SPECIAL CHAPTER IV:CYD & EMERALD

246 6 0
                                    

MULTIMEDIA:CYD AND EMERALD

Dito po naghiwalay sina cyd at emerald! Pinakita ko lng.

Emerald's POV

NAKATANGA ako na nakatingin sa kanya, hindi ako makapaniwala na darating ang araw na 'to. Totoo nga ang sabi-sabi, pagkatapos ng saya may kabalikat na lungkot! Eto ang nararamdaman ko ngayon! Sht!

Nakatingin siya sa'kin na walang kaemo-emosyon tapos ang dilim dilim ng mukha niya. Hindi siya ang nakilala kong cyd sa condo no'n ni lena.

"Tapos na 'yon pagpa-panggap natin bilang girlfriend, nalaman nila mama na hindi kita totoong girlfriend at nalaman din ng kapatid kong si kate na fake ka lng." sa mga sinasabi pa lng niya nasasaktan na ako.

"Sabi mo e."

"Ilan buwan din tayo nag-panggap ng mag-girlfriend/boyfriend, hm?Magkano ang ibibigay kong pera sa account mo? Name it." anung akala niya sa'kin? Nasisilaw sa pera niya?

"I know your rich cyd, but i don't need your money! I have that, isaksak mo sa baga mo! Mabubuhay ako kahit hindi mo ako bayaran, kasi alam mo?Mayaman din ako! Hindi lng ikaw, mabibili ko ang gusto ko kahit hindi mo bayaran ang pag-papanggap kong girlfriend mo. And anyway, tulong ko na iyon sayo! Kakaawa ka kasi e." pigilan mo ang sarili mo emerald.

He's not worth it!

"Salamat sa tulong mo!" fuck you!

"Akala ko magiging totoo na 'to?Niligawan mo ako at minahal mo ako. No'n naging missing of action kayo sabi mo sa letter liligawan mo ako at totohanin na natin, pero ano 'to cyd?! Ginagago mo lng ba ako?! May nangyari satin! Hindi mo ba iniisip na baka mabuntis ako?!" nagmumukha na akong desperada dito. Anu ba 'yan!

"Narealize kong mahal na mahal ko pa din pala si lalienne." lalienne?

"Who's that girl?" tanung ko.

"This girl is lena." parang bumarado ang lalamunan ko ng marinig ko ang pangalan ng kaibigan ko.

Pero kahit gano'n walang hard feelings, hindi nmn kasalanan ni lena na mahalin siya ni cyd kahit na nandito ako sa piling niya. Akala ko ako na ang Mahal nito pero hanggang akala na lng pala ako. Nakakabadtrip!

"Oh!"

Tumigil ka luha, kaya mo 'yan!Mawawala na siya sayo ang taong mahal na maha mo! Nang gano'n kadali.

"Kung mabubuntis ka man pananagutan ko na lng! Kaso nasa  new york pala ako hindi ko din makikita ang anak ko." ang kapal ng mukha niyang sabihan anak? Ugh!

"'Wag mong seryusuhin, oo nga at may nangyari satin pero umiinom ako ng pills para hindi mabuntis." liar!

"Good!"

Gusto kong magmakaawa sa harapan niya kaso ayokong maapakan ang ego ng pagkababai ka! Ayoko! Kung iiwan na niya ako 'edi iwan niya ako, hindi naman ako mamamatay kung iiwan niya ako. iiyak lng naman tsaka makakamove-on din ako no'n! Baka?

"Gotta go." i said.

"Emerald lee.."

Napahinto ako ng tawagin niya ang buo kong pangalan, bakit gano'n?Parang may hindi siya sinasabi.

"What?"

"After 5 years, kung single kapa man oh wala ka pang asawa! Babalikan kita at papakasalan! Itatak mo 'yan sa puso mo." and then he left me here.

Ang kapal ng mukha niya! Wala siyang hiya, nakapa-kapal! Ilan harina ba ang pinudpod niya sa mukha? Ugh! I hate this feeling!

"Mahal na mahal pa din kita! Bakit gano'n?!" sigaw ko.

Kringgss...

Napapitlag ako ng makita kong nagriring ang phone ko.

Bakit tumatawag si kate? Aawayin ba ako ng kapatid niya kasi nagpanggap lng kami? Kinakabahan na ako!

"Hello kate? Napatawag ka?" kinakabahan kong sagot.

"Ate huhuhu! Dapat ikaw na lng ang naging girlfriend ni kuya! Ayaw ko do'n sa babaing higad na 'yon!" anung sinasabi ni kate?

"What do you mean?" takang tanung ko.

"Kate! Sinong 'yan kausap mo?! Samahan mo ang ate tamara mo dito!Mamaya na ang engagements!" tamara? sino siya? Engagement? What?

"Ate ibaba ko na! Bye, goodluck sayo!" huling narinig ko na lng end tone.

Who'a that girl?---TAMARA?

Sino ang tamara na 'yon? At ano 'yon engagements?

Mababaliw na ako! Ugh! Wala na kami tanggapin ko na lng! Shit!

***

So, hayun! Nalaman niyo  ang paghihiwalay nilang dalawa. Si tamara siya ang bagong characters sa book2 ng MBBG!Salamat!

PS:Next special chapter  is gioveine and lucas. Ang cute  po ni emerald at cyd sa multimedia. Hihihi

-Jaisapnu

THE BAD BOY'S GIRL (Complete) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon