Dilim

15 0 0
                                    

Isa na yata ito sa pinaka nakakalungkot na nangyayari sa buhay ng isang tao, yung akala mo makakatakas kana sa hirap, hapdi sa mga sugat na natamo mo, pero isa pala iyong malaking kahibangan, na maghangad ng kapayapaan, ng magandang kinabukasan. Hindi pala talaga totoo iyon, umpisa pa lang pala ito sa mga kalbaryong mararanasan ko.

Bawat araw na lumilipas pahirap ng pahirap ang mga bagay-bagay, paliit ng paliit ang pag-asang natitira sa buhay ko. Hindi ko akalain na ganto pala talaga kapag mag-isa ka lang, wala kang mapag-sasabihan ng mga saloobin mo. Minsan napapa-isip na lang ako kung tama ba talaga yung mga ginagawa ko, kung saan ba ako nag kulang. Parang lahat na lang nagiging kumplikado, masakit isipin na bawat patak ng aking luha, kapalit ay peklat ng hinaharap. 

Hindi pa ako handa, pero hindi ko rin alam kung paano ako magsisimula ng mga bagay na hindi ko naman nakasanayan? Panno kung wala na namang maniwala? Ganito na lang ba lagi? matatakot at magtatago na lang ako sa kadiliman na kailaman hindi ko matatakasan? Paano na ang bukas, kung lagi na lang akong mangangamba sa kahihinatnan nito? Sabi ko noon magbabago na ako, pero bakit parang wala namang akong ginanagawa para mangyari ito? nalilito na ako sa mga ginagawa ko.

Kailangan ko na sigurong maging malakas at harapin ang dapat harapin. Pero paano nga? may tatanggap kaya sa akin? sabagay umpisa pa nga lang pala, mag-isa lang akong lumalaban. Nakalimutan ko na nga kung paano maki-salamuha sa iba, ni hindi ko na nga kilala ang aking sarili. Nagpapanggap na ako ang tunay na ako, pero hindi. Nagkakamali kayo, isa lamang akong ilusyon na ginawa ng aking imahinasyon. Pinaniniwalaan na tama ang bagay na siya namang mali. Nakakapang-hinayang, wala man lang nagtangkang magtanong. Naghihintay lang naman akong mapansin ng iba, kung sino ba talaga ako. Ang sakit, sobrang sakit! damang dama ko ang hapdi, na parang binubuhusan ng alcohol ang aking mga sugat.

Sa sobrang dami ni hindi ko na mabilang kung ilan. ilan pa bang sugat ang iiwan mo? para naman lang malaman mong nandito ako, naghihinatay ang tunay na ako. Maaring hindi mo na ako maabutan. nararamdaman kong nalalapit na rin naman ang mga araw at na lilisan ako. Hindi ko na kaya.

Pinipilit kong magpakatatag para sa kinabukasan pero nilalamon ako ng kadiliman. Pililit kong winawaglit sa bawat ngiti kong mapapait. Wala akong magawa kung hindi tumingin sa itaas, naghihintay na sagutin Niya ako. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, pero tila ba may tumutulak sakin sa bangin. Pinipilit kong bumangon, sumigaw. Pero wala akong lakas, nanghihina na ako. Sinubukan kong tumakas, pero hinahabol pa rin Niya ako. Nakakapagod ng magpanggap na malakas, na kaya ko pa, pero nakakasawa na. Wala na akong maramdaman kung hindi sakit. Kahit sabihin nilang hindi ka nag-iisa, wala akong maramdamang may kasama ako.

Hindi ako magsisisi, kung isang araw lahat ng paghihirap ko mawawala, kapalit ng isang tulog na hinahangad ng lahat. Siguro nga makasarili ako, pero iyon lamang ang naiisip kong tama sa ngayon. Nakakalungkot lang isipin na may mga taong mas magdudurusa sa naiisip ko. Huwag sana nila akong kamuhian, ginagawa ko lamang ito para sa kapakanan nila. Magiging masaya na rin ako sa wakas. Wala na akong iisiping bukas. Mananatili na lang ako sa kahapon, sa mga sana na dapat ginawa ko ito, pero hindi na mangyayari sapagkat wala na akong oras pa.

Bilang na bilang na ito, limitado. Nararamdaman kong nalalapit na. Sa mga oras na ito, inihahanda ko na ang aking sarili sa mga mangyayari. Masakit isipin pero ito ang katotohanan, wala na akong magagawa kung hindi maghintay sa bawat hakbang na kaya Niyang gawin. Naniniwala akong hindi Niya ako pababayaan. Malapit na malapit na talaga. Makakangiti na ako ng totoo, wala na akong iisipin. Siguro nga hanggang dito na lang talaga ako, hindi na ako maghahangad pa. Nararamdaman ko na, wala ng sakit, lungkot, pati mga sugat na maaring magkaroon pa ako. Malinaw na ang lahat sa akin. Alam ko na ang dapat kong gawin. Tama na. Malaya na ako. Salamat sayo.

DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon