Ikatlong Yugto

58 26 0
                                    

Natalie's POV

Mabilis lamang ang byahe dahil nga'y ilang kilometro lamang ang layo ng pinapasukan kong iskwela sa aming bahay, tanging pagbyahe at pamamaalam lang ang ginawa namin ni Ely dahil nagmamadali rin siya, tila kasi'y uulan dahil sa kadilimang binabalot ng kalangitan ngayon.

Hinubad ko ang aking uniporme at naghilamos, pagkatapos ay ginawa ko na ang daily routine ko kung saan ako'y nagluto ng aking hapunan. Pagkatapos kong maghapunan at hugasan ang mga kasangkapang aking ginamit ay tsaka ko naman nilinis nang bahagya ang aking tinitirhan, habang naglilinis ay nakatanggap ako ng text kay Ely.

"Matutulog na ako, pasensiya na't pagod talaga ako Natalie, goodnight"

8:26 pm

Gusto kong magduda, bakit ganoon na lamang ang pagpapadala niya ng mensahe na tila ba'y isa lamang akong kaibigan na pinagpapa-alaman niya sa kanyang gagawin? Hindi siya ganito dati, tatanungin niya muna ako kung maari na ba siyang matulog o kaya nama'y hihintayin niyang sabay kaming matulog. Ngunit ang aking pagdududa ay hindi ko na lamang pinansin, maaaring pagod lang talaga siya ngayon dahil sa iskwela, ngunit diba'y wala namang ibang ginawa sa iskwela ngayon kundi magpakilala lamang sa harapan?

Hindi na ako nag-isip pa ng kung ano-ano, binura ko na rin ang mga posibleng dahilan sa isip ko at inintindi na lamang si Ely.

Wala akong magawa, hindi rin ako makatulog dahil para sa'kin ay napaka-aga pa. Tumingin ako sa orasang nasa harapan ng aking cabinet, 8:43. Nag-iisip ako ng bagay na maaari kong pagtuunan ng pansin at baka'y antukin ako.

*Unexplained sound*

Agad-agad akong lumingon sa ilalim ng kama, nakita kong nakausli ng kakaunti ang isang baul, nagtataka ako dahil ngayon ko lamang nakita ito. Mabilis ko itong hinila ngunit napakabigat, dahan dahan ang aking ginawang paghila at ako'y nanghina dahil sa bigat ng baul.

Pagkabukas ko nito'y umalingawngaw ang napakasamang amoy na nanunusok sa aking ilong, lumayo ako ng kakaunti dahil kahit na sino'y hindi nanaising maamoy ito.

Tila ba'y hangin lamang ang amoy dahil ilang segundo lamang ay nawala na ito, muli kong nilapitan ang baul na aking natagpuan sa ilalim ng kama. Isang litrato, magkasama ang aking Ina at ang Ina naman ni Shyr na pumanaw na. Mawawari mong sila'y napakasaya sa litratong ito, makikita mo ang tunay na pagkakaibigan na katulad lamang sa kanilang mga anak, kaming dalawa ni Shyr. Naalala ko tuloy, minsan kung pumunta ako kina Shyr ay para akong isang bumibisitang Prinsesa, sobrang dami ng inihahanda ni Tita Sheryl para sa'kin.

Tumingin ako sa likod ng litrato, may nakaukit sa kahoy ng frame na nababalutan ng alikabok at mga dumi.

Ngunit bago ko pa ito makita ay may kaluskos na gumimbal sa akin na umako sa aking atensiyon, nanggagaling ito sa ilalim ng kama kaya naman bahagya akong napa-urong sa aking pagkakaupo. Aaminin kong ako'y matatakutin at napa-praning pagdating sa mga ganyang bagay.

Mabilis kong binagsak ang aking katawan sa kama at agad agad nagtalukbong ng kumot, ako lamang mag isa pero ramdam ko ang ibang presensiya ng hindi ko maipaliwanag na bagay dito sa aking kwarto.

Agad kong hinanap ang aking cellphone, ipapa-alam ko kay Ely kung ano ang nangyari ngayon. Ngunit wala akong lakas ng loob tingnan ang anumang parte ng kabuuan ng aking kwarto, iniisip kong bigla ko nalang makikita ang mga ayaw makita, pinikit ko na lamang ang aking mga mata at nagbakasakaling dalawin ako ng antok.

Hindi nga ako nabigo at bigla ko nalang naramdaman ang pagod sa aking katawan kahit wala naman akong masyadong pinagpaguran ngayong araw, nagdasal muna ako bago tuluyang makatulog.

-----------------------------------------------------------------


(Author's Note)

Hello this is my first time creating a story, hope you'll like it.

Please don't forget to Vote, Comment and Share my story. It would be highly appreciated :)

All Rights Reserved 2018.

Affixed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon