Kabanata 3

1 0 0
                                    

Dumating ang hindi inaasahan, may sakit pala sa puso ang aming panganay na kapatid nanlumo ang aking Ina at nawalan ng pag-asa, humina ang katawan ng aking kapatid at unti unting bumagsak ang katawan kasabay ng pagbasak ng aming buhay. Isa lamang ang hiling ng aking kapatid ng mga panahon na iyon, at iyon ang mabuo muli ang kanilang pamilya at makasama muli ang ama.

Hindi na nagawang tumutol pa ni mama sa kahilingan ng panganay na anak, labag man sa loob niya ay pinilit niya pakisamahan ulit ang lalaki, pagkalipas ng ilang buwan bumuti ng muli ang kalagayan ng aking kuya.

Pero bakit ganoon, parang walang nakaka-kita at nakakahalata ng pagmamaltrato sa akin ng aking ama-amahan. Ganoon na ba sila kasaya upang makalimutan na may masasaktan sila?

Nalaman ng aking tiyahin ang mga nangyari, nalaman niya ang pananakit na ginagawa sa aking ng asawa ni mama, at ang pagsasawalang bahala nila.

Kinuha niya ako sa aking pamilya, sa wakas akala ko ay ligtas na ako, ligtas sa mala kamay na bakal na iginagawad sa akin ng ama-amahan ngunit nagkamali ako. Ang inakalang pagkakaligtas ay mas malala pa pala sa aking naunang pinagdaanan..

---Short update, sorry feeling ko ang lalim ko magtagalog today baka hindi tumugma sa mga susunod na kabanata. Maraming salamat sa pagbabasa. 🖤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To End Or To Hope? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon