'Nerdy at walang kwenta' yan lang lang naman ang tingin ng iba sa akin.
Porket ba nerd wala ng pakinabang sa mundo?
Yan din ang tanong ko sa sarili ko eh.
Maganda nga sila panget naman ang ugali, diba?
Iilan nalang ang magagandang babae na maganda ang ugali at isa kana don
(A/n: thenks enebe)
Di ka kasama don
(A/n: ay grabe sya)
Maraming nag bibitaw ng masasakit na salita sa akin katulad ng…
"Nerdy!"
"Walang kwenta!"
"Pangit!"
"Walang nagmamahal sayo!"
"Walang friends!"Masakit pero totoo
Wala akong friends. Pero okay lang sanay naman na akong tawagin nila ako ng ganyang salita
Pero DUMATING TONG MGA KUMAG NATO!
Sorry, kala kasi nila gwapo sila
Sus, mukha nga silang mga unggoy para sa akin ehhh
Pati narin mga lalaki napapa tili narin sa ka gwapuhan nila
Soon to be hari ng school daw sila kasi hindi pa nila napapasunod ang isang estudyante sa school namin
At ako yon
Kaya ginagawa nila ang lahat para mapasunod nila ako sa kanila.
Kahit kailan hindi ako papayag sa gusto nila no ano ako uto-uto?
Pero pagod na ako sa mga pinag gagagawa nilang lahat
Bilang revenge…
PAPATAYIN KO SILA--CHAROT!
Syempre hindi ko sila papatayin no!
Anu ako mamamatay tao?!Sweet Revenge lang ang peg.
Alam mo kung anu?
Nag pa ganda ako!
Oh diba! Pak nasilaw sila sa kagandahan ko!
Kahit ako hindi ko nakilala ang sarili ko nung nag paganda ako
Sabagay baka nasanay na akong maging nerd diba?
Pero may chance kayang mainlove sakin yung mga kumag nayon?
Kahit na binubully nila ako dati may chance din bang mainlove ako sa kanya?
Kay Joshua?
YOU ARE READING
That Nerd Is An Angel
Teen FictionNerdy at panget yan lang naman ang tingin ng lahat sa akin Sabi nga ng iba 'DON'T JUDGE THE BOOK BY ITS COVER' Hindi naman ako libro para I judge pero parang ako yan eh Walang nag papakita na mahalaga ako sa piling nila. Pero dumating young mga kum...