Chapter 2

41 9 11
                                    

Brodix University


Edelweiss's POV


"Pasensya akala ko isa ka sa kanila. Pero pasalamat ka nalang at yan lang ang inabot mo dahil kung nasa aktwal na laro tayo... baka patay ka na ngayon."  


Pagkamulat ko ng aking mga mata ay nasa isang lugar ako na hindi pamilyar saakin, na saan ako? Sinubukan kong bumangon sa hinihigaan ko habang nakahawak sa aking ulo, hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit ng pagkakahampas saakin.

"...baka patay ka na ngayon."

Sino at bakit nya ginawa yon?

"Buti naman gising ka na, akala ko binawian ka na ng buhay eh." Matawa-tawa nitong sabi sakin at sinamaan ko naman ito ng tingin habang nakahawak pa rin sa ulo ko.

"Kung ako sayo manahimik ka nalang Frode hindi yung kukuda ka nalang ng salita wala pang kwenta" inis ngunit mahinahon kong tugon rito "asan pala tayo?" agarang tanong ko naman habang sinusubukang tumayo. Tang ama ang sakit ng buong katawan ko nakakainis!

"H'wag mo na kasing pilitin kung hindi mo pa naman kaya."

"Tss"

"Nasa bahay tayo ng isang matanda malapit sa gubat na pinasukan mo nakita ka namin na nababalisa habang tumatakbo. Sinundan ka na din namin tapos ayon nakita namin na nakahiga ka tapos nakita namin tong bahay tsaka nakituloy na rin." Nakangiting kwento ni Frode habang naghahanda ng pagkain.

"Yihooo gising na ang ating reyna! Kamusta ang tulog sa gubat?" Bungad ni Hugo papasok sa kwartong tinutuluyan namin ngayon habang tumatawa pa.

Gusto ko man itong bugbugin na pero hindi kaya ng katawan ko. Iginala ko ang aking mata sa paligid nang mapansin kong may kulang. Tama may kulang!

"Asan si Lisette?! Kailangan kong bumalik sa gubat!" Nababalisa kong sabi.

"Edelweiss Prudence naligaw ka na nga tapos babalik ka pa? Gaano ka na ba katanda at nakalimutan mo yatang iniwan mo si Lisette sa labas ng gubat?" Nakakapagtatakang tugon ni Hugo saakin.

"Kasama ko si Lisette pagpasok sa gubat kanina!" Angal ko naman.

"Ate naman pumasok ka sa gubat kanina kasi sabi mo may nakita ka. Hindi na 'ko non sumama sayo kasi ang creepy kaya! Sino ba naman kasing siraulong gagawa non, ikaw lang naman matapang sa'ting dalawa, never ko 'yong gagawin." Pag iinarteng bungad ng kapatid ko, ni Lisette na ikinabigla ko naman.

May mali.

"Ang talagang naaalala ko ay kasama ko si Lisette!" Pakikipagtalo ko pa.

"Hays alam nyo? ang mas mainam gawin ay kumain at kalimutan nalang ang nangyari kasi tapos na yon, ang importante magkakasama na ulit tayo at magsaya!" Sabat naman ni Frode.



Hugo's POV

Pagkatapos naming kumain ay ipagpapatuloy na namin ang paghahanap sa paaralang kanina pa namin hindi mahanap-hanap. Sabi niya malaking paaralan iyon at madaling mahanap, bakit wala kaming makita dito bukod sa nakakatakot na nga ang lugar na 'to?

"Iho alam kong may hinahanap kayo, anong maitutulong ko?" Ani ng matandang may ari ng tinuluyan naming bahay habang nakangiti. Hindi naman sya gaanong matanda ma-edad lang siguro ang pisikal na anyo nito.

Battle of the BrainsWhere stories live. Discover now