Chapter 11

5 0 0
                                    


*****

       "Nakakapagod magpractice ng graduation march ha. Paulit-ulit." Kanina pang reklamo ni Glen habang nag-i-snack sila.

     "Bakit wala si Al?" Tanong ni Joshel.

     "Ha? Bakit mo sya hinahanap?" Kunot ang noong tanong ni Rynel.

     "Ako kaya ang unang nagtanong." Joshel.

     "Sabi ko nga eh." Rynel.

     "Nakita ko sya kausap nila Kim."  Kunwaring hindi apektado na sabi ni Ashley.

     "Ano?!? Kasama nya yung babaeng yon?" Salubong ang kilay na react naman ni Joshel.

     "Wow ha. Bakit parang mas ikaw ang affected dyan?" Glen.

    "Nangako kase sya saken na hindi na sya makikipagkita sa mga babaeng yon o makikipagflirt." Hindi pa din maipinta ang mukhang sabi ni Joshel.

    Nagkatinginan ang tatlo pero si Ashley ang nagsalita. "Josh, gusto mo ba si Al?" Seryosong tanong nito sa kaibigan.

    "What?!?" Hindi makapabiwalang react ni Rynel.

    "Anu ka ba naman Josh! Magkakaibigan tayo. Wala namang ganyanan." Eksaheradang sabi naman ni Glen.

     "Stupid." Naiiling na sabi ni Joshel saka ipinagpatuloy ang sasabihin. "Pinayagan ko sya na manligaw sayo Ash. Sa kondisyong magtitino na sya at iiwasan na ang mga babae nya."

    "Ha? You mean...." Glen.

     "Oo, Glen." Putol ni Joshel sa sasabihin ng kaibigan. "Pinag-initan si Al nila Richmond dahil sinabi nya na gf nya ko. Then tinuruan nya ko ng self deffense. Ginawa lahat yon ni Al para makuha ang simpatya ko for Ash. Kaya humanda sya saken dahil hindi sya tumupad sa usapan. At ikaw naman Ash, stop denying kung ayaw mong maagawan." Joshel said saka sila iniwan na tulala.

     "Did you heard it, Ash? I can't believe na si Josh na ang gumawa ng move for you and Al." Rynel said ng makabawi.

     "Oo nga. Pero wait! Sino ang magbabayad ng kinain ni Josh?" Tanong ni Glen.

    "Argh! Naisahan na naman nya tayo!" Ashley.

     "Haha! Mukha nga." Rynel.

     Samantala, wala silang kamalay-malay na nasa panganib si Aldrich. Hindi sa kamay ni Joshel, kundi kay Richmond.

      "Hoy, Al! Dito lang pala kita makikita ha." Beastmode na sigaw ni Joshel ng makita sa parking lot si Aldrich.

     "Josh? Anu na namang kaylangan mo saken?" Aldrich.

     "May atraso ka saken!" Nakapamewang na sabi ni Joshel ng makalapit sa binata.

     "Ha? Anu na naman yon?" Naguhuluhang tanong ni Aldrich sa dalaga.

    "May nagsabi saken na nakikipaglandian ka na naman sa mga babae mo!" Joshel.

    "What?!? Im just hanging out with them. Masaya kase silang kausap. Compare kay Ashley na walang ginawa kundi tarayan ako." Aldrich.

    "Ah, ganun? Sige! Magsama-sama kayo ng mga babae mo. At wag na wag ka ng lalapit kay Ash. Wag ka na ring sumama samen!" Galit na galit na sabi ni Joshel saka umuusok ang ilong na nagmartsa paalis.

    "What?!? Joshel wait! Joshel!" Habol ni Aldrich sa dalaga.

    Pero may humarang sakanya.

      "Kayo na naman?!?" Aldrich.

      "Oo, Aldrich. Pero this time ay kasama na ko?"

      "Richmond?!? Anu na namang kaylangan mo saken?" Tanong ni Aldrich dito.

      "Hindi ka parin nadadala? Na-ospital ka na pero hindi mo parin tinitigilan si Joshel Lee." Masama ang tinging sabi ni Richmond.

     "Anu bang pinag-sasabi mo? Kaibigan ko si Joshel. And beside hindi ka naman nya gusto. At hindi kayo bagay." Palabang sabi  Aldrich.

    "Aba't--

     "Upakan na natin yan." Sabi ng isa sa mga kasama ni Richmond.

     "Oo nga!" Sang-ayon ng isa pa.

     "Matapang lang kayo, kase marame kayo!" Aldrich.

     "Ganun? Uhm!" Biglang sinapak ni Richmond si Aldrich kaya natumba ito.

     Sakto namang papunta sa parking lot sina Ashley.

      "Imbes na boto na sana si Joshel kay Al, hindi na tuloy ngayon.

     "Oo nga. Oh, anyare sayo Ash? Nakatulala ka na dyan?" Tanong ni Rynel ng makitang natulala si Ashley. Napatingin sila sa tinitignan nito.

    "Al!" Sigaw ni Ashley ng makitang natumba ang binata ng suntukin ni Richmond. Saka pinagtulungan ng mga kasama nito. Kaya agad syang tumakbo palapit sa binata.

     "Ashley, wait!" Rynel.

      "Binubugbog si Al. Tara, dali!" Hinila ni Glen pasunod kay Ashley si Rynel.

      Ang naabutan nilang tagpo... Sisipain sana ni Richmond si Aldrich ng biglang humarang si Ashley. Kaya natigilan si Richmond.

     "Wag! Please, Tama na! Tama na! Tigilan nyo na sya!" Ashley.

     "Ash?" Napadilat si Aldrich ng makita ang dalagang nakaharang sakanya.

     "Sino ka? Ah... Kaibigan ka ni Joshel." Richmond.

      "Oo! Kaibigan kame ni Joshel! Bakit ba pinagdidiskitahan mo si Aldrich ha!" Hinarap ni Ashley ang binata.

      "Ayaw nya kaseng tantanan ang Joshel ko eh." Richmond.

     "What? Joshel mo? Excuse me, ayaw sayo ni Josh. At hindi rin kame boto sayo, para sa kaibigan namin." Ashley.

      "At kanino kayo boto? Sa lalakeng yan?" Itinuro ni Richmond ang nakatayo ng si Aldrich.

     "Hindi rin!" Mabilis na sagot ni Ashley.

     "Grabe sya." React ni Al.

     "Wala syang gusto kay Joshel. Dahil ako ang gusto nya. Di ba, Al?" Ashley said na ikinasinghap ng mga kaibigan nila. At ikina-nganga ni Aldrich. "Al!"

     "Ha? O-Oo! Tayo na nga di ba?" Sabay kindat ni Aldrich kay Ashley.

     Turn naman ni Ashley na mashock. "O-Oo. K-Kame na." Napipilitan nyang sagot.

     "Ganon?" Napataas ang kilay na sabi ni Richmond.

     "Ash! Al!" Lumapit na sina Rai at Glen ng makahanap ng pagkakataon.

     "Anong ginawa nyo sa kaibigan namin ha!" Singhal ni Rynel kina Richmond.

     "Oo nga! Isusumbong namin kayo kay Joshel!" Glen.

     "Tsk! Totoo ba na may relasyon kayong dalawa?" Naniniguradong tanong ni Richmond sa dalawa.

     Nagkatinginan muna sina Al at Ashley bago sabay na sumagot. "O-Oo."

     "You hear that, Glen?" Nakangising sabi ni Rynel.

     "Yes, Rai. Malinaw na malinaw. Sayang nga hindi ko narecord eh." Glen.

     "Patay." Pabulong na sabi ni Ashley.

     "Umalis na tayo. Siguraduhin nyo lang na totoo ang sinasabi nyo ha. Pakisabi rin kay Joshel na she's mine." Sabi ni Richmond saka ito umalis kasama ng mga kagrupo nito.

     Nagkatinginan nalang ang mag-kakaibigan.

A.N: Vote, comment and share. Thanks!

     Josahannbercasio

     

     

LoveHateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon