"Amanda, keep me updated ah. Wag kang magpapalit ng sim" Di ko mapigilang mapa irap sa itinuran nito habang isinisave ko sa contacts ang number niya.
"Wag ka ngang o.a Zai, di ako mag a abroad. Mag mamanila lang ako." Kinuha ko yung nahulog na pacifier ng pamangkin niyang si Cash. Tuwang tuwa ito habang tinitignan akong pulutin ng paulit ulit yung pacifier niya.
"Cash! Halika ka nga dito" gigil na sabi nito tsaka binuhat si Cash at dinala papuntang crib nito.
" Alam mo, madaming mabibiktima yang si Cash balang araw. Tignan mo nga, ngayon pa lang magaling ng mang uto" parang gusto kong mapangiwi ng pilit na lumabas ang tawa sa labi ko.
"Heh! Wag mo ngang iniiba yung usapan. Kasi naman Mads! Pakiusapan mo nalang ulit si Tito, o di kaya gawa ka ulit ng alibi- gaya ng ginawa mong pamimilit na wag sumama para sundin ang tibok ng sixth grade mong puso." Binato ko agad ito ng cookies na kinakain ko. Tatawa tawa naman nitong sinalo tsaka isinubo.
"Dugyot mo Zai! Tsaka tatanga tanga pa ako noon. Kung alam kong lolokohin lang naman pala ako ng damuhong yun, never akong magpapaiwan no! Edi sana nasa magandang school na ako ngayon "
I'm on my sixth grade nang tinamaan ng puppy love yung puso ko. Ayon, nagpauto kasi ayaw mahiwalay sa ka m.u ko. I'm a sucker for romantic love stories. I believe in fairy tales and finding my own prince charming.
Ngayong mag gi grade nine na ako tsaka ko pa lang na realize yung kagagahan ko. I don't want to prolong this madness of mine. Mabuti't maaga akong nagising sa kabaliwan ng murang puso ko.
Bukas na ang alis namin ni Andrea. Kaming dalawa lang ang magbibiyahe at maiiwan naman kina nanay si Ange.
Di ko mapigilang ma excite sa tuwing naiisip ko ang Manila, ang magagandang bahay, magagarang kotse at nagtataasang gusali. Ini imagine ko na agad ang maingay na kalye bago pa tumilaok ang manok.Higit sa lahat I can't wait to get rid of that assh*le face. Nagiging stagnant yung future ko tuwing nakikita ko silang magkasama ng girl friend niya. Masakit sa mata.
"Andeng! Bilisan mo kaya"
Ngayong araw na ang alis namin at hindi nakikisama tong kapatid ko. Baka mamaya maiwan kami ng eroplano. Mahal ang ticket at wala ng pampa kuha pa yung magulang namin pagnagkataon."Si ate, napaka aga pa kaya" Nagkakamot pa ito ng ulo pagkalabas ng kwarto. Halatang kakagising lang.
"Hoy! Ikaw talaga. Tanghali ka na naman nagising. Mamaya makita ka ni tita makakatikim ka na naman ng masarap na sermong side dish sa agahan " Binato ko ito ng tuwalya tsaka pinagtulakan sa banyo.
Paalis na kami ng tinawag ako ng mama ni Lezai.
"Kuhaa na ni dai oh. Pasensiyahe lang kay amo lang gid na ang mahatag ko. Pigado gid abi" sabi nito tsaka inabot ang 100 piso.