Clayne POV
Hays, bakit antagal ni Ayesha? Mukhang di ata papasok, nagtigil ako sa pagiisip ng may biglang pumasok. Si Ayesha, hingal na hingal sya mukhang tinakbo mula ground hanggang dito sa 4th floor.
"Your late Ms. Coleman" sabi ni Ms. Agnes
"Good Morning ma'am, Good Morning Classmates. I'm sorry, I'm late" sabi nya habang diretsong nakatingin sakanyang dadaanan
Nagulat ako ng pinatid sya ni trixia 'the queen bee' tumayo kaagad sya na parang walang nangyari. Pagkalapit nya sakin or sabihin na nating pagkalapit nya sa upuan nya "Hi Ayesha, Kamusta ka?" bati ko sakanya, ayun deadma pa rin. Pinasok nya sa tenga nya ang earphone at pumikit sya.
Nakarinig kami ng isang malakas na sigaw galing sa labas, agad akong tumayo napansin ko ring napadilat si ayesha at tinanggal nya ang earphone nya.
Matagal na akong may gusto sakanya, she has a blue rounded eyes tapos sinamahan pa ng mahahabang pilikmata kaso nakaeye glass sya eh, she also has a pointed nose and a kissable lips. May perfect line na kilay, and white teeth.
Lumabas si Ms. Agnes at iba pang mga kaklase ko kasama na si Ayesha. Kita sa mga mata nila ng takot na mamatay, lumapit sakin si kryslane.
"Sa palagay mo Hillstone Academy parin ang may gawa nito?" tanong nya sakin habang nakatingin sa asong namatay. Hindi ko alam, gusto kong sabihin pero nanatili na lamang akong tahimik at hindi kumibo.
Kryslane Montelarde, isang mabait at matulunging babae. Halos lahat ata dito sa school ay kaibigan nya na, pero halata namang plastik sya. Maganda sya singkit ang mga mata nya mahahaba ang pilikmata, matangos ang ilong. Perfect line ang kilay, and also a kissable lips.
Dumating naman si Blaze, "Anong nangyari?" tanong nya habang hinahabol ang hininga. "May nasaktan ba sa inyo?" tanong ulit nya, pero ni isa walang sumagot sa kanya.
Blaze Anderson ang President ng room namin, sabihin na nating may pagkahawig sya kay Daniel Padilla pero mas gwapo pa rin ako sakanya.
I'm Clayne Lingcom, ang pinakagwapo sa section ng 12-Purity. Yeah, were on grade 12 students. I had a Psychic power or so-called 'powers of the mind' pag tumingin ako sa mata nila ng ilang segundo ay malalaman ko na kung anong iniisip nila, ganon kadali. And now I'm looking at Blaze eyes, and I knew What He's going to say.
"Kumpleto ba ang nandito sa room?" sabi ko na nga ba. "Kung ayaw nyong sumagot papapuntahin ko kayong lahat sa detention room" hays, yan ang pang blackmail nya samin"Lumabas si Ayesha" sagot ni trixia. Dali-dali akong lumabas, dahil alam ko na rin naman kung saan pupunta si Ayesha nang gantong oras. Pagkarating ko sa library, nakita ko sya doon natutulog at pawis na pawis. Tumakbo ako sa kinaroroonan nya, may sinasabi syang di ko maintindihan kaya ginising ko sya
"Ayesha, gising na" niyugyog ko pa sya para magising talaga sya."Hmmmm"nag-inat pa sya bago tuluyang tumayo. "Bakit ka nandito?" wow, for the first time kinausap nya ako. Nagulat ako, isang himala. End of the world na ba? O baka naman pasugod na yung zombies? Nyeta kung anu-ano naiisip ko.
"Uhmm, sinundo ka? Pinapasundo ka kasi ni President, sabi dapat daw kumpleto tayo sa room" sagot ko sakanya. Naglakad sya papalabas ng library, sinundan ko sya. Wala syang imik habang sinasabayan ko sya maglakad. Andaming nakamamatay na titig ang binibigay nila kay Ayesha. Syempre, sumabay ka ba naman sa isang Clayne 'pinakagwapong studyante ng Montgomery Academy'
"Myghaaaad, Clayne tingin ka naman dito!"
"Why so wafuuuu lingcom?"
Kinindatan ko na lang sila, hays halos maghubad na sila sa harap ko mapansin ko lang sila.
"Sino si ate girl? Ampangit naman nya, dumidikit pa sya kay Baby Clayne ko!"
"Ate lumayo ka kay lingcom, nagmumukha kang alalay nya tih"
At kung anu-anong panlalait pa ang naririnig ko sa kanila. Kala mo naman ang gaganda, mga mukha namang kurikong. Pagkarating sa room, dumiretso ako sa tabing upuan ni Ayesha. Nakatitig lang sya sa kawalan, parang may malalim syang iniisip. Sa palagay ko, nahulog na talaga ako sakanya
Min POV
Nakatitig ako sa lalaking nakatingin din sa akin, mula sa kabilang building. Antalim ng titig na binibigay nya sakin. Tumayo ako at lumapit sa President namin, nagulat naman sya. "Uuwi ako, masama ang pakiramdam ko. Pwede ko bang mahingi ang permiso mo?" tanong ko sakanya habang gulat pa rin ang ekspresyon nya.
"Sige" sagot nya. Pinaalam nya ako kay Mr. Domingo at hinatid nya ako palabas ng Academy.
Pagkauwi ko nagpunta ako sa cr, at naglinis ng katawan. Pagkatapos ay nagbihis ako ng pantulog at nahiga sa aking kama. Pinikit ko ang mga mata ko, agad din ay nakatulog ako.
Sa isang magubat na lugar nakita ko ang ama kong may pinatay na isa sa mga kaklase ko."Anak, sumama ka sakin" wika ng ama kong nasa likod ang kanang kamay at pansin kong may hawak syang kung anong patalim doon.
"Lumayo ka sakin!" sigaw ko sakanya at saka ako tumakbo ng tumakbo hanggang sa mapagod ako at sumandal sa puno ng narra.
"Sa wakas, naabutan din kita! Pinagod mo pa akong bata ka, magpapahuli ka rin pala" sabi nya habang galit na galit. I said to my own mind 'buhatin mo ang puno at ibato sakanya' then it happens. Agad syang nakailag sa punong nahagis sakanya.
"Aha! Ngayong alam mo na ang iyong kapangyarihan, kaya mo na akong kalabanin? Mahina ka pa rin Ayesha. Wala kang kwentang kalaban o sabihin na nating wala kang kwentang anak!" sigaw nya sakin. Tumakbo ulit ako pero wala na akong lakas, nanghina ang tuhod ko napaupo ako sa madamong bahagi ng gubat.
Nakita ko ang ama kong papalapit sakin habang may malaking ngiting nakapaskil sa labi nya."Tumakbo ka hangga't kaya mo pa, dahil sa oras na maabutan kita papatayin kita kasama ang mama at lola mo!" Tumakbo ulit ako sa abot ng makakaya ko, pero nabigo ako. Naabutan nya ako, sinakal nya ako. Nahihirapan na akong huminga,hanggang sa nanlabo ang aking paningin.
"Mamamatay kayong lahat! Walang matitirang buhay sa inyo, ako ang maghahari sa mundong ito" *evil grin* Yan ang mga katagang huling narinig ko mula sa aking ama, bago ako tuluyang mawalan ng malay.
"Apo, gumising ka!" sigaw sakin ni lola "Kanina ka pa sumisigaw dyan" naisip ko ang panaginip ko. Lahat kami papatayin ng ama ko? Kahit ako na nagiisang anak nya? Kahit kaming nagiisang pamilya nya? Kaming nagmamahal sakanya?
Papatayin kami ni dad? Traydor si dad? Ngunit papaano?