Habang sumsayaw silang dalawa, nagtapat muli si Kurt kay Christine. Chrisine, sana matanggap mo na ako. Hindi umimik si Christine. Patuloy lang sa pagsasalita si Kurt. Ano ba ang hinahanap mo sa lalaki? Hindi kita sasaktan. Pagsusumamo nito kay Christine. Mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung bakit nahulog ang loob ko sayo. Basta! Bigla ko na lang yun naramdaman sayo. Mangiyak-ngiyak niyang sabi. Pero naging bingi si Christine sa mga sinasabi ni Kurt. Hindi ko alam Kurt, patawarin mo ako. Hindi ko talaga kayang mamahalin ka. Kaibigan lang talaga ang turing ko sayo. Umiyak si Kurt sa narinig niya sa sinabi ni Christine. Paano naman ang dikta ng puso ko Christine? Mahal kita. Mahal na mahal. Pauli-ulit niyang pagsusumamo.
Tumigil na ang tugtog, pero hindi pa rin nakuha ang Oo ni Christine. Nabigo na naman siya sa babaeng mahal niya. Dinala niya si Christine sa upuan nito. Maraming salamat Christine sa oras. Pagpapaalam nito tsaka tumalikod. Bumalik na si Kurt sa kanyang table pero hindi siya dumiretso dito kundi lumabas ito. Umiiyak si Kurt sa labas. Lahat ng sama ng loob niya ay inilabas niya. Umiyak siya ng umiyak. Hanggang sa makaisip siya ng hindi maganda. Total, hindi mo naman ako kayang mahalin ng babaeng gusto ko mabuti pang magpakamatay na lang ako.
Naghanap siya ng lugar na walang makakakita kay Kurt. Sa may di kalayuan ng pasilyo malapit sa pinagtatanghalan ng Prom doon siya pumwesto. Kinuha niya ang isang upuan at tamang-tama may nakita siyang panali. Itinali niya ito sa may bakal tsaka gumawa siya ng bilog para sa kanyang leeg. Bago niya ito ginawa. Nagsalita muna siya. Dahil hindi mo ako kayang mahalin Christine, mabuti pang magpatiwakal na lang ako. Mabuti pang mawala na lang ako kay sa maghirap ang puso ko sayo. Paalam mahal ko. Sabay bitiw mula sa pagkakatali ng leeg hanggang sa sumakal ito sa kanya. Unti-unti siyang nangingisay hanggang sa mawalan ng hininga at tuluyang mamatay.
Habang sa loob, nagtataka si Christine kasi wala doon si Kurt. Kaya tumayo ito at nagtatanong doon sa katabi niya. Ronald, nakita mo ba si Kurt? Hindi. Oy..nami-miss niya...ang pang-aasar nito ni Ronald kay Christine. Hindi ah! ang tugon nito. Nagtaka lang kasi ako dahil bigla siyang nawala. Baka nandiyan lang yan o nag-CR ang sabi ni Ronald. Sige, salamat. Sayaw muna tayo. Hindi na, ikaw na lang.
Umalis si Christine sa lugar na yun. Hinanap niya si Kurt. Saan kaya nagpunta si Kurt? Tanong niya sa kanyang sarili. Baka nasa labas lang. Kaya lumabas si Christine para hanapin ang kaibigan. Nasaan kaya yun? Kurt! Kurt! Nasaan ka? Sigaw ni Christine. Pero walang Kurt na sumasagot. Nagpatuloy lang siya sa kanyang paglalakad. Hanggang..Diyos ko! Kurt! Kurt! Tulong!!! Tulong!!! anong ginawa mo? Nagkagulo ang lahat sa sigaw ni Christine kaya tinigil muna ang kasiyahan. Agad na kinalas ng mga kaklase ni Kurt ang pagkatali sa kanyang leeg. Pero wala na itong buhay. Umiyak ng umiyak si Christine. Niyakap niya ang kanyang kaibigan. Bakit mo ito ginawa Kurt? patuloy ang pag-iyak. Patawarin mo ako, kung ako ang dahilan ng pagkamatay mo. Nagiging makasarili ako sayo. Patawad. Sabay iyak ng malakas.
- WAKAS -
YOU ARE READING
Tiwakal
Short StoryKuwento ng lalaking labis na nagmahal na hindi binigyan ng pagkakataong mahalin ng kanyang kaibigan na si Christine na nauwi sa pagpapatiwakal.