Chapter 5

29 1 0
                                    


Hugo's POV

"Guys galingan na lang natin, naiintindihan nyo?" Tumango naman sila bilang pagsang-ayon saakin.

Habang ibinibigay ng aming proctor ang mga papel para sa pasulit ay biglang sumagi saaking pananaw ang lalaking kanina pa nababalisa sa kanyang kinauupan, nung una ay nagtataka ako ngunit siguro ay kinakabahan lang ito sa magiging resulta sa pasulit. Nakakatakot mang isipin ngunit kailangan namin itong seryosohin ng mabuti.

Isinantabi ko ang pagiging kalog ko para lang sa pasulit na ito hanep lang. Nang maibigay na saamin ang papel para sa pasulit isa-isa ay napangisi nalang ako, kung sa dati kong paaralan ay sinisisiw ko lang ang mga pasulit, ngayon minamanok na. Hindi ko inaakalang ganito ang magiging pasulit namin. Sa lahat ng ayaw ko ito pa ang kakalabanin ng utak ko, ang logics, dito ako mahina badtrip.

"Once I caught you cheating hindi ako magdadalawang-isip na pindutin ang buzzer na'to," sabi nito habang ipinapakita saamin ang kanyang hawak "this buzzer can detect anything, once na umilaw 'to automatic ko 'tong pipindutin ng hindi nag-aalinlangan at sa oras na mangyari ang bagay na yon makatitiyak kayong hindi lang 'to isang pambatang laro, this trial exam is equal to your precious life dear students kaya seryosohin niyo." Ni-isa samin ay walang sumagot sapagkat alam kong nalilito din sila sa mga salitang binitawan ng aming proctor. 

"Mukhang mapipiga ako ng husto dito tsk tsk." Bulong ko sa sarili ko sabay nagbitiw ng isang malalim na buntong-hininga.

"Ayoko na, ayoko na, ayoko na..." Rinig kong bulong ng lalaking nasa harapan ko habang umiiling-iling, nakatitig sa kanyang papel at halatang hindi pa siya nag-uumpisang sumagot.

"Psst! Ayos ka lang?" Pabulong kong tanong rito. Kahit medyo peligroso ang sitwasyong ito sinubukan ko pa rin itong subukin.

Nung una ay nag-aalanganin pa ako ngunit nakita ko na ding nagsimula na itong pumuna sa kanyang papel kahit medyo nag-aalinlangan siya kaya hinayaan ko na at ipinako nalang ang mata ko sa sariling papel.

Ang hirap! Shit!

We shared the same thoughts at halata ito sa bawat mata ng mga kasama ko dito sa silid kaya kailangan kong pilitin ang sarili ko at magpursigi. 

"Tik tok tik tok tik tok." Nilingon ko ang taong nagtutunog-orasan habang tumatagaktak ang pawis saaking mukha, siya yung babaeng nakabangga ni Edelweiss kanina tss. Hindi ko inaasahang nakangiti pa ito habang nakatingin sa aking gawi, naiinsulto ako sa ginagawa nito! 

Binigyan ko ito ng masamang tingin  upang malaman niyang hindi ako natutuwa sa mga ginagawa niya ngunit mas lalo pa akong nainis dito ng bigla itong nagpipigil ng tawa. Napaisip ako kung bakit nagsasayang ito ng oras sa pang-iinsulto sakin kesa sumagot nalang siya sa mga katanungan sa sarili niyang papel.

"Kaya mo yan mahaba-haba pa naman yung oras, tapos nako eh." Sabi nito at bigla akong nginisihan at kinindatan ng sobrang nakakadiri na hindi ko masikmura. Nakakagulat ngunit hindi na ako magtataka pa kung bakit nabibigyan niya ko ng oras para insultuhin.

"Katapusan ko na, hindi ko 'to kaya!" Biglang sambit ng lalaki kaya agad akong napalingon.  Magsasalita na sana ako nang bigla itong may kinuha sa kanyang bulsa "May paraan pa." Bigla itong ngumisi at tumatawa ng mahina. Nakakapagtaka na ng sobra at napaka-weird, nababaliw na ba 'to? Ganito ba ang epekto ng pasulit na 'to? Hindi niya ba alam na nakakaabala na siya? Tangina naman ang gulo ng nasa paligid ko naiinis na 'ko!

Itinuon ko ang atensyon ko sa pagsasagot at hinayaan nalang ang mga taong nasa paligid ko dahil gulong-gulo na ako ngayon! 

"Magsi-tigil sa pagsasagot!" Biglang sigaw ng aming proctor na ikinagulat ko naman, ngayon sa ipinapakita nito ay siguradong hindi ako matutuwa sa mangyayari dahil umiilaw ang buzzer na tinutukoy niya! May nangdaya.

Battle of the BrainsWhere stories live. Discover now