chapter 1

35 0 0
                                    

"Napaka ingay ang bawat kapanilyang tumutunog ay nag bibigay kilabot sa aking katawan.

Araw ng pag pili ng itinakda at pag aalay sa huling babaeng naging isa sa mga ito.

Mga bughaw na mga kulay na bulalak ang aking nakikita mula sa aming may ikalawang palapag na bahay.

Ang mga awit na pinapaniwalang banal ay aking nang naririnig na nag  mula sa isang puting karwahe at sa taas ito ay isang lalaking umaawit.

"Dalawang araw mula ngayon ay mamimili na ng isang itinakda.

Ngunit tila kaba at pighat ang aking naramdam.

Hindi dahil salungat ako sa ganitong paniniwala ngunit ako'y kabilang kung saan mamimili ang mga matataas ng gwadhaie( punong nangangalaga) ang aking mga paa ay inukitan ng isang gawa sa kahoy na isang sapatos.

Ni isang beses ay hindi ko manlang nabigyang pansin na itapak  man lang ang aking mga paa sa takot na ako'y parusahan ng mga gwadhaie sa aming lugar.

Tila napaka lupit ng mundo upang pati ang ang pag ngiti ay ipinagbabawal na makita ng ibang tao malibang sa iyong sarili.

Pinanganak ako sa isang marangyang pamilya ngunit hindi ko maramdaman ang ginhawa ng tinatamasa ng aming buong angkan.

Tila ba'y masahol pa ako sa isang gusgusing pulubing malaya at kayang sumaya kahit salit sa salapi.

Nakakaawa...

Bumukas ang pinto ng aking malaking silid at bumungad ang isa sa aming butihing katulong.

Magandang gabi sa iyo manang roseta. Bagamat ramdam ang lamig ng aking boses ay hindi maitatago ang pagkasabik nito dahil sa pag pasok ng nag aliping naglakas ng loob na ako'y pagsilbihin. Dahil sa takot ng iba na sila'y aking isumpa gamit ang aking makapanyarihang bibig sa pag sasalita.

Ngumiti ito kahit batid nyang malabo ko itong suklian.

"Nagwari ang iyong ama na pag dalahan ka ng isang hapunan kaya ako naririto.

Ang bawat kilos nya ay aking pinagmamasdan hangang dumapo ang aking mata sa kaniyang kaliwang barso na diman gaanong kita ngunit na babatid kong ito ay isang nalim na sugat gawa ng mahaba at matigas na bagay.

Tila pinag diskitahan ka na nanaman ng punong alipin manang roseta. Kasabay ng aking pag talikod na tila takot makita ang pilit itinatagong emosyon na tila gustong kumawala.

Agad agad ay inilapag nito ang aking hapunan at agad itinago sa kaniyang likuran ang kaniyang sugatang braso.

Ngumit lamang ito ng mapakla walang pakundangan lumabas ng aking malaking silid.

Napabuntong hininga nalamang ako at agad itinuon ang aking paningin sa pintong nilabasan ng aming alipin.

Tila nga yatang napakalupit ng mudo.. Dahil ang maari lamang mamuno ay ang mga maka pangyarihang tao...

the living goddesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon