Elementary pa lang magkaibigan na sina Kurt at Christine. Lagi silang magkasama sa tuwing vacant nila. Para silang mag-syota pero walang namagitan sa kanila. Sa tuwing may umaaway isa sa kanila, ipinagtanggol nila ito. Hanggang sa sila'y nasa High School na. Matatag pa rin ang samahan nilang dalawa. Ito ang pinakamasayang buhay estudyante nila. Kung baga, dito nagsimulang manligaw si Kurt kay Christine. Nahulog ang loob ni Kurt kay Christine. Kaya nagtapat siya dito.
Grade 10 na sila noon kaya medyo nandoon na ang pagiging agresibo na magkaroon ng inspirasyon sa pag-aaral. Isang araw sa kantina, kinausap ni Kurt si Christine habang kumakain sila. Ipinagtapat niya ang kanyang naramdaman. Habang patuloy ang kanilang kwentuhan, sa kalaunan bigo si Kurt kay Christine. Hindi siya sinagot ni Christine kasi kaibigan lang talaga ang turing niya dito.
Nagpatuloy lang ang pagiging pagkakaibigan nina Kurt at Christine. Patuloy din ang panliligaw ni Kurt sa kaibigan niya. Paulit-ulit man siya nabigo, pero hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na balang araw sasagutin din siya ng babaeng gusto niya si Christine. Isang araw sa klasrum, nag-anunsiyo ang adviser nila na magkaroon ng JS prom sa susunod na lingo. Tuwang-tuwa silang lahat. Kailangan maghanap na kayo ng magiging partner niyo sa JS prom na maaari niyong isayaw sabi ng kanilang guro. Unang pagkakataon pa lang kasi na magkaroon ng JS prom sa kanilang paaralan kaya walang mapagsidlan ng tuwa sa mga mukha ang mga estudyante ni Gng. Cruz. May naisip na ba kayo na magiging partner niyo? Tanong ng kanilang guro. Opo maam..sabay-sabay na sabi ng mga estudyante. Nagkatingin sina Kurt at Christine. Hindi makapagsalita. Hanggang sa may lumapit na kaklase nilang makulit na si Ronald. Oy, Pare! pagkakataon mo na ito ang pang-aasar ni Ronald sa dalawa sabay tawa, Ha! ha! ha! ha!. Tumigil ka nga diyan Ronald! kung hindi babatukan kita diyan! ang sabi ni Christine. Agad naman tumigil sa pagtawa si Ronald at tsaka lumayo sa kanilang dalawa. Tumingin si Kurt kay Christine. Christine, pwede bang ikaw na lang partner ko sa JS prom? Hindi ito umimik. Ayaw man ni Christine, pero wala siyang magawa kasi kaibigan naman niya ito. Mahaba din naman ang kanilang pinagsamahan. Bagamat may problema, dahil nagkagusto ang kaibigan niya sa kanya tinanggap pa rin niya ang alok ni Kurt. Masayang-masaya si Kurt sa mga oras na iyon, dahil ang babaeng gusto niya ay magiging partner niya sa araw ng JS prom.
Dumating na ang araw ng JS prom. Pinaghandaan talaga nila ito. Nagningning ang gabi sa mga naggagandahang dilag at mga nag-gagwapuhang binata. Dagdag pa sa mga suot nilang bagay sa tema ang " Black and Silver Night". Magandang gabi sa ating lahat! Magsimula na po tayo sa ating JS Prom. Maaari na po ang lahat na pumila kasama ang inyong mga partner para sa pagpasok dito sa loob ng tanghalan. Ang sabi ng EMCEE. Habang pinatugtog na ang entrance music unti-unti ng pumasok ang bawat mag-partner. Sabik ako sa mga sandaling iyon. Habang hawak-hawak ko ang kamay ni Christine, tila nakukuryente ako. Napakalambot ng kamay niya. Ang sarap hawakan, kaya ninamnam ko yun habang papasok kami sa lugar ng pagdadausan ng prom.
Nakapasok na ang lahat. Kaya sinimulan na ang mga gawain sa JS prom. Ngayon po ay pagkakataon niyo ng isayaw ang inyong mg aka-partner, ang sabi ng emcee. Kaya naghiyawan ang lahat at tuwang-tuwa. Habang sumayaw na ang ilan, hindi pa rin tumayo si Kurt dahil hindi niya gusto ang tugtog. Hanggang sa pinatugtog ang pinakaaabangan ng lahat ang "sweet music". Agad na tumayo si Kurt at lumapit kay Christine. Inabot niya ang kanyang kamay kay Christine na hudyat na maaari siyang isayaw. Hindi naman ito tinanggihan ni Christine.
YOU ARE READING
Tiwakal
Short StoryKuwento ng lalaking labis na nagmahal na hindi binigyan ng pagkakataong mahalin ng kanyang kaibigan na si Christine na nauwi sa pagpapatiwakal.