CHAPTER TWO - THE FAMILIAR ONE

51 2 13
                                    

AUDREY'S POV

Hi! Audrey here. Audrey Samantha de los Reyes. Well ang role ko dito ay bestfriend ako ni Celine. Ito nga oh nakakatitig ako sa kanya habang sya, ayon. Nakatitig sa unahan.

Don sa teacher namin kasama ang newcomer at ang newcomer na yon  ay walang iba kundi ang lalaking kanyang pinakamamahal!

OOOPPPSSSS. Wrong move.

Anyway, totoo naman eh. And unfrotunately, truth hurts.

Tinititigan ko sya ngayon. Yong titig nya kay Stephen, parang sobrang lungkot na pinipilit nyang haluan ng galit. Pero kitang kita din sa kanya yong gulat. Yong ex-boyfriend mo kaya biglang mag-transfer sa school nyo, di ka kaya magulat?

Pero mas OA naman reaction don ng mga classmate ko. Yong iba NGANGA! Yong iba kinilig. Sa gwapo ba naman ni Stephen. Mapapa-OMG ka talaga ng bonggang bongga! Yong iba naman, napangiti saka napatingin kay Celine at nalungkot, siguro sila yong mga nakakakilala kung sino talaga si Stephen.

Ako naman, hindi nagulat. Nagu-guilty nga ako eh. Vacation palang, alam kong magta-transfer na sya dito. Wag kayong maingay ha. Hindi kasi alam ni Celine na may communication pa kami ni Stephen, magagalit yun. Sasabihin non na wag ko ng kausapin yong "GAGO" na yun.

Hindi ko naman magagawa yun. Napalapit na rin ang loob ko kay Stephen eh. Nakita ko kung gano nya kamahal ang bestfriend ko,

Alam kong hindi nya kayang saktan si Celine. Si Celine ang pinakang-importante sa buhay nya.Ang taong pinakang-huling tao na ayaw nya mawala sa kanya. Parang binagsakan talaga sya ng langit at lupa ng 10000000x nong nakipag-break si Celine sa kanya. Hindi naman nya kasi talaga kayang lokohin si Celine.

May mga tao nga lang talaga na gustong sumira sa kanila!

CELINE'S POV

Teka. Kailan pa pumayag ang school na may makapasok na walang hiya sa school namin? And shit, he's wearing our uniform. Bakit?

Oh eh diba freshmen na ng college tong ulol na to. Eh anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito?    

Amba at nagpapa-cute pa sa mga kaklase ko. Yong mga kaklase ko namang mga babae, amba titig na titig at kilig na kilig.

HOY, wag kayong masyadong magpadala sa kagwapuhan nyan, kampon ni Satanas yan eh!

Bitter ba ko?

Oh well, wala akong pakialam. Gago naman talaga yan eh. Sinungaling. Manloloko. Walang hiya. Nagpapaasa. Oh ano paaaaa?

Nasusura ako. First day of school pa naman.

Teacher bakit po kayo may kasamang halimaw?

Biglang nagsalita na lang si Mam pagkatapos nyang kausapin yong halimaw. At si halimaw naman, tumingin sa kin. Yong iba ko tuloy classmates, napatitig din sa kin. Titig na titig kasi sya eh. Napa-irap tuloy ako.

"Class. I want you to meet our transferee for this year. Mr. Mateo Stephen Tan. He's from International School..................."

"Hi!" -Mga reaction ng classmate ko sabay mga pa-cute lalao na yong mga girls.

Ngumiti naman si Stephen sa kanila. Susko. Isa pa ding pa-cute. Nakakairita. Wag ka ng magpa-cute. Kahit sobrang gwapo ka sa paningin nila, halimaw na ang tingin ko sayo!

Sa sobrang asar ko, di ko namalayan, naka-upo na sya sa tabi ko.

"Cel.."

Celine, may tumawag ba sayo? Kalma. Dedmahin mo na lang.

Amba teka. Bakit di sya naalis sa tabi ko?

"Why are you here?" 

Maldita ba? Hindi naman eh. At wala akong pakialam. He deserves that kind of treatment.

"Oh sabi kasi ni Teacher dito daw ako eh"

Well, ano ngayon?

Hmmm. Wait. Ano????? Dito sya tabi ko? HELL NO!

"BAKIT DITO SA TABI KO?" Medyo napalakas yong sabi ko. Ayan, napatingin sila sa kin.

"Celine, you okay?" si Ivan.

Nahiya naman ako, tumango na lang ako kay Ivan.

Napatingin din yong teacher. Ano ba yan. First day of school ganito na agad. Ito kasing kampon ni Satanas na makapal ang muka na katabi ko eh.

"Ms. Serrano is there any problem? Oh by the way, Mr. Tan, it's time for you to introduce yourself" Sabi ni Ma'am. Tumayo naman agad si halimaw.

HE'S BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon