Ano bang nakakatakot sa pagiging single?
Ano bang nakakaboring sa pagiging single?
At ano bang nakakayamot sa pagiging single?
Kung ang buhay mo naman ay happy at contended?
Pero, bakit ka nga ba single?
Ano nga ba ang dahilan kung bakit ka single?
Una, pwedeng strict ang parents mo at gusto nilang makatapos ka muna?
Pangalawa, kasi hindi ka gustuhin at ligawin? Dahil ano? Dahil mas lalaki ka pa kumilos sa mga kaibigan mong lalaki?
Pangatlo, intimidating ka? Yung tipong mataray ang mukha, masungit at suplada? Samahan pa ng pagiging sarcastic at resting bitch face?
Pang-apat, Bitter ka?
O, pang-lima, kasi choosy ka?
At marami pang dahilan kung bakit.
Pero niminsan ba hindi ka nagtanong sa sarili mo kung bakit nga ba simula ng pinanganak ka hanggang ngayong matanda ka na e single ka parin at kung may "the one" nga ba talaga?
Ako si Carina Bonifacio, ang babaeng simula ng mamulat sa panahon kung saan nauuso ang mga nagliliparang puso na sa kamalas malasan eh hindi tinatamaan. At ito ang kwento ng mga pangyayari sa buhay ko bilang "single"