Chapter 3

127 35 60
                                    

AVRIL'S POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Maddie. Buti nalang nadala agad namin siya dito sa Infirmary Room sa school namin. Sabi nung nurse eh dala raw ng pagod ang pagkahimatay niya. I was so worried earlier kaya hindi ko na alam ang gagawin ko

Buti na lang at tinulungan ako ni Jarred, classmate ko, sa pagdala dito kay Maddie. Sabi ko hintayin niya nang magising si Maddie para mapasalamatan niya naman si Jarred but he insists. Umalis na rin siya agad dahil may importanteng lakad pa raw siya.

Kasalukuyang nagbabalat ako ng prutas ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok si tita Arrhiane at tito Marco, parents ni Maddie.

"Oh god, what happened to my daughter?" Nag-aalalang tanong ni tita Arrhiane sa'kin pero kay Maddie siya naka tingin.

"Kanina po kasi tita, she fainted while we're walking. Pero sabi po sa akin nung doctor eh dahil lang po daw sa pagod kaya po nangyari yun." Paliwanag ko sa kanila.

"Thank you Avril" yun lang ang nasabi sa'kin ni tito Marco pero sincere ang pagkakasabi niya.

Nag bow na lang ako sa kanila saka lumabas ng infirmary room. Hindi ko naman alam kung aalis na ba ako o hihintaying magising si Madds. Pero napagdisisyunan ko pa ring mag stay dito sa school. Babalik na lang ako dito sa infirmary kung gising na siya.

Naglakad na ako papunta sa cafeteria para bumili ng pagkain. I'm hungry, kanina pa habang audition.

While walking, nilabas ko ang cellphone at saka nag text kay ate Aly na mamaya pa ako uuwi ng biglang may bumangga sa'kin. My phone fell on the ground. Kinuha ko ang phone ko at inis kong tinignan kung sino ang bumangga sa'kin saka nagsalita.

"Are you blind? Hindi mo ba nakita na may mababangga ka na sa paglalakad mo eh, hindi ka man lang umiwas!?" Singhal ko sa kanya. Lalaki pala ang nasa unahan ko. I can say, he's handsome, but stupid.

"Hindi lang naman ako ang may kasalanan ah. Ikaw nga, hindi rin tumitingin sa dinaraanan mo." Sabi niya.

What?

"Can't you see that my attention is on my phone? If you're not that stupid enough, edi sana, hindi tayo nagkabungguan? At hindi rin sana nasira ang phone ko!" Madiing sabi ko. Pero lalo lang 'ata akong na badtrip ng tumawa siya.

"I can buy you a dozen of cellphones if that's what you want" mayabang na sabi niya.

Ha! Anong akala niya sa'kin? Walang pera na hindi kayang bumili ng sariling phone?

"I am not an idiot to have a phone from an arrogant man like you! Duh, I have money to buy my own." I said. 'Kala mo naman kung sinong mayaman.

"Arrogant, huh?" He said while smirking.

"Yes, ang yabang mo! Akala mo kung sinong napakayaman!" Singhal ko saka ko siya nilagpasan at nagpatuloy sa paglalakad papuntang cafeteria.

Lalo lang akong nagutom dahil puro hangin ang nakasalamuha ko kanina.

Pumila na ako at inorder ang gusto kong pagkain.

"1 slice of red velvet cake, tuna sandwich and coke in can, please." I said at saka ko binigay ang bayad ko at sinuklian niya rin ako agad.

"Please, give us 2 minutes to ready your order" Nakangiting sabi nung girl cashier. I nod at naghintay.

Nang ibigay ang order ay naghanap agad ako ng upuan na malapit sa may bintana saka umupo do'n. Mabuti naman at gumagana pa ang phone ko at pinagpatuloy ang pag text kay ate Aly.

Habang kumakain ay tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag.

"Hello mom?" Sabi ko. Yes, si mom ang tumatawag.

Living As a Mafia Heiress (On-Going) Where stories live. Discover now