Chapter 3
Hay pasukan nanaman bukas makikita ko pa kaya siya? Pero teka ilang beses na kaming nag kikita ni hindi ko manlang alam ang pangalan niya. Pero siya kilala niya ko posible kayang may gusto siya sakin? oo tama alam niya buong pangalan ko pero siya hindi ko kilala so it means May gusto nga siya sakin.. waahhh ang saya naman nun :) halos gapangin ko na ang buong kama ko sa kakaikot ko grabe ang isang poging katulad niya dapat talaga sakin mag kagusto. :)
(KInabukasan sa School)
"Lalalalala-- ah?" napatigil ako ng may matapakan akong bagay sa kalsada papunta na akong school pero dahan dahan ko itong inangat at.... waaahhhhh Bubble Gum? Bakit kasi may mga taong nguya ng nguya at itatapon ang mga pinagkainan sa tabi-tabi Langya iika-ika akong naglakad patungong school at dali daling pumuntang C.R mahirap na baka pagtawanan pa ako dito. Matapos ang ilang paglilinis ng sapatos at pag tatanggal ng Bubble Gum na yun naka labas narin ako sa wakas ng C.R.
"Boo"
"Ay Tokneneng" sa gulat ko nahampas ko sa kanya ang dala kong folder at tinamaan siya sa muka
"Aray ko naman" reklamo niya
"Ahh sorry naman ikaw kasi ihh nang gugulat ka" sabi ko sabay ayos ng folder na dala ko
"Ahh kasi tatanungin kita kung pwedeng sabay nalang tayong kumain ng luch yun lang naman eh pero isang hampas lang natanggap ko" sabay kamot ng ulo niya
"ah ganon ba sorry naman sige sabay nalang tayong kumain"
"Yes. sige kita nalang tayo sa labas ng gate ha" sabay kaway sakin nung nasa malayo na siya
Teka sa labas ng gate? Hindi sa canteen eh saan kaya nun gustong kumain? ay tanga ko talaga naka limutan kong itanong ang pangalan nya mamaya na ngalang baka malate pa ko.
Hay buti nalang wala pa si maam Umupo na ako sa upuan ko pero sino naman tong babaeng to? Kasi ang pag kaka alala ko parehong lalaki ang katabi ko pero nevermind na lang.
"Ahh miss"
"Miss..."
'MISS ANO KABA BINGI KABA HA" nagulat ako sa lalaking nasa likod ko dahil sinigawan niya ako sa tenga bwiset yun ah
"ANO BA HINDI AKO BINGI AT BAKIT KA NANINIGAW JAN?" sita ko sa kanya
"Eh kasi kanina pa kita tinatawag jan tapos ikaw dedma lang" aba talagang ginagalit ako nito ah
"kaya ako hindi lumilingon kasi Miss ka ng miss jan ang dami kayang babae dito sa room natin malay ko bang ako yun no ma iba nga tayo bakit mo ba ako tinatawag ha?" sigaw ko sa kanya
"eh kasi po upuan ko lang nman yan eto po upuan niyo oh?" sabay turo niyo sa likod oo nga no eto ung dalawang lalaki
"Yun lang pala eh naninigaw kapa" sabi ko dito at padabog kong hinagis ung bag ko sa upuan at umupo na
"Sus ganyan na pala epekto ng napapahiya" sabay smirk aba ng aasar pa tong lokong to ah akmang babatukan ko na pero biglang sumingit si maam tsk sayang -_-
--------------------------------------MAY PART TWO PO TO-----------------------------------------
