CELINE'S POV
Gising naaaaa! Grabe, parang nakaka-feel ako ng good vibes ngayong araw na to. Oo nga pala!
OMG! OMG! OMG! First day natin ngayon. Senior Year na! :)
I have to prepare.
Maligo. Kumain. Magbihis. Mag-ayos. Mag-prepare ng gamit.
There! All done. :))
Super excited na ko. Namiss ko din mga friends ko. Namiss ko betsfriend ko. Namiss ko mga classmates ko, yong fun sa klase. Namimiss ko din nong Third Year kami. I can say, it's my best year. Para lang kami magkakapatid sa klase non eh. Hayy. Pero Senior na! I'm sure, magiging masaya din to.
Oh btw, di pa ko nagpapakilala no?
Well, I'm Celine. Celine Angela Serrano. Call me Celine or Cel. I'm 15. O ayan, senior ako. I can assure all of you na masayahin at mabait ako. Maganda daw sabi nila. Hmm. Okay naman ako sa klase, bukod sa okay grades ko, okay din yong relationship ko with classmates and friends.Okay din ako sa family. I'm blessed na okay ang family namin. I have my mom and dad plus my sister and my brother. I'm grateful, I have this kind of life. Sobrang blessed, sobrang swerte. Promise! Wala na kong mahihiling pa. :)
Ayan na, nasa school na pala ko. Haha. Di ko na namalayan.
Daming tao sa labas ah! Agap pumasok ng mga students. Bumaba na ko sa van namin. Yeah, hinahatid pa ko ng dad ko eh.
Tumingin tingin ako sa paligid. Looking for my friends. AYON! Yon sila. They gave me a hug nong nakita nila ko. I hugged them back of course. Grabe, as in like "OMG! Namiss ko sila" Todo chikahan kami. Medyo naging busy kasi ako sa napakadaming gawain ng officer nong vacation eh. Kaya ayan sobra kong makipagchikahan sa kanila. Tipong, wala ng bukas. Hahaha!
Habang nag-uusap kami, biglang nagsalita si Anne, friend ko.
"Cel, look at this"
Pinakita nya sa kin yong phone nya and nakita ko..
From: Stephen (2 days ago)
Ako naka-move on? Anne, napakahirap!
Trina: OMG!
Audrey: Tara guys! Simula na yong flag ceremony.
--Natulala ako don ah. Di ko alam dapat kong sabihin o i-react. Buti na-save ako ng bestfriend kong si Audrey. Kasi kung di nya sinabi yon, magiging sentro na naman ng diskusyon namin si Stephen. Bakit ba kasi may nag-eexist pa sa mundong to na mga kampon ng kasamaan na tulad nya?
Whatever! Celine, calm down. First day oh. SMILE!
Yeah. That's the right thing to do. Just forget all about it.
Ayan, flag ceremony, opening remarks etc. etc. Nagtawagan na din ng section! :) Yeay! Classmate ko si Audrey. Classmate ko si Trina. Classmate ko si Anne! Classmates kaming apat! Eeeee. Ansaya nito! :D
Nong nasa classroom na kami, syempre medyo maingay. Bago palang eh. Daming nagtatawanan, nagbabatian at masayang masaya kasi classmates sila. Ganon din kami syempre. Pinag-uusapan namin mga experiences namin nong vacation. Tapos biglang..
"Class, I'll be back..I'll just go to the Principal's Office..'
Susko. Si Mam lang pala. Mag-aayos siguro yon ng enrollment list. Baka pati may newcomer.
Tuloy lang ang chika at tawanan. Yong mga lalake, di magkaintindihan sa sigawan. Nakatayo pa yong iba. Tapos biglang pumasok na si Ma'am...kasama ang isang...
NEWCOMER?
The fuck. Why is he so familiar?
-CHAPTER ONE DONE! Pa-support po. Thanks ;)