Obra ni Mae

13 1 0
                                    

By: gazer_mae23

Naniniwala ba kayo sa mga nilalang na di natin ka uri? Mga nilalang na di nakikita ng ating dalawang mga mata? at mga nilalang na akala natin ay sa mga pelikula lang natin napapanood, paano kung sabihin ko sa inyong totoo sila? Maniniwala ba kayo? O patuloy niyo paring paniniwalaang tayo lang ang nakatira sa mundong ito?

Nagising si Tin dahil sa tapik sa mukha ng kanyang kapatid, " uy Tin gising na " wika nito sabay hablot sa kumot na tinalukbong ni tin, " bakit ba? Ang aga aga pa eh! Istorbo mo! " kinuha muli ni Tin ang kumot sa kamay nito at humiga ulit, " bala ka dyan, sabi ni mama bangon na daw at mag impake dahil lilipat daw tayo ng bahay ngayon din." bigla siyang napabalikwas ng bangon at dali daling ginawa ang mga dapat niyang gawin, lumabas agad siya ng bahay dahil siya nalang ang hinihintay nila at tinatawag na ito ng Ina nito, mukhang bagot na bagot narin ang kapatid ni Tin na sa isip niya ay masarap tirisin.

Makalipas ng ilang oras na byahe ay sawakas narating narin nila ang medyo may kalumaang bahay ngunit mababakas ang ganda at laki nito, may pangalawang palapag ang bahay, sa unang palapag makikita ang sala at kusina, sa pinakasulok nito ay may malaking pintuan na may dalawang palikuran ang isa para sa lalaki at isa naman para sa babae, Pagkatapos nilang maglibot sa unang palapag ay pumunta naman sila sa itaas, doon makikita ang mini sala at tatlong kwarto, medyo madumi ito at kaylangan pang linisin, bababa na sana si Tin ng may naramdaman siyang taong nakamasid at nakatayo sa likod niya,nilingon niya ito pero wala siyang makitang ibang tao, pinabayaan niya na lamang ito at baka guni-guni niya lang. Kinagabihan ay dun muna sila ng pamilya niya natulog sa sala sapagkat marami pang dapat ayusin sa kwarto at puno pa ito ng alikabok, makalipas ng ilang minuto ay tahimik na ang boung paligid at tanging mumunting hilik na lamang ang naririnig, tulog na rin ang mga kasama ni Tin dala narin siguro ng pagod, nanatiling dilat parin ang mga mata niya kahit lagpas alas dose na nang gabi dahil sa ayaw siyang dalawin ng antok, sa isip isip niyay siguro namamahay lamang siya ngunit sanda sandali lang ay may mga tunog ng mabibigat na yapak na galing sa pangalawang palapag ang narinig niya, nilingon niya ito sa pag aakalang baka malaking pusa lamang ito ngunit isang anino ang nakita niya, ipinikit at idinilat niya ang mga mata sa pag aakalang namamalikmata lamang siya, sa pangalawang beses na idinilat niya ang kanyang dalawang mata ay di parin nawala ang malaking anino na masasabi niyang pigura ng isang lalaki, dala narin ng matinding takot ay agad siyang nagtalukbong ng kumot at pinilit na ipinikit ang mga mata.

Kinabukasan ay agad na sinabi ni Tin ang kanyang nakita sa mga kapatid at magulang ngunit di nila ito pinaniwalaan at pinagtawanan lamang siya, Nang umaga ring yun ay nautusan silang maglinis sa ikalawang palapag, pagsapit ng hapon ay nagpaalam ang kanyang ina na aalis ito kasama ang kanyang kapatid at siya muna ang mag babantay ng bahay mag isa, walang ginawa si Tin kundi ang manood ng Telebisyon hanggang sa mainip siya at pinatay iyon, " Ano ba yan mag gagabi na at wla parin sila." bulong na sabi nito at naiihi ito ay pumunta muna ito sa palikuran, ilang sandali pa ay bigla siyang nakarinig ng mga ingay kaya dali dali niyang tinapos ang kanyang pag ihi, " Dumating na siguro sila, salamat naman dahil nakakabagot mag hintay dito, " sabi niya at lumabas, nagsalubong ang kanyang kilay nang wala siyang makitang tao at bumungad ang napakatahimik na sala, nakasarado parin ang pinto at puno nang pagtatakang niyang tiningnan ang TV na ngayon ay nakabukas na ngunit sa pagkakatanda niya ay pinatay niya ito bago pumunta sa palikuran, natakot siya bigla at saktong paglingon niya paharap sa mesa sa kusina ay biglang tumayo ang bote ng softdrink, sa takot at gulat niya ay natataranta siyang napatakbo sa labas ng bahay na walang kahit anong sapin sa paa, di niya mapigilang magmura ng maramdaman niya ang panglalambot ng tuhod dala ng takot, " letcheng buhay to! Mamatay ako ng maaga sa sobrang takot! " mangiyak ngiyak na sambit ni Tin habang palakad lakad dala ng nerbiyos, Pag dating ng Ina at kapatid niya ay saka lamang siya pumasok sa loob ng bahay at laking gulat na nakapatay na muli ang telebisyon, " Tang - Ina naman talaga to oh " inis na sambit ni Tin, " Napano ka na naman ba at panay mura mo? " tanong ng kanyang ina na puno ng pagtataka ang mukha, " Wengya Ma, may nagpaparamdam na naman sa akin, " mangiyak ngiyak na sumbong niya sa kanyang ina, " ay naku guni-guni mo lamang iyon, " sabi ng kanyang ina at dumiritso sa kusina. Matapos ang pang yayaring iyon ay di na nag papaiwang mag isa si Tin, halos araw araw ay may nagpaparamdam sa kanya, minsan nga ay may nakikita siyang aninong nakatayo sa may hagdan, minsan may babaeng nakatayo sa may pinto ngunit di nakikita ang mukha.

Isang gabi habang nasa iisang kwarto sila kasama ang mga magulang nila ay bigla silang nakarinig ng papatakbong yapak ng mga paa ng isang bata patungong hagdan, galing ito sa isang silid na di nila inuokupa, " sino yun? " takang tanong ng ama ni Tin, " Parang may bata " sagot naman ng kanyang ina, " Bata? Eh tayo tayo lang naman ang nandito ah!, " segunda ring tanong ng kanyang nakakatandang kapatid, " Nagsisimula na naman sila," sabi nang kanyang ama na talaga namang nagpapadagdag ng takot kay Tin, nagpagpasyahan nalang niya at ng kanyang kapatid na doon muna matutulog sa kwarto ng mga magulang dahil sa takot. Habang mahimbing na silang natutulog ay biglang tumunog ang telepono ni Tin, akala niya ay may tumawag dahil biglang tumugtug ang isa sa paborito nitong kanta at ginawa pa nga niyang itong ringtone, tumayo ang kanyang ina para tingnan ito, " Oh bat tumunog ito? Eh wla namang tumatawag?! " biglang napabalikwas si Tin at tiningnan ang kanyang cellphone, " huh! Sinong nag open ng cellphone ko? " tanong niya sabay lingon sa kanila, " Wala namang makakabukas niyan sapagkat walang may alam sa password mo kundi ikaw lang," sagot ng kanyang ina habang nakakunot noo, " Matulog na kayo sapagkat di na natin Oras to! " makabuluhang sambit din ng ama ni Tin, nagtataka may natulog narin siyang at muling hinila ng antok.
Kina Umagahan, mga alas singko ng umuga ay ginising si Tin ng kanyang nakakatandang kapatid para maghanda sa pag pasok sa paaralan, pagkagising niya ay agad siyang nagpunta sa palikuran para maligo nang biglang namatay ang ilaw, ilang sandali ay biglang bumukas ito ngunit laking gulat niya nang may mukha ng nakangisi ang bumungad sa kanya, ikinurap ni Tin ang mga mata at ng idilat niya ito ay nawala itong bigla, " Tin bilisan mo dyan !" Sigaw ng kanyang kapatid, " OO na! Malapit na! " pasigaw niya ring sagot at mas binilisan ang paliligo. Lumipas ang araw na iyon ay malakas parin ang kabog ng kanyang dibdib, sa tuwing pumapasok siya sa palikuran ay bigla bigla namamatay ang ilaw, di niya alam kung bakit siya lang ang nakaranas ng mga ganong kakatwang bagay.

Isang gabi gabang nag uusap ang kanyang mga magulang sa labas ng kwarto at ang dalawa pa niyang kapatid ay nakahiga na at nag lalaro na lamang ng video games siya naman ay biglang inantok, nang ipinikit na ni niya ang kanyang mata ay bigla biglang may humahatak sa kanya patungong kadiliman, naririnig pa rin niya ang boses ng kanyang mga magulang at kapatid ngunit mas nangingibabaw ang boses ng mga taong hindi niya kilala, may tumatawa, may umiiyak, may galit at may humihingi ng tulong, sari saring boses ang kanyang naririnig, lalaki, babae, bata at matanda, gusto niya ng sumigaw ngunit di niya kaya, wlang lumalabas sa bibig niya, gusto niya nang magising ngunit ang hirap, Ng magawa niyang magising dahil sa isang tapik sa mukha ay kaagad siyang bumangon, para bang naubos ang kanyang lakas, para siyang galing sa karera at habol niya ang kanyang hininga. Minsan habang nanonood siya ng telebisyon sa sala may mga yapak siyang naririnig na palakad lakad sa itaas, may mga gamit na itinutulak na para bang nag lilinis at may nag pepedal ng bisikleta, araw araw nalang ay takot siya, takot na siyang matulog, gabi gabi naring may mga boses na naririnig, takot na siya, takot na siyang lumingon dahil baka paglingon niya sa ay may katabi na pala siya at nakatingin at naka ngisi na sa kanya...
Kaya ikaw, tingnan mo ang likuran mo, pakiramdaman mo ang paligid, buksan ang mata at taynga dahil baka di mo lang sila napapansin na nasa tabi at likuran mo na pala sila....

Wakas......

One Shot Story Compilation (Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon