Kabanata 2

4 0 0
                                    

   " Oy! Talia Gumising ka na! Punyemas kang bata ka tanghali na't kailangan mo pang maglinis bago kayo mamalengke ng tiyuhin mo. " Sigaw ng aking tiyahin na naging dahilan ng aking biglaang pag balikwas at pagtayo mula sa papag na aking hinihigaan.

"Opo tiya maria, aayusin ko lang po yung higaan." Sagot ko naman pabalik. Pasensya na pala ako ay magpapakilala muna, ako nga pala si Nathalia labing dalawang taong gulang. Talia ang tawag saakin ng karamihan upang mas mabilis daw sabihin. 

Ako'y naninirahan ngayon sa bahay ng aking tiyahin na si Maria, na nagsilbing ina-inahan sa akin simula ng ako'y limang taong gulang pa lamang. Isa siyang pambihirang uri ng babae, kaya medyo iba rin siya makitungo sa ibang tao, may pagkamasungit ba pero ganun pa man alam kong mahal niya ko.

Limang taong gulang pa lamang ako ng tumira ako sa bahay ng aking tyahing si Maria, nagkabalikan na kasi ang aking ina at ang kanyang tunay na asawa. Tama kayo, Oo anak ako ng aking ina sa ibang lalaki at yun ang aking ama. Sabi ni Mama kababata daw niya si papa kaya nung iniwan si mama ng kanyang tunay na asawa sobra sobra ang pagaalala ng aking ama sa kanyang malapit na kaibigan.

Ngunit dumating ang hindi inaasahan nagkagustuhan sila at nakipaghiwalay si papa sa kanyang pamilya nung mga panahon na yun para makapiling ang aking ina. Maraming tumutol at pumigil sa kanilang pagsasamahan kaya bago pa lamang ako isilang inilayo na si Mama ng kanyang pamilya kay Papa, pinilit ng pamilya ni mama na ipalaglag ang sanggol na nasa sinapupunan niya ngunit tumutol si Mama kaya naisilang ako.

Naging masaya naman ang unang limang taon ng aking buhay dahil kasama ko si Mama at 3 kapatid, mahirap man ang buhay ipinilit ni Mama na maitaguyod kaming magkakapatid.

Ngunit dumating ang hindi inaasahan at nagbago ang lahat...

To End Or To Hope? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon