"Halaga"
Tula Ni: ItzDarls_dRose
Kahit anong gawin ko Hindi parin ako sapat,
Ngayon bibilang ako hanggang apat,Isa, parang isang beses ko lang naramdaman na may halaga ako,
Dalawa, dalawang beses kong muntikan mapatay sarili ko dahil sayo,
Tatlo, tatlong sugat sa kamay dahil sa sakit na nararamdaman ko,
Apat, higit sa apat na beses mo pinakita sa akin na Hindi pa Rin ako sapat........
Bigyan mo man Lang ako ng isang yakap,
Bigyan mo man Lang ako ng masasandalan kapag umiiyak,
Bigyan mo man Lang ako ng kasama sa bawat patak ng aking luha,
Bigyan mo Lang ako ng...... halaga.