Ika-Dalawampung Yugto

14 5 0
                                    

Ely's POV

Nagising ako dahil sa masamang panaginip, si Shyr kasi'y hawak-hawak ang duguang katawan ni Caleb. Ngunit pagkagalaw ko'y napakasakit ng aking ulo, nakatali ang aking mga kamay at binti. Napakadilim ng aking kwarto, gusto ko man sumigaw ay mayroong nakatapal sa aking bibig. Hinanap ko si Natalie ngunit madilim talaga, tiningnan ko ang mga bintana ngunit parang gabi na, dahil wala ka ng makikitang sinag ng araw. Sobrang pagkakapukpok siguro sa ulo ang aking natamo dahil nakatulog ako ng mahaba, isapa'y isang liko mo lang ay kumikirot na ito. Pero hindi ko masyadong inisip ang aking sarili, gusto kong hanapin si Natalie, humanda sa akin ang may kagagawan nito kung masaktan man ito.

Kabang-kaba ako sa bawat tunog ng yapak ng isang tao, bawat hakbang ay parang sinasadyang iparinig sa akin. Galit na galit ako ngayon dahil bakit niya ginagawa ito sa amin? Wala pa naman kaming natapakan na tao.

Pagkabukas ng pinto'y bumagsak ang aking mga balikat













Para akong tuluyang nanghina ...














Si Natalie?









Ngunit bakit? Bakit niya ito gagawin sa amin?






Hindi ko alam na bigla na lamang akong lumuha, hindi matanggap ng aking sarili na siya ang gagawa nito sa akin.

Lumapit ito at tinggal ang pagkakatakip ng tapal sa aking bibig, ngunit hindi ako nagsalita dahil pilit ayaw parin mag-
sink in sa utak ko ang mga pangyayari.

"B-bakit?"

"Kayo kasi, pilit ninyo akong tinutulak sa bangin kaya inunahan ko na kayo"

"Anong pinagsasabi mo Natalie?"


"Alam ko na ang lahat, lahat-lahat"


"Alin?"


"Unang-una sa lahat, kahit nakikita ninyo na ang pamilya ko at pamilya ni Shyr ay magkasundo at nagtuturingan na parang pamilya, mali kayo. Si Tita Sheryl ay isang mangkukulam at aking Inay naman ay isang taong napaka-lakas ng pananalig sa Diyos. Nagkataon na ang kabit pala ng aking Tatay ay si Tita Sheryl kaya naman nag-away ang mga ito, naalala mo ba noong lumipat kami? nalaman ni Inay na mangkukulam pala ito at baka may nagawang masama pa si Tita Sheryl kay Inay kaya lumipat na kami. Ngunit sadyang mahal na mahal nilang dalawa si Tatay kaya naman doon nagsimula ang bigla-biglang paglitaw ng mga paso sa katawan ni Inay, akala namin ay bugbog lang ngunit unti unting nararagdagan hanggang pumunta na kami sa albularyo at sinabing nakulam daw si Inay. Dumating ang araw at hindi tumigil ang mga paso kahit na anong gawin namin, hanggang sa binawian na siya ng buhay"



"Ngunit ang sabi mo sa akin ay namatay sa sakit ito?"



"Bakit ko naman sasabihin? siguradong mag-aaway rin tayo dahil ang salarin sa pagkamatay ng aking Ina ay iyong tunay na Ina"

Nagulat talaga ako sa sinabi ni Natalie, bakit niya ito nalaman? ang akala ko'y kaming dalawa lang ni Mama Sheryl ang may alam nito?


"Sinungaling si Tita She, sinabi niya ito kay Inay at bago mamatay si Inay ay sinabi sa akin"


"Edi alam mo palang magkapatid kami ni Shyr? bakit ka pa nakipag-hiwalay kung alam mo namang hindi kami pwede?"


"Hindi ako tanga. Ikaw ang unang true love ni Shyr kaya hindi niya nagugustuhan si Caleb, diba nga'y parang may namagitan pa sa inyo ngunit ipinagbawal ni Tita Sheryl? Kaya naman umamin ako kay Shyr na matagal na rin kitang gusto, ipinaubaya ka naman niya sakin"




Affixed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon