chapter 5

19 0 0
                                    

"Sumapit na ang umaga ngunit tulog parin ang ginoon si sinion, naalala ko nanaman ang naging tagpo namin kagabi. Napapikit nalamang ako dahil sa aking naalala. Hindi ko na lilimitahan ang sarili ko pag dating sa kanya nakapag tatakang nagawa ko pang mag labas ng emosyon at lalo pa't ngayo'y pulang-pula ang magkabilang pisngi nito dahil sa lakas ng aking pag kaka sampal. At ang nakakamangha pang makita ay tila pati sa pag tulog ay may hinanakit parin ito sa akin dahil magkasalubong parin ang kilay nito kahit sa pag tulog.

Gamit ang aking isang unan ay marahas ko itong binato sa ginoong ngayo'y nakahiga parin sa parihabang kahoy na upuan. Sa ginawa ko ay napadaing ito ay bahagya pang kumamot sa kaniyang ulo bago na isipang tumayo at ilibot ang kaniyang paningin upang hanapin ang salarin ng pambabato sa kaniya ng unan.

Nang tumama ang kaniyang paningin sa akin ay agad nag salubong ang kilay nito habang kinukusot pa ang kaniyang mata.

"Hoy babae! Namumuro kana ha, kagahapon ka pa! Pasalamat ka dahil may untang ng loob ako sayo, letche toh'

Galit na galit itong magsalita, animo'y dinaig pa ang pinag kaitan ng mundo sa itchura nito ngayon. Umikot nanaman ang mga mata nito habang masuyong sinusuyod ng kaniyang kamay ang buhok nito.

"Paumanhin ginoo dahil na istorbo ko ang iyon pag tulog, ngunit nais ko lamang malaman kung kailan ang ating pag alis?"

Sinipat nito ang upuan at saka lamang ako nito tinitigang.

"Tss, sa lalim mong mag salita ay parang dinaig mo pa ang akan ko na ngayo'y dangang dangang panahon na namatay.

"But anyway mamaya ang alis natin kapag sumapit na ang alas dose ng gabi dahil sa sobrang bangot ko sa iyong silid ay nagawa kong agad pag masdan ang paligid."

Kapag sumapit na sa saktong alas dose ang malaking relo ay mag sisimula ng tumunog ang kampanilya, sa paraang ito ay may sisimula ng umalis ang mga kawal na nakapalibot sa iyong silid at mag tutungo na ang mga ito sa harap ng pasilyo upang duon pa itnigin ang sikyuridad ng buong paligid. Alas tres naman ng umaga ay mag sisimula muling tumunog ang kampanilya at may naririnig kang kakaibang tinig at doon ay mag sisimula ng bumalik ang mga kawal sa kanilang plataporma upang mag matyag ulit sa buong pasilyo.

Sa paraang ito ay maari tayo mabigyan ng pag kakataong tumakas at mag handa. Gusto ko sanang dumaan sa lagusan na nakatago sa itong malaking aparador ngunit nalapit ito sa harap ng pasilyo kaya maaring makita tayo ng mga kawal nyo, kaya imbis na doon tayo mag tungo ay gagamitin nalamang natin ang napakaraming kurtina ng iyong silid upang gawing mahabang lubid at ng makababa tayo sa mataas na palapag na ito. "Ano ayos ba?"

Natulala nalamang ako sa aking narinig. Masyadong mabilis ang pangyayari at limitado ang oras ngunit nagawa na nitong malaman ang bawat galaw na pasilyong ito. Bigla tuloy akong napaisip. Dapat 'ko nga bang pag katiwalaan ang ginoong ito? masyado na ba akong desperada para itaya ang akin buhay na pinapahalagahan ng milyon-milyong katao para lumabas lamang at maramdaman ang malayang buhay kung ang mga tao sa paligid ko'y nag uunahan makutongtong lamang sa mataas na upuan at lumuhod sa aking harapan.

"Hoy Babae ano na?" Sabi nito habang bahagya pang sinipat ang aking hinihigaang kama gamit ang kaniyang paa.

"Wag mong sabihing gusto mong umatras  sa plano? Babae jusmeyo! Marimar ka!! Sasayangin mo pa ang ginto kong oras." Ani nito sabay kamot sa kaniyang batok.

the living goddesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon