka lang ba?"

Napahinto ako mula sa pag-kilos.

Ramdam ko na humakbang sya papalapit sa akin. Bawat yabag ng kanyang paa ay sumasabay sa pagkabog ng dibdib ko.

Isa sa mga pinaka-ayaw ko ay ang makitang mahina ng ibang tao lalo na't di ko kakilala. Madali kasing mahusagahan lalo na kung di ka kilala o kaano-ano. Kaunting pagpapakita mo na mahina ka ay buong pagkatao mo na ang nahuhusgahan.

"Miss, okay lang ako tsaka 'di kita matandaan. Anyway, nice to meet you." Nakatalikod kong sinagot ang sagot nya habang nanginginig ang boses ko at nanlalambot ang aking mga tuhod.

Dumiretso na ako sa paglalakad. Binabaybay ang kahabaan ng highway kasalungat ng mga sasakyang dumadaan.

Marie Vienne Luis.

Mavie.

Grade 4 at may apple cut na buhok.

Ma—

Natatandaan ko na. S'ya yung kaklase ko noon na sobrang liit at bulol sa R at S. Sa pagkakatanda ko, transferee s'ya noon mula Canada pero mahina naman sa English. S'ya nga 'yon pero hindi Mavie ang palayaw nya e. Alam ko parang—

Ma..

Mayi.

Hindi.

Maui.

'Yun. Maui nga. Ano namang ginagawa no'n dito? Alam ko nasa Canada na 'yon after grade 4 tsaka anong kalokohan yung sinasabi niyang crush ko sy—

Bzzt.. Bzzt..

Malamang text na 'to galing kay Megan.

Dali-dali kong binuksan ang cellphone mula sa bulsa ko. Alam ko na di rin nya ako matitiis dahil kahit gaano man kami subukin ng panahon, tatayo at tatayo pa rin kami.

Text message from Zee:

Bro san ka? Tara shot dito kami tambayan

'Tang ina. Akala ko naman si Megan na. Si Zee lang pala. Nagda-dalawang isip ako kung pupuntahan ko sila o hindi. Sobrang pagod na pagod na ako ngayong araw pero gusto ko din mailabas ang lahat ng nararamdaman ko.

Bago ko pa namalayan, dinala na ako ng aking mga paa sa tapat ng apartment ko.

Iba pa rin pala talaga ang mahiga sa kama na katabi si Megan. Yung pakiramdam na tanging init lang ng katawan nya ang kumokontra sa lamig ng aircon. Yung kahit pa gaano kadilim, nawawala ang takot sa isip mo basta kasama sya at kayakap.

Megan.

Megan..

Meg—

...

Bzzzzzzt bzzt.. Bzzzzzzzt bzzt bzzt..

Paulit-ulit sa pag-vibrate ang cellphone ko. May tumatawag sa oras na 'to at sana siya na to.

"Hello."

"Arin, saan ka na?" Isang babae ang nagsasalita sa kabilang linya. Pamilyar ang boses pero sigurado akong hindi si Megan 'to.

"Nasa bahay. Sino 'to?"

"Dito mo na iiyak yan! Sumunod ka dito" Parang nakainom ang nasa kabilang linya.

"Teka, sino ka ba?"

May sumigaw mula sa background.

"Arin! Bro, lika na dito."

'Tang ina sa timbre pa lang ng boses, sigurado akong si Zee yon.

"Hintayin ka namin dito ha?" Dagdag pa ng babae.

"Huh? Hindi ak— "

Naputol na ang linya.

Hay. Di ko alam kung anong meron ngayong araw. Iniwan ako ng taong mahal ko, may nagpakilala na kaklase ko noon, at ngayon nagyayakag ang kaibigan ko na mag-inom.

Kaya bumangon din ako at tinignan ang orasan sa tabi ng kama ko.

"9:17pm, huh?" Pagbulong ko sa sarili.

Maaga pa naman kaya nag-ayos ako at dumiretso sa tambayan namin.

Zee Zone Resto & Bar.

Dito ang tambayan namin. Restobar na pagmamay-ari ni Zee. College pa lang kami no'ng ipinangalan sa kanya 'to ng parents nya. Wala e, only child kaya masarap ang buhay.

Sinalubong ako ni Zee sa mismong pinto ng tambayan. Hawak-hawak nya ang dalawang beer. Isang nangangalahati na at isang bagong bukas. Iniabot nya sa akin ang punong bote.

"Buti bro, pumunta ka. Kanina pa ako kinukulit nung isa na papuntahin ka."

"Sinong isa?"

" 'Lika pakita ko sayo."

Sinundan ko lang sya papasok sa loob at nando'n sila, nagtatawanan habang hawak-hawak ang mga paubos na bote ng alak.

"Arin!" Sabay-sabay nilang pag-bigkas.

Kumaway naman ako sa kanila.

"O eto pala sya." Sabi ni Zee sinabayan ng pag-turo sa likod ko.

Kumaway ang isang babae na siguradong pamilyar kahit pa tinatamaan ng mga sumasayaw na ilaw.

Papalapit sya nang papalapit sa kinatatayuan ko.

Marie Vienne Luis.

Mavie.

S'ya nga.

"Nag-CR lang ako. Di pa ako nauwi" patawang sinabi ni Mavie kay Zee.

"Uy! Buti pumunta ka, Arin." Banggit nya naman sa akin. Tinapos nya ito ng isang half-drunk na ngiti.

Tinanguan ko lang sya.

"Arin, baka trip nyo umupo." Pagbiro ni Zee.

Umupo ako katapat ng upuan ni Mavie.

Hanggang ngayon, lito at gulat pa rin ako.

Bakit s'ya nandito? Paano nya nakilala ang mga kaibigan ko? Sino ba talaga sya? Dumagdag pa ang mga tanong na ito sa mga tanong na iniisip ko tungkol sa mga pangyayari ngayong araw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To You From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon