Ang boyfriend kong bakla

237 4 1
                                    

Maraming nang didiri sa akin kung bakit ko daw siya minahal.

Maraming umiwas sa akin nang dahil sakanya kahit kaibigan ko iniwasan ako.

Sabi nila ginogoyo lang daw nya ako.

Sabi nila ako din daw ang magsisi sa bandang huli.

Sabi nila masasaktan lang daw nya ako.

Yung iba sabi nila pineperahan ko lang daw sya.

Maraming nagtatanong kung bakit sya pa eh marami naman daw iba dyan.

Maraming naguguluhan kung bakit sya pa ang minahal ko.

Masama bang magmahal ng bakla? Masama ba ang makipagrelasyon sa bakla? Masama ba ang maging boyfriend ko ay bakla?

Kahit ako hindi ko alam kung bakit sya pa ang minahal ko kahit nalamab ko ang tinatago nyang lihim sa akin, Sadyang mapaglaro talaga si tadhana.

Taas noo kung ipinagmamalaki Ang boyfriend kong bakla ay mahal ko!

**********

Nandito kame ngayon sa canteen, kumakain ng lunch.

"Den"- Tawag nya sa akin.

"Bakit?"- Tanong ko.

"Den"- Tawag nya muli.

Bakit ganun? Pagbinabanggit nya ang pangalan ko ang bilis ng tibok nang aking puso.

"Bakit nga?"- Tanong ko.

"Den"- Tawag nya. Ang kulit nya talaga.

"Vin"- Pag gaya ko sakanya.

"Mahal kita"- Ani nya sa akin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, parang may karera sa loob ng puso ko.

"Mahal din kita"- Sabi ko sakanya at ngumiti.

Natapos kaming kumain ng lunch, Inayos namin ang gamit namin at sabay pumunta sa next subject, Graduating na kami ng college, Pareho ang kurso ang kinuha namin, photography.

Tandang-tanda ko pa nga kung paano sya umamin sa akin noong fourth year highschool pa kame.

Flashback

Pumunta ako dito sa basketball court, pagbukas ko kase ng locker ko may nakita akong sulat binasa ko naman to.

-Pumunta ka sa basketball court mamayang uwian, hindi ito prank o ano man, ikaw lang magisa pumunta ah. Hihintayin kita.-

Kulay pink pa nga ang sobre. Palinga-linga ako dito nang may kumalabit sa akin kaya nilingon ko'to. Laking gulat ko nang makita ko ang crush ko.

"Hi"- Ani nya na halatang nahihiya.

"Hello"- Ani ko naman at ngumiti ng tipid.

"Denise Salvador gusto kita"- Ani nya. Hindi ko alam kong ano ang irereact ko.

"A-ah?"- Tanging yan lang ang lumabas sa bibig ko.

"Gusto kita, pwede mangligaw?- Tanong nya. Napatango nalang ako.

"Ako nga pala si arvin sanchez."- Habol pa nya.

End of flashback

*Kkkrrriiinnnggg*

Napabalik ako sa kasulukuyan ng magring ang bell, hudyat na uwian na. Nilagay ko ang notebook at ball ko sa bag ko.

"Tara na"- Ani nya sa akin ng makalapit sa akin.

"Okay"- Ani ko naman.

Nakasakay kame ng jeep, hindi nya kase dala ang kotse nya.

"Ingat ka ah"- Ani ko sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang boyfriend kong bakla (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon