Chapter 4

8 0 0
                                    

"Thea, wake up!" Rinig kong sabi ni Veena at nakaramdam ako ng pagyugyog sa katawan ko.

"Theana! Gising sabi!" Sabi niya pero ayaw talaga mag reply ng bibig ko.

Nakarinig ako ng buntong hininga at naramdaman ko nalang na may humila sa kumot ko at dahil naka rolyo ako dun umikot ako pababa ng kama.

"Aray! Veena naman! Huhuhu." Pag reklamo ko habang nakahawak sa pwetan ko. Aang sakit kaya!

"Kumain ka na!" Sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

Lagi  siguro meron tong si Veena. Kawawa siguro yung asawa nito.

Tumayo na ako at pumunta sa cr at naghilamos at nagmumog saka lumabas nga cr at pumunta sa hapagkainan.

"Good morning Veena! Anong ulam?" Bati ko at tinignan lang ako ng masama ni Veena at umupo sa upuan.

"Ano nasa hapag? Papel?" Pamimilosopo niya at bumuntong hininga.

"May problema ba Veena? Badtrip ka ah." Tanong ko. "Wait... Lagi ka naman atang nababadtrip." Pagdagdag ko.

"Oo nakakatulong ka Thea. Umupo ka na nga at kumain na! Nang mapuntahan ko na sila." Sabi niya at dun ko na naintindihan. Problema sa pamilya niya.

Veena Tequin. Ang babaeng nag alaga sakin mula pagkabata. Siya yung nakasama ko buong buhay ko dahil hindi ko kasama yung sarili kong pamilya at siya ang tumayo kong pamilya. Ever since grade 2 siya na palagi nakikita ko at nakakausap ko.

Wala ata akong sekreto na hindi niya alam. She became my Knight. A beautiful knight! She's in her 30's pero para padin siyang teenager.

Pagkatapos kong kumain ginawa ko na lahat ng dapat kong gawin at nung nakabihis na ako kinuha ko na ang bag ko at pumunta na sa pintuan at sinuot ang sapatos ko.

"Tara na." Sabi ni Veena habang nasa pinto at lumabas na habang naka tshirt at jeans.

Pagkatapos ko isuot ang sapatos ko lumabas na ako at nilock na ang pinto. Bumaba na kami at pumunta sa parking lot saka pumunta sa sasakyan ni Veena.

Pagkapasok ay binuksan ko agad ang radyo at tinanong si Veena pagkapasok na pagkapasok niya.

"Veena, pwede fav—."

"Wala." Diretsong sagot habang sinusuot ang seatbelt.

Nanahimik nalang ako dito habang nag simula na siyang mag drive at bigla nalang siyang nag open ng topic.

"Sino nga ulit yung lalakeng kasama mo kahapon? Nakalimutan ko kasi itanong." Bigla nitong saad.

"Yung kasama ko?" Tanong ko para masigurado.

"Hindi. Yung bitbit mo." Pagbabara niya kaya si Dominic nga yung tinutukoy niya.

"Ah, si Dominic. Kaibigan ni—."

"Stay away from him." Pagtuos niya saakin at tumingin naman ako sa kanya.

"Veena?" Tawag ko sakanya pero nandito na kami at inalis na niya ang lock ng pinto. "Stay away from him." Ulit niya habang may seryosong mukha.

"Ve—."

"Try it. Let's see." Pagbabanta saakin ni Veena at tinulak ako palabas.

Hindi nakalagpas sa paningin ko yung masamang tingin niya kaha medyo kinabahan ako sakanya.

Bumuntong hininga nalang ako at pinanood na umalis si Veena at saka pumasok na.

Habang naglalakad ako sa hallway nakarinig ako ng mga ingay galing sa mga lalake at nakita ko ang kumpol nila sa gilid kasama sila Nathan at Dominic.

Nahagip ako sa mata si Dominic kaya tinaas niya ang kamay niya para kamustahin ako pero bago pa man makapagsalita lumiko na ako ng daan at nag detour.

1st mission this school year: Avoid Dominic.

Pagkapasok ko sa room kinuha ko agad ang note sa first subject at nag basa-basa kunwari busy.

Biglang may dumating kaya sobrang kong tinutukan ang pagbabasa tapos narinig ko siyang nagsalita.

"Himala." Nakaluwag ang hininga ko ng marinig ko na iba ang boses na narinig ko at tumingala ako at si Leo nga ang nagsalita.

"Anong himala?" Taka kong tanong. Anong himala sa studyanteng magstudy?

"Himala nalang kung mabasa-basa mo pa yang baliktad na notebook mo." Sabi niya at natawa yung ibang kaklase na malapit saamin.

"Nice one, Theana!" Sigaw ng isang babae sa labas kaya napatingin kami sa labas.

"Mag-aaral ka na ngalang nakabaliktad pa! Baka grades mo mabaliktad din!" Sigaw ulit nito at tumawa pero wala lang sakin yun at para kong pumunta sakanila at kinutusan silang dalawa.

"Jen! Cassie!" Saka sila niyakap pero tinulak ako palayo.

"Pagkatapos ng kutos, yakap agad?" Saka ako binatukan ni Cassie.

"Masakit!" Reklamo ko pero tinaasan lang ako ng kilay saka ako ngumiti. "Peace be with us."

"Naku, nanggigigil ako kay Thea. Ang sarap itapon sa kanal." Sabi ni Jen.

"Lasang Choco ba?" Tanong ko at tinignan nya ako ng masama.

"Oo, kaso panis lang." Sagot niya.

"Panong naging masarap ang panis?" Painosente kong tanong.

"Kung puputulin ko yung dila mo ngayon na!" Sabi niya at naglabas ng gunting kaya hinarap ko si Cassie sa kanya habang nakatago ako sa likod at nag ayaw na ang dalawa.

Habang nasa likod ako ni Cassie nakita ko sa di kalayuan ang grupo nila Dominic at parang hihiwalay na sila para bumalik sa room kaya bago pa naman ako makita ay tinulak ko na si Cassie nung natago na ni Jen yung gunting at bumalik sa room.

Galit akong tinignan nung dalawa at umalis na tsaka ko naman binasa ang notes ko. This time naka ayos na. No need to judge.

Dumating na nga si Dominic at bago pa siya makapagsalita dumating na yung teacher kaya nagpasalamat naman ako.

Pero hindi din e. May long quiz daw at wala akong nagets sa binasa ko this whole time.

Buong lesson inignore ko siya at hindi ko man lang kinausap o tinignan man lang. Kumbaga. Invisible siya sa mundo ko. Mwahahahaha.

Bigla nalang bagbell at nung binabalik ko na yung mga gamit ko sa bag ay bigla nalang akong nagulat nung biglang binagsak ang isang libro sa harapan ko at tumingin ako sa harapan at si Dominic pala.

Okay, Theana. Ignore him. Tingin sa hibla ng buhok wag sa mata kundi paktay ka sa mama.

"Hoy, Theana. May problema ka ba?" Tanong niya at kailangan kong gumawa ng excuse!

Hmmm...

"H-hala nagugutom na ako—."

And once again may binagsak nanaman siya sa desk ko pero this time sandwich. Okay, Theana matalino ka. Isip!

"A-ah, nauuhaw ako." Sabay tingin sa labas.

Then once again may binagsak nanaman siya! This time tubig! Sige ha!

"Gusto ko ng orange juice. Hayyy." Sige nga!

At ngayon hindi ko alam kung pinapanigan ba siya kasi ngayon may binagsak nanaman siya. This time, Tang Juice na!

"Problema mo?!" Hindi na talaga ako makapag pigil. Nanggigigil ako dito eh kaya napatingin na ako sa kanya.

Ang mahal ng tang ngayon e tapos nagdadala ka?! Sana naman nagdala ka na din ng pitsel!

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Sana pala humingi nalang ako ng hot choco. Agik.

 __________________________

AAAANNNNNNNNNNNDDDDD

Sorry for the super late update guyssss

(as if may nag babasa nito HAHAHA)

The Missing OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon