SHERINE
"Clary, s'an mo gustong pumunta ngayon?"
"Kung saan ka na'ndun."
"Ha? Bakit naman?"
"Kasi hindi ko kayang mawalay sayo." Sabi nung Clary na tinawag nung babae. Pagkatapos sabihin 'yun nung Clary, hindi magkamayaw sa kilig ang loka. Hindi ba niya alam na pinaglalaruan lang siya nung Clary? Tsaka anong nakakakilig sa sinabi niya? Ang corny potek.
"Kung maglalandian kayo, pwede ba dun kayo sa walang taong maiinis sa kalandian niyo." Inis kong sabi sa kanila. Para namang natakot yung babae sa akin dahil nagtago siya sa likod nung Clary.
"Alam mo Sherine, 'wag mo kaming idamay sa kabitteran ng buhay mo. Mind your own business." Depensa nung Clary. Matangkad siya, mukha namang may utak pero playboy talaga ang aura niya. Inilagay niya sa likuran niya 'yung babae na akala mo pinoprotektahan niya sa masamang tao. Mukha ba akong masama?
"Hindi ako bitter dahil may jowa ako. Ikaw? Jowa mo ba 'yang kasama mo?"
Napatingin naman siya sa likuran niya at nakita niya 'yung babae na nage-expect na may sasabihin siyang ikakatuwa niya. Nakita ko kung paano nagbago ang hitsura nung lalaki. Feeling ko mapapasubo siya sa tanong ko.
"I-I...hindi naman kailangang madaliin ang pagjojowa e." Tiningnan ko yung mukha nung babae. Nalungkot siya. I roll my eyes and look at them pathetically.
"Miss, nililigawan ka palang ba nito? O kayo na?" Umiling ng dahan dahan yung babae, she looks disappointed.
"T-tumigil ka na nga!" Sabi nung Clary.
"Why? Nagtatanong lang ako. Masama?" Hindi naman sila nakapag-salita. "Psh. You know what, kaysa makipaglandian kayo sa isa't isa, mag-aral muna kayo. Tsk." Sabi ko sabay kuha nung bag ko, at lumabas na ng room.
Yup, classmates ko 'yung dalawa. I don't know them kahit na classmates ko sila. Ganun naman talaga ako e. I don't really care 'bout those people who surrounds me and I don't care kung makipaglandian sila or what. Sa katunayan hindi ko rin alam kung bakit ako nangengealam ngayon. Hindi naman ako ganito. I don't want to get involve sa kahit kanino dahil ayaw ko ng kahit anong gulo sa buhay ko. Now that I am looking back on what I've done this whole day, I get too much involvement sa mga taong nakikita ko.
Naglalakad ako sa hallway mag-isa at nagmumuni muni nang biglang may nagpatong ng kamay niya sa balikat ko. Sa sobrang gulat ko, siniko ko yung taong 'yun sa tiyan niya bago ako humarap.
"Argh!" Rinig kong daing niya. Nagulat ako nung makita ko kung sino 'yung lalaking siniko ko.
"G-gab?" Unas ko.
"Wala ka ba talagang ibang kayang gawin kundi saktan ako?" Sabi niya kahit hirap na hirap siyang magsalita.
"K-kalanan ko ba? Ginulat mo ako." Dahilan ko. Totoo naman e. Bakit kasi hindi na lang niya ako tawagin sa pangalan ko. Tsk.
"Argh! Napakabrutal mo talagang babae ka." Sabi niya. Tinulungan ko siyang tumayo.
"Ano ba kasing kailangan mo? May pahawak hawak ka pa sa balikat. Close ba tayo ha?" Inis kong sabi sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Lost Heart
RandomSherine Haver is just one of the typical high school student who loves to dream far from reality. She always go to school for her to escape from home. It is her only way to temporarily forget the problems she's dealing with. She believe that she's j...