CHAPTER 12

33 0 1
                                    

[Ruth's POV]

Kinabukasan nagising ako na mataas na si haring araw. kinuha ko agad ang phone ko para tignan ang oras

O.O

10 na? Bakit ang late na eh parang 3 hours pa lang ang tulog ko???

Tapos naalala ko nga pala na pagkahatid sakin ni chubs ay katext ko pa si Aaron

*flashback*

text message convo:

A: uyyy sige na magkita na tayo oh!

R: ano ka ba? late na kaya! next time na. tyaka inaantok na ko

A: psh ang daya mo naman. tagal na nating di nagkikita kaya :(

R: anong matagal? eh kahapon nga lang naglunch tayo ng sabay!

A: oh? matagal na yun! more than 24 hours na yun no!

R: adik ka ba?

A: adik sayo <3

Ay jusko po Lord! kenekeleg eke hehehe

R: zzzzzzz....

Ilang minutes na di pa siya nagrereply. baka naubusan na ng sasabihin. yan ang akala ko pero biglang

*riiiing*riiiing*

"Ay palaka!" nagulat ako sa malakas na pagring ng cellphone ko.

"Hello?" sabi ko

"Hi Ruth!" sabi nung lalake sa phone

"Ano ka ba naman Aaron? tignan mo nga kung anong oras na! tumawag ka pa talaga?"

"Eh sorry naman! ikaw kasi ayaw mo ako samahan maghangout edi kahit boses mo na lang marinig ko"

"HAHAHAHA KORNI MO!" pero deep inside kinikilig ako ng super

"Grabe ka naman! uy pero teka. bumawi ka sakin ha? di mo na nga ako sinamahan ngayon eh"

"Eh hello? late ka na kaya nagsabi. marunong ka ba tumingin ng oras? tyaka isa pa may lakad din ako kanina kaya di talaga pwede"

"Ahhh. sinong kasama mo kanina?" pag uusisa niya

"U-uh wala. S-si chubs lang" sagot ko

teka nga! Bakit ba ako nauutal? wala naman akong kasalanan sakanya

"Ah ganun ba? osige basta bukas tayo na ha?"

O.O

"ANONG TAYO NA??!!" napasigaw pa ko patay ako nito.

"TAYO NA MAGKASAMA! HAHAHAHA IKAW HA! kung ano ano iniisip mo. nahuhuli ka tuloy!" pang aasar niya

"O-oy hindi ah! tigilan mo na nga ako"

"Di kita titigilan hanggang di ka pumapayag!"

At syempre nagpakipot naman ako. hanggang di ko namalayan ang oras. At pagkatingin ko sa labas may araw na pala!

"Oo na! sige na. patulugin mo na ko" antok na antok kong sinabi

"Haha sure. goodnight and goodmorning ruth!"

"Matulog ka na din at alam kong puyat na puyat ka!"

"Ok lang. atleast ako yung huli at unang tao mong nakausap"

Napangiti ako. pero teka. diba nga si Garner ang one and only ko? di to pwede!

"Oy tigilan mo na ko sa mga cheesy pickup lines mo ha! sige bye"

"See you later my love!"

"See you later too my love" wala sa sarili kong sinabi

"Omygod!" pabulong kong nasabi habang ibababa ko na yung phone nang matauhan ako. rinig na rinig ko naman ang tawa ni Aaron sa background.

how to tame a playboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon