Nang dahil sa gayuma - one shot story

73 1 1
                                    

Isang araw nanaman ang lumipas na puno ng pang-aasar ni Carlo. Sana, kunin na lang siya ni Lord! Sobrang dami na niyang ginawa sa akin... pero bakit ganon, kahit ilang beses niya akong asarin ay gusto ko pa rin siya? Nako, Frances! Kailangan mong tigilan yan! Hindi ka niya gusto, pinagtitripan ka lang niya!

Habang kinakausap ko ang aking sarili ay hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng aming munting tahanan; pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako ng aking nakatatandang kapatid na si, Dhiana.

"O, bakit parang ang lalaim ng iniisip mo?" Bungad niya sa akin.

"Wala naman." Simpleng sagot ko.

"Talaga? Baka iniisip mo nanaman si Carlo?" Naka-ngising sabi nia.

"Nako ate, tigil-tigilan mo nga ako!" Pagmamaktol ko.

"O siya, may ibigay nga pala ako sayo," sabay abot ng bote ng pabango sa akin.

"Ano ito?" Tanong ko habang tinititigan ang maliit na bote.

"Ang boteng yan, ay may kapangyarihan na mapa-ibig ang taong gusto mo!" Natutuwang sabi niya sa akin.

"Sus! Maniwala ako sayo!" Angal ko naman.

"Basta, maniwala ka kay ate!" Sabi naman ng aking magaling na kapatid.

♠♠♠♠♠♠♠

Pagdating ko sa aking silid; inilapag ko ang bote ng pabango sa ibabaw ng aking tukador, matapos magpalit ng damit ay nahiga ako sa aking kama.

Gagana kaya itong pabango? Ano ba ‘yan! Bakit ako nagpapadala sa ganon!?

Pagkatapos kong ihanda ang aking gamit ay natulog na ako.

♥♥♥♥♥

Pagpasok ko sa aking silid-aralan ay biglang may tumama na bolang papel sa aking mukha, pagdilat ko tiningnan ko kung sino ang nagbato at tama ako... si Carlo ang nagbato.

Tahimik ako na naglakad papunta sa kanyang upuan, at nang makarating ako sa kanyang harapan ay kinuwelyohan ko siya.

"Ano bang problema mo!?" Galit na galit kong sinabi.

"Wala naman..." sagot niya, pagkalipas ng ilang minuto, "Frances Salvador..."

"O, bakit?!"

"Gusto kita..."

Nang sabihin niya iyon ay parang tumigil ang takbo ng oras. Tama ba yung narinig ko?

"Gusto kita..."

"Gusto kita..."

"Gusto kita..."

Bigla ko siyang nabitawan.

"H-hindi mo alam ang sinasabi mo." Sagot ko.

"Talaga? Bakit sa tingin ko tama naman... sa totoo nga gusto pa kitang yayain para kumain sa labas." Sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Ayaw k─" naputol ang aking sasabihin nang magsalita ang isa sa aming mga kaklase, "Pumayag ka na! Bagay naman kayo, o!"

Uulitin ko sana ang sasabihin ko nang sumagot si Carlo.

"Sabado, sa may plaza, alas-9 ng umaga... aasahan kita!" Sabi niya habang tumatakbo palayo.

Buong araw akong napa-isip sa nangyari... talaga bang totoo yung pabango? Mukhang niloloko lang ata ako ni ate Dhiana e!

♠♠♠♠♠♠

Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa aking silid.

Anong susuotin ko? Bukas kami magkikita! Ano ba yan! Ang bilis niya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang dahil sa gayumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon