Q11.

5 0 0
                                    

-
Bakit bawal maging kami?

Maraming dahilan yan. Forbidden Love? Or Forbidden Relationship?

Unang-una, bawal kayo dahil siguro sa estado ng mga buhay na meron kayo. Yung tipong Langit siya, Lupa ka. OR Lupa siya, tapos ikaw naman ay Langit. Kadalasang nangyayari 'to nung unang panahon. Yung mga dugong bughaw ba yun tsaka mga hudyo. Para sakanila, ang mayaman para lamang sa mayaman. Ang mahirap para lang din sa kapwa niya mahirap.

Pangalawa, Edad. Mas matanda ka or mas matanda siya. Sa mata niyo pareho, wala kayong nakikitang mali. Pero sa mga mapanghusgang mata nila. Wala kang karapatan magkamali. Judgmental sila. Let them be.

Pangatlo, Parent's choice. Minsan kasi may mga magulang na sa sobrang pagmamahal nila sa anak nila o paghahangad na mapabuti yung mga anak nila. Sila na mismo yung namimili nang tao para sakanila. Na hindi nila napapansin na, nakakasakal na. Nakakainis na. Nakakabwisit na. Syempre, ikaw ba naman ang ipagkanulo sa taong di mo naman gusto diba?

Panghuli, kaibigan. Kung may Parent's choice. May Friend's choice din. Yun bang kaligayahan mo na yun tapos kokontrahin pa. Kesyo may mas maayos pa daw na karelasyon ang nakalaan para sa akin. Kesyo di kami bagay. Nakakainis din minsan yung mga kabigan na ganon e. Yung pangalawa sa mga taong inaasahan mong makakaintindi ng sitwasyon mo. Tapos biglang eentrada sila nang pagiging kontrabida nila. Susmaryosep!

Pero ito lang ang masasabi ko. Just do whatever you want to do that will make you happy. So what? Kinokontra kayo? Walang lugar ang kanegahan sa Mundo. Ang chismis, madaling kumalat. Pero madali din yan lumipas. Do what you love and love what you do.

-
Naks! Huling update bago sumalanta si Ompong.
Keep us safe, Lord God.

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon