Chapter 24

1.2K 32 1
                                    

KENZIE'S POV

"A bar huh? Well, siguro kailangan talaga kitang bantayan. Delikado ka kasi pag lasing ka." Ngumisi sa akin si Gallegos. Tiningnan ko siya ng masama. Parang wala lang siyang sinabi kanina.

"What was that Gallegos? Engaged? Anong pumasok sa utak mo at sinabi mo iyon? Next year we're already married. Nababaliw ka na ba? You're just giving your grandparents false hope. At sumakay ka pa talaga sa kalokohan ni Tanya!" I scolded at him. Pero parang wala lang siyang narinig dahil patuloy lang siya sa pagpapalit ng damit.

"It's not a big deal Jacobs. Handa naman akong pakasalan ka." Hindi ko ba alam kung nagbibiro ba siya o seryoso siya. Hindi ko kasi mabasa ang mukha niya ngayon. But I think he's just joking. Imposible kasi yung sinasabi niya. He won't marry someone he hates.

"Hindi ito isang biro Gallegos! Marriage is sacred at hindi lang iyon isang laro."

Tumigil siya sa pagbibihis at humarap siya sa akin. Suot niya lang yung sando niya at hawak niya sa kanang kamay yung beach polo niya. Humakbang siya palapit sa akin at lumuhod siya para magkapantay yung mukha namin. Nakaupo kasi ako sa dulo ng kama.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Seryoso niyang sabi. Hindi ko naman inaasahan iyon.

"I know that marriage is sacred. And I won't just say that if I'm not serious Jacobs. Akala mo ba biro lang itong ginagawa ko?" He said seriously.

I was surprised on the words that is coming out from his mouth. I am speechless. Totally speechless. Tanging pagtibok na lamang ng puso ko ang nagre-respond. At hindi ito maganda.

Bumuntong hininga siya na nagpapakita na sumusuko na siya at hinimas niya ang tuktok ng ulo ko.

"Just don't think about it right now. Halika na, hinihintay na nila tayo." He said and he stood up.

Ano ba ang ginagawa mo sa akin Gallegos? Pag pinagpatuloy mo itong ginagawa mo baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mahulog ng tuluyan sayo.

Sumunod na lamang ako sa kanya. Pagdating namin sa yate kung saan ang bar na sinasabi ni Lola Ygritte, sinalubong kami ng mga taong nagsasayawan at sinasabayan ang Brazilian beach music na pinapatugtog ng DJ. The music is great, napaka-jolly nitong sayawin. Like you're dancing a salsa.

We saw Andrea waved at us. Nasa may bar counter silang tatlo. Nakaupo si Andrea at Tanya sa stool habang si Pierce naman ay nakasandal sa railing at nakapamulsa habang may hawak na tequila.

Umiwas ako ng tingin nung nagtama ang mga mata namin. He looks hot on his beach shorts and blue colored beach shirt. Pero mas nangingibabaw ang kagwapuhan ni Gallegos dahil sa suot niyang black shorts at navy blue na beach polo na may design na coconut trees, nakabukas ang butones nito at sa loob ng shirt niya ay isang puting sando. I'm just wearing my floral beach dress which is color yellow.

"Here, have some tequila, Pierce." Inabot ni Andrea kay Gallegos ang isang tequila. Tinanggap naman ito ni Gallegos.

"And this is for you, Kenzie." Inabot sa akin ni Tanya ang isang tequila. Kukunin ko na sana ito pero magkasabay na hinawakan ito nina Pierce at Gallegos.

"Don't give her a drink, Tanya." Sabi ni Pierce.

"She can't handle alcohols." Sabi naman ni Gallegos. And again, naglaban na naman sila ng tinginan.

Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa nila. I look like their little sister. And for petes sake! I have a high alcohol tolerance. At alam iyon ni Pierce. Nasobrahan lang talaga ako nung gabing yun. But now I'm fully aware that I shouldn't drink too much alcohol, because of what happened that night.

DESTINED HEARTS (Phoenix Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon