YTOOFM: Chapter 2
“I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya.” Sabi ko ulit.
Nakatingin na ngayon ang mga tao sa amin dahil natapunan ko lang naman ng juice ang sikat na sikat na lalaking hinahangaan at iniidolo nilang lahat.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Lahat ng tao ay nagulat sa nangyari. Maski ang kaibigan kong si Aira ay hindi maialis ang tingin sa lalaking natapunan ko ng juice at kaharap ko ngayon.
Nanginginig ang mga tuhod ko nang bigla itong humarap paharap sa akin at tinitigan niya ako na parang ang laki ng kasalanang nagawa ko sakanya.
May naririnig pa akong mga bulong-bulongan ng mga bwiset na babae di kalayuan mula sa pwesto namin.
“She's so tanga kasi that's why natapunan niya ng juice si Xander. Psh.”
“Yeah. The ugly girl like her doesn't have the right para tapunan ng juice ang gwapong lalaking nangangalan na Xander.”
“Hindi niya naman kayang bayaran ang damit ni Xander kasi for sure she's so poor. Hahaha poor ugly girl.”
Yan lang naman ang mga nakakainis na naririnig ko mula sakanila. Jusq magaganda sana sila kaso nga lang conyo naman sila magsalita myghad pwes hindi nila kinaganda ‘yon. Tsaka kung makalait sila sakin akala mo naman mga perpektong nilalang sila kainis talaga. Sila nalang sana ang natapunan ko ng juice. Psh!
Oo. Alam ko naman na mahirap lang ako at hindi ko kayang bayaran ang damit ng Xander na ‘to kasi for sure mahal ang damit niya dahil mayaman siya. Pero kaya ko naman pag ipunan ‘yong damit niya para mapalitan ko ng bago kung ipapabayad niya sa akin. Ang nakakainis lang talaga sinabihan pa ako ng pangit? Oo na pangit nako! Eh sila ba ganda sila? Iwwwww. Never. Hindi ko nalang sila pinatulan baka kung ano pang magawa ko sakanila.
Pero swear to God na hindi ko naman kasi talaga sinasadya ‘yong nangyari. Kung makapag react sila akala naman nila sinadya ko talagang itapon ‘yong juice sa Xander na ‘to. Aisst. Mga judgemental talaga hindi na nawala sa mundo.
Nagulat ako nang bigla itong lumakad papalapit sa akin. At maski ang mga tao sa paligid namin ay hindi rin makapaniwala at hinihintay kung ano ang gagawin ng Xander na ‘to sa akin.
Habang papalapit siya sa akin ay humahakbang naman ako papalayo sakanya.
Ano bang gagawin niya sakin? Sasapakin? Sasabunutan? Sasampalin o tatapunan din ng juice? Grabe naman! Wag naman sana aba hindi ako papayag kapag ginawa niya ‘yon sakin!
Nang maramdaman ko na nakasandal na ako sa table namin at wala na akong maaatrasan ay kinabahan na ako. Shit.
Dahan dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko habang seryoso siyang nakatingin sa akin at bumulong sa tenga ko.
“Next time kasi mag ingat ka sa gagawin mo. May practice kami ngayon tapos tinapunan mo ng juice ang damit ko. Hindi naman pwedeng hubarin ko ‘tong damit ko dito dahil siguradong hihimatayin ang mga babae kapag nakita nila ang katawan ko.” Waw. Ang hangin niya masyado! Tatangayin na ako sa sobrang hangin niya grabe!
YOU ARE READING
You're The Only One For Me || ✔️
Romance|Foster Series #1| Xander Clousse Aguilar Alyssa doesn't know who she will believe. But he love him so damn much so in the end she decided to stay with him and believe on him that she's the only one for him. No one else. DS: 09/ 14 /18 DF: 00/ 00...