Prologue

9 0 0
                                    

"Love!" masayang bati ni Kenan sa akin. Kitang kita sa kanyang mata kung gaano sya kasaya.

"Kenan, may kailangan akong sabihin sayo" nakayukong sabi ko. Hindi ko sya matignan sa mata dahil talagang maiiyak ako kapag ginawa ko ito.

"Ano yun?" tanong naman nya.

"Kenan, itigil na natin ito. Ayoko na" sabi ko at wala akong narinig na salita galing sa kanya kaya napaangat ako ng ulo.

Nagulat ako nang makita ko ang lungkot sa kanyang mukha at para bang maiiyak na siya.

"Love, bakit? May nagawa ba akong mali? Please, huwag namang ganito" malungkot na sabi nya.

Napayuko na lang ulit ako at sinabing "Basta. Sana intindihin mo ako,Love"

Nagsimula nang tumulo ang luha ko dahil hindi ko na mapigilan.

Hinawakan nya ang kamay ko at sinabing "B-bakit? Anong problema? Please sabihin mo sa akin." pagmamakaawa nya.

Inalis ko ang kamay nya sa pagkakahawak "Sorry, Love" sabi ko bago tumalikod at umalis.

Masakit ang ginawa ko, pero wala akong choice. Kailangan kong gawin ito.

Pagkarating sa bahay, nakita kong nakaabang na sina Mama at Papa sa pintuan kasama ang mga nakaempakeng gamit namin.

Ito ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay. Kailangan kong pumuntang Paris para mag-aral. Choice din 'to ni Mama at Papa kaya wala akong magagawa.

"Zillah,did you tell him?" bungad na tanong ni Mama sa akin.

"No, but don't worry,Ma. I broke up with him" sagot ko at niyakap naman nya ako.

Open ang relasyon namin ni Kenan. Tanggap sya ng pamilya ko at ganon din ako sa kanila. But things between us isn't perfect. Kagaya nito, may mga challenges din kami with our relationship and this is the hardest challenge I have encountered with him.

"Okay then,Dear. Let's go. We shouldn't be late to our flight. Let's keep going. Soon you'll be alright." sabi naman ni Papa at lumisan na nga kami ng bansa.

Pagkarating namin sa Paris, pilit kong hindi inisip si Kenan. Pinilit kong magfocus sa aking pag-aaral ng fashion design. Pero hindi ko siya gustong kalimutan, never ever in my life.

Two years later.

Papasok na akong school nang tinawag ako ni Adah.

Si Adah Rhaleman ang naging kaibigan ko dito sa makalipas na anim na buwan. Mas gusto ko kasing magfocus sa pag-aaral kaysa sa makipagkaibigan pa dito.

Liningon ko si Adah.

"Hey" sabi ko at saka ngumiti.

"Can you buy some time? Let's have some coffee!" masayang sabi nya.

Tinignan ko ang relo ko at malapit na ang first period namin.

"But we might end up being late" sabi ko naman.

"That's fine, our teacher in first period will be absent anyway" sagot naman nya.

Sa sinabi nyang yon napaisip ako at di kalaunan ay pumayag din.

Umorder ako ng kapeng mocha flavored. Then I remembered someone. Naalala ko si Kenan, mahilig kasi kami sa kape noon at madalas kami sa isang coffee shop.

Until now, I never forget him and I will never be.

Napangiti ako ng malungkot.

"Hey,Zillah" napatingin ako kay Adah nang tinawag nya ako. Hindi ko namalayan nakatunganga na pala ako sa kakaisip.

"Are you okay? You're thinking too much" sabi nya at saka humigop ng kape.

Napangiti na lang ako at hindi na nagsalita.

Habang umiinom ng kape, nagulat ako nang may tumawag sa akin mula sa aking likuran.

Napatingin ako sa direksyon kung saan ko narinig ang pangalan ko at nagulat ako nang makita ko si Naamah.

Si Naamah Naemeri. Siya ay isa sa mga malalapit na kaibigan ko sa Pilipinas. Isa din siya sa nakakaalam sa relasyon namin ni Kenan noon.

A|N: Please comment a single word if you liked this story and you want me to continue:>

Unpleasant LoveWhere stories live. Discover now