Chapter 2

101 8 3
                                    

Hindi parin ako makatulog mula kanina pag kauwi ko galing school. Paano kaya niya ako nakilala? Siguro stalker ko siya o---

"Knock"Knock"Knock" ay anu bayan may iniisip ako ehh

"Ano po yun?" sabay bukas ko sa pinto ng kwarto ko

"Anak pwede ka bang bumili ng Suka jan lang sa kanto natin kay aling Judy bilisan mo lang at medyo gabi narin eh" sabi ni mama at inabutan ako ng pera

"ah sige po ma" Kinuha ko ang pera at lumakad palabas ng bahay namin

" ~I'm at a payphone trying to call home All of my change I spent on you Where have the times gone? Baby, it's all wrong Where are the plans we made for two Yeah, I, I know it's hard to remember The people arayyyy---" napatigil ako sa pag kanta ko ng biglang may nambato sakin sa likod ko tinignan ko ito ngunit wala naman akong nakitang tao sa likuran ko kaya nag patuloy nalang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa tindahan

"Pagbilan po.."

"anu yun ineng?" sabi ni aling Judy habang nakasilip sa maliit na bintana sa tindahan nila

"Suka po ung maliit po"

"ito oh " sabay bigay ni aling Judy nung binibili ko

"ah salamat po" binigay ko kay aling Judy ang pera at lumakad ulit ako pabalik sa amin

"Yeah I, I know it's hard to remember the people we used to be it's even harder to picture that your'e not here next to---anak ng tokwa" natigilan ulit ako sa pagkanta pabalik na ako samin binabato parin ako lokong yun ah.. lumingon ako sa likod at para bang tila yelo na nanigas ako dahil gabi na pala at isang poste lang ang bukas ang ilaw unti-unti akong lumingon sa harapan ko upang tumakbo ngunit

"aaaaaaahhhhhh" sigaw ko 

"shhh" wag kang maingay" sabi nung lalaking naka itim na jacket at tinakpan ang bibig ko. aba walang hiya to ah nambabato na nga tinakpan pa bibig ko

"hmmpjjhggspppp"

"ano?" parang inaiinis pa niyang tanong tinuro ko ung kamay niya na nakatakip sa bibig ko at agad niya naman itong tinanggal

"pano ako mag sasalita at pano mo maiintindihan kung kapit moko" sabi ko sabay punas ng bibig ko

"sorry naman" sabi nito aba talagang ginagalit ako nito ah pero nakakatakot gabi na pati

"si-sino ka? Bkit mo ko bi-binabato kanina ha su-sumosabra kana ah" sabi ko habang humakbang ako ng dahan -dahan patalikod

"Tsk. Gabi na ah bakit nasa labas kapa?" tanonng niya habang patuloy ako sa pag hakbang patalikod

"pake mo ba ? at isa pa sino kaba ha?"

"Audey hindi mo ako kilala?" sabay lakad papunta sakin

"hindi nga sabi eh" ako sabay atras muli

"Gusto mong makilala?"  at humakbang siya muli pamunta sakin

"Hindi nga kita kilala anu bang pag kakaintindi mo sa hin----Ikaw?" sabi ko at natigilan ako nakaabot na pala kami sa poste kung saan may ilaw paraan upang makita ko ang mukha niya

"Oo ako nga" sabi nito at napa kamot sa ulo

"Ikaw lang pala akala ko kung sino na, Sorry ka nasigawan kita loko ka rin kasi eh" sabi ko habang tumungo

"ok lang yun hindi ka naman masyadong bungangra no? hahaah" hala tumatawa siya ung lalaki sa school oo siya nga tumatawa grabe ngiti palang nakakaloko na ung tawa pa kaya niya

"ahh .. bakit ka natawa?" nahihiya kong tanong 

"ah wala nakakatuwa kalang kasi" at pakiramdam ko pag kasabi niya nun uminit ang mukha ko kahit alam kong  gabi na at malamig ng konti dito sa labas

"ganun ba anu nga pala nakain mo at nambabato ka? isa pa gabi na ah baka hinahanap kana sa inyo" sabi ko sa kanya kasi gabi na sino ba naman taong mang babato ng gabi

"wala pauwi na ako ng pansin kita kaya naisip ko batuhin ka hindi naman malakas ung pag kakabato ko papel ung gamit  ko oh" sabay pakita ng kapit niyang mga papel hindi ko napansin yun ah

"Oh panu mo pala ako nakilala?" tanong ko sabay pisil ng sukang binili ko ung nasa pack at oo nga pala si mama 0_0

"Audrey kasi....."

"Sige bukas nalang ha si mama hinihintay na kasi tong binili ko eh baka pagalitan ako una na ako" sabay takbo ko

"Ma eto na po ung sukang pinabili niyo" napahina ang boses ko sa bandang hulihan ng aking mga salita ng abutan ko si mama na hindi maipinta ang mukha at feeling ko sasabog na ito sa galit kaya naman

"Ma relax lang may nakasalubong kasi akong lalaki sa kanto eh hindi alam kung saan ang daan naawa ako kaya tinuro ko at sinabi ko kung paano siya pupunta eto na po pala ung suka niyo" sabay takbo ko sa taas at dali-daling nilock ang doorknob ng pintuan ko

"Audreyyy Nicoleeeeeeeee" sigaw ni mama na kahit nandito na ako sa kwarto ko rinig paran grab buti nalang nasabi ko yung mga dahilan na yun kung hindi patay nanaman ako dun.

Pero teka ... Yung lalaki kanina ay ang tanga ko talaga sabay pukpok ng ulo ko bakit hindi ko ba siya tinanong kung anong pangalan niya hayyy nako Audrey ako sabay pukpok muli sa ulo ko ..nasisiraan na yata ako..

-----NEXT UPDATE KO MAKIKILALA NIYO NA SI UNKNOWN GUY-----

One Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon