Min POV
Bumangon na ako sa aking kama at dumiretso sa cr para maghilamos at magsipilyo. Naisip ko ulit yung panaginip ko, hindi kaya? Aish, panaginip lang yon, si dad pa rin yon. Pagkalabas ko sa banyo nakita ko si lola na siguro ay inantay akong lumabas ng banyo.
"Apo, ayos na ba ang pakiramdam mo? Nag-text sakin ang adviser nyo sabi masakit daw ulo mo" tanong sakin ni lola, habang tinitiklop ang hinigaan ko
"Opo" sagot ko at ngumiti sa kanya
"Mabuti naman at kung ganon, halika na kumain na tayo sa baba" sumunod naman ako kay lola
Ang niluto ni lola ay adobong paksiw at sinigang, grabe ito ang paborito kong ulam. Halos naka-tatlong platong kanin ako sa sobrang sarap ng ulam
"Kamusta ang eskwelahan?" biglang tanong ni lola. Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa nangyaring pagpatid sakin ni trixia kanina. Ayoko magsinungaling kay lola, dahil malaki ang utang na loob ko sakanya. Pwede naman siguro kahit ngayon lang diba? Ngayon lang, hindi na ulit ako magsisinungaling kay lola
"Ayos lang naman po" nakatungo at kinakabahang sagot ko. Pano kung alam ni lola na nagsisinungaling lang pala ako. Papagalitan nya kaya ako? Mula nung lumipat ako dito sa bahay ni lola, hindi ko pa sya nakitang magalit at ayoko rin syang makitang nagagalit
Tinitigan ako ni lola at nagkibit-balikat na lamang sya. "Pwede ba tayong magusap apo?" nagtaka ako, di pa ba kami naguusap? "Naguusap naman na po tayo lola ah?"
"Seryoso ang paguusapan natin, gusto ko hindi ka magsisinungaling sakin. Saka may importante rin akong sasabihin sayo" pagkasabi nya non ay natahimik ako.
"Sige po" sagot ko kay lola
Ano kaya ang paguusapan namin?
Blaze POV
Nagulat ako nung kinausap ako ni Ayesha, for the first time kinausap nya ako. Kaso nga lang eh dahil nagpaalam sya. Ngayon ay pinaguusapan namin kung sino at kaninong academy nang galing ang namatay na aso?
"Sa palagay ko hindi na galing sa Hillstone Academy yon, feeling ko may kumakalaban pa sa ating ibang academy" sagot ng lider namin. Sa wakas nasagot din ang tanong sa isipan ko, kaso kaninong academy?
Ang lider namin ay si Gio Miller, ang kapangyarihan nya ay lightning. Sa aming mga kumalaban sakanya wala pang nanalo, kaya di sya mapalitan sa pwesto nya.
"Siguro" sagot naman ni Kryslane, ang kapangyarihan nya ay water.
"Pano kung nililinlang lang tayo ng Hillstone Academy? Para makakilos sila ng maayos habang tayo ay nagiisip pa rin kung sino ang nagpadala ng patay na aso na yon?" sang ayon ako sa sagot ni Clayne ngayon ah. Pano kung ganon nga?
"Siguro ngayon alisin muna natin ang asong nakakalat sa tapat nang room nyo Blaze, bago natin pagusapan ang tungkol dito" sabi ni lider
"Aye aye Captain!" sagot ko naman at sumunod sa sinabi nya. Pagkapunta ko sa tapat ng room ay nandon parin ang patay na aso. May napansin akong kakaiba sa aso parang may sticky notes pang nakalag, at di nga ako nagkamali.
'This is just the beggining Montgomery Academy'
-D' Academy
Ano yung 'D' na yon? Tinago ko ang sticky notes na iyon, siguro ibibigay ko na lang yon pagka pinagusapan na namin ang tungkol sa academing nagpadala nito.
May panibagong Academing kalaban
Min POV
Nagulat ako sa sinabi sakin ni lola, kung ganon tama nga ang napanaginipan kong iyon? Umiiyak ako ngayon sa aking kwarto
"Apo, makinig ka! Buksan mo ang pinto! Di pa tayo tapos sa paguusapan natin" sigaw ni lola mula sa labas ng aking kwarto
"Lola, gusto ko po munang magpahinga ngayon, siguro bukas na lang po natin ituloy ang paguusapan natin" sagot ko. Di kinaya ng buong sistema ko ang mga nalaman ko ngayong araw na ito. Ako ang nakatakdang pumatay sa aking ama? Dahil kung hindi ko daw sya mapapatay, paghaharian nya itong buong mundo. Magiging demonyo daw ang ama ko, pupunuin nya ng kasamaan ang buong mundo. Maghahari ang kasamaan sa buong mundo kapag di ko sya napatay
Humiga ako sa aking kama at pinikit ang aking mga namumugtong mata sa kaiiyak. Nakatulog ako at nananiginip. Paulit-ulit na lang ang panaginip ko, lang ganon ang scenario. Dumilat ako, tumayo ako at binuksan ang bintana. Madilim na pala, lumabas ako ng aking kwarto. Bumaba ako at pumunta sa kusina, binuksan ko ang ilaw. Narinig ko namang may naglalakad papalapit sa kusina, alam kong si lola yon.
"Kumain ka na" sabi sakin ni lola. Nilagyan nya ang plato ko ng kanin at ulam na piniritong itlog. Nagsimula na akong kumain, nasamid ako kaya naman inabutan agad ako ni lola ng inuming tubig. "Salamat po" pasasalamat ko kay lola.
"Apo, hwag kang magtatanim ng galit sa mama mo, ipapaliwanag ko sayo kung bakit nya pinalipat dito" sabi ni lola. Tumango naman ako sakanya, kasabay ang pagsubo ng kanin at piniritong itlog ay nagsalita si lola
"Nilipat ka dito ng mama mo para sa kaligtasan mo, para hindi ka masaktan ng papa mo" so itutuloy nya talaga ang plano nyang patayin kaming lahat? "Patago kang nilipat ng mama mo dito, para hindi ka nya mahanap at mapatay sa lalong madaling panahon" pagpapatuloy nya
"Wala na talaga sa katinuan si dad" nagulat si lola sa sinabi ko pero agad din naman syang sumang ayon "Pati nagiisa nyang anak papatayin nya masakop lang nya ang buong mundo, masyado syang sakim!" hindi na ulit nagsalita si lola bagkus ay umakyat sya sa taas at pumunta sa kwarto nya
Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko at umakyat sa taas para pumunta sa aking kwarto.
Kailangan ko nang matapos ng maaga ang kasamaan ng ama ko, ako ang tatapos nito.