"Oh kay ganda ng umaga,
Naway gawin mong maghapon ko ay maging masaya,
Upang ang aking pagiging bitchesa ay hindi umela"
Paulit-ulit kong mantra sa sarili ko habang naglalakad ako sa hallway ng school namin
"Oh Dyosko, bigyan nyo pa ko ng pasensya" nagmamakaawa ako sa Dyos na bigyan pa ng pasensya
"Hoy, bakla! Sino nanaman ang kinukulam mo dyan?" Nahintatakutan na sabi ng baklang mas mukha pang babae sakin.
Napatirik na lang ako ng mata sa tanong nya
"Seriously? Hindi pa ba obvious? Hoy! Antonio Dimasalang! Ang laki laki ng mata mo tapos hindi mo makita ang mga yan?!" Nabibwisit kong tinuro ang mga nakakabwisit na tanawin namin sa harap.
Oo, nakakabwisit na tanawin! Alam nyo kung ano? Ang mga walang hiyang mag sing-irog lang naman na ang bagal bagal maglakad sa hallway ng school! Anong akala nila dito, park? Namamasyal lang sila? Edi sana sa totoong parke sila nagpunta!
Bakit ba ang daming ganyan? Don't get me wrong ah, nakakainis lang talaga kasi nakakaistorbo sila ng mga tao
Bakit kelangan pa na nilang magholding hands while walking if they can walk by their own? Kung pwede namang magkasabay na lang na maglakad? Ano? May aagaw ba dyan? Dyos ko!
Yung kelangan pang naka-akbay, ano? Kelangan pang alalayan? Bakit? Napilay ba?
At higit sa lahat, bakit kelangan pang maglandian at haruan sa daan?!
Talaga pinapakulo ng mga parasites na to ang dugo ko.
"Ay mamshie! It's Andy! Not Antonio!" Patirik matang sabi sakin ni Antonio "Tsaka pabayaan mo na nga sila, buhay nila yan e at pwede ba bakla, hinaan mo ang boses mo mamaya sugurin ka ng dalawang yan bahala ka" panananok nya pa
Mukha bang may pake pa ko kung sugurin nila ko e totoo naman?
"Ang sakit sakit nila sa mata, sinisira nila ang ganda ng umaga ko Antonio"
"Alam mo kasi Carina, lumandi ka na kasi para naman di ka ganyan" pang-aalaska sakin ng bakla
"At ano? Matulad ako sa mga babaeng pakawala dyan? Magjojowa tapos ano? Mabubutis? Tapos pag di pinanagutan papalayasin ako ng nanay at tatay ko? At pano ko bubuhayin ang bata kung hindi pa ko tapos sa pag-aaral?!" Totoo naman, karamihan ng mga kababain na ngayon ay kaidaran ko e mga batang ina na at buhay dalaga pa.
Ipinapaalagaan sa mga magulang nila at hayun, lumalandi namaman.
Nabigla naman ako ng bigla na lang may humampas sakin sa braso and as usual, my reflexes kick in kaya nasapak ko ang magaling na bakla sa panga.
"SISTER! Not face!" Irit ng nasapak na bakla
"Wag kang OA Antonio, panga mo ang nasapak ko at hindi ang gwapo mong mukha" pairap ko sabi sa kanya at sinimulan nang lumakad sa likod ng mga makukupad na Puso.
"Mamshie! Anong gwapo?! Maganda aketch!" Maarteng sabi nya "But seriously Carina, you punch me too hard, felt like my jaws gonna drop" he smirked at me with playing with his super silky black hair.
Pero agad din nyang binawi dahil sa pandidiri nya sa sarili nya. And yes, he's a total gay as in a freaking mermaid as what he always say.
"Alam mong gago ka? Magpakalalaki ka na lang para syotain kita" and for him to be more pissed I walk towards him with a sexy smirk my lips.
"Hoy bruhilda! Don't you come near me!" Natatakot at nandidiri nyang sabi
"Bakit? I won't gonna do something naman ah" pabebe kong sabi. Like yuck!