Sabi ng nanay ko, ng tatay ko, ng LAHAT NG TAO. Pagpapaka baliw daw ang maging isang fangirl.
Aksaya na sa pera pati sa oras. Nilalaan ko daw ang oras ko sa taong kailan-man eh hinding hindi ko naman makikita/makakausap.
Lalo na kung sa ibang bansa pa daw yung iniidolo mo. Bakit daw? Kasi hindi ko naman daw naiintindihan yung lintik na language nila.
Kesyo di ko naman daw alam kung ano ibig sabihin ng kinakanta ko. Pakealam ba nila? Andaling mag search sa internet ng English translations. O kaya pag aaralan ko language nila!
Buti nga hindi ako yung ibang kabataan na naaadik sa sugal, droga at kung ano ano pa. -.-
Pero pagpapakabaliw ba talaga tawag dito? Eh kung dito talaga ako masaya eh. Ano bang mali? Mali bang sumaya? Mali bang gawin ko silang inspirasyon? Mali bang dahil sa kanila, naging nagkakulay yung madilim kong mundo? Mali ba yun?
Mali bang sa kanila ko naramdaman yung saya na dapat dati pa nilang ibinigay?
BINABASA MO ANG
Story of a Kpop Fangirl (Short Story)
Short StoryAll about the daily life of a Kpop fangirl. - Isa ka din bang fangirl? Kung gusto mong makarelate, edi basahin mo to. Kung hindi ka fangirl, basahin mo! Nang malaman mo kung ano nararamdaman ng isang babaeng fan. Before you jugde her. Dedicated to...