Chapter 6

6 0 0
                                    

          The next day si Ashley naman ang kinausap ni Rynel.

        "Kapag ba nagbago si Al may pag-asa na sya sayo?" Tanong ni Rynel kay Ashley habang naglalakad sila sa hallway.

         "Nagpapatawa ka ba Rynel? Eh, wala naman saking gusto yun noh. Bilisan na nga natin baka malate pa tayo." Saka binilisan ni Ashley ang paglalakad.

        "Ash, wait! Paano kung sabihin ko sayo na may possibility na gusto ka ni Al?" Hinabol ito ni Rynel at sinabayan sa paglalakad.

       "Rynel, wala syang gusto saken okay?" Ashley.

       "Matagal na kayong magkakilala di ba? Kaya pwedeng mafall sya sayo." Rynel.

      "Tama. Matagal na kameng magkakilala kaya i know him well. Wala sya saking gusto. At isa pa mayabang sya, playboy, at kuripot. Kaya wag mo na syang ireto saken, understood?" Ashley.

      "Tama si Ash. Kaya stop being a matchmaker, Rai." Its Joshel na nilagpasan ang dalawa.

      "Let's go, Rai." Nauna na ring pumasok ng room nila si Ashley.

      "Ang hirap namang i-convince ni Ash! Kasalanan to ni Joshel eh!" Maktol ni Rynel na nakasimangot na sumunod sa mga kaibigan.

       Kung bigo si Rynel, si Aldrich mag-succed kaya sa pagkuha ng loob ni Joshel at Ashley?

      "May pera ako kaya hindi mo na ko kaylangang ilibre, Al." Nakataas ang kilay na sabi ni Joshel sabay balik ng pera ni Aldrich.

      "Hehe... Ikaw nalang Ash. Ako na ang magbabayad nyang snack mo." Ito naman ang binalingan ni Aldrich.

     "Thank you nalang bayad na ko eh. Let's go Josh hanap na tayo ng mesa." Ashley said saka tinalikuran na si Aldrich na laglag ang balikat na nasundan nalang ng tingin sina Ashley.

      "Hahaha! Sira ang diskarte mo." Pang-aasar ni Glen na nilapitan si Aldrich kasama si Rynel. "Ako nalang ang ilibre mo." Hirit pa nito.

     "Wala na pala akong pera. Excuse me." Aldrich said sabay alis.

      "Ang sama talaga ng ugali ng lalakeng yon." Napasimangot na sabi ni Glen.

     "Ako nalang ang manlilibre sayo." Rynel.

    "Talaga? Thanks, Rai! Ang ganda mo na nga, ang bait-bait mo pa." Tuwang-tuwang sabi ni Glen.

      "Nambola ka pa. Order na." Natatawang sabi ni Rynel.

     
           Sa second attempt ni Aldrich magtagumpay na kaya sya?

        "Josh! Ash! Ako na ang magdadala ng mga gamit nyo!" Iniharang ni Aldrich ang sarili sa dadaanan ng dalawa.

      "We can carry this on our own." Tinarayan agad sya ni Joshel.

     "Oo nga. Bakit hindi si Trish ang tulungan mong magdala ng gamit? Anu kaya si Melody, Kim, or Maica. Josh, let's go." Aya ni Ashley kay Joshel sabay irap kay Aldrich.

      "Wrong diskarte again, Al." Ang iiling-iling na si Rynel ang nalingunan ni Aldrich.

     "Ito nalang mga gamit ni Rai ang dalhin mo. Ang bigat eh." Nakangiwing sabi ni Glen.

     "Sorry may pupuntahan pa pala ako eh. Bye!" Saka nagmamadaling umalis si Aldrich.

     "Ang sama talaga ng ugali ng lalakeng yon." Nakasimangot na reklamo ni Glen.

      "Glen, let's go." Rynel.

      "Yes, Señorita nandyan na po." Glen.

      "What?" Rynel.

      "Nothing. I said nandyan na." Glen.

       It seems na mahihirapan talaga si Aldrich. Pero sa third attempt nya....

        "Kita nalang tayo bukas guys. Bye!" Kumakaway na sumakay ng kotse si Rynel.

      "Bye! Paano mauna na rin kame ni Glen ah. Ingat ka josh." Ashley.

      "Okay. Ingat din kayo." Naiwang naghihintay ng masasakyan sa waiting shed sa labas ng school si Joshel.

     
      And while waiting there may lumapit na tatlong lalake sa dalaga.

     "Ikaw si Joshel Lee right?" Sabi ng isa sa mga lalake.

     "Who are you? Anung kaylangan nyo saken?"  Mataray na tanong ni Joshel sa mga ito.

     "Gusto kang makausap ng kaibigan namin." Sabi ni Second guy.

     "Sino naman ang kaibigan nyo? Bakit nya ko gustong makausap?" Hindi ipinahalata ni Joshel ang kaba sa mga kaharap.

     "Nandun sya sa kotse. Sumama ka nalang." The third guy said na itinuro ang kotse sa di kalayuan.

     "Bakit naman ako sasama sainyo? Ayoko nga. Tabi nga dyan!" Matapang na sabi ni Joshel tinangkang lampasan ang mga lalake pero hinawakan sya sa braso ng isa sa mga ito. "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pilit na kumakawala si Joshel.

       "Kakausapin ka lang naman ng kaibigan namin Miss eh." Sabi ng lalakeng may hawak sa braso ni Joshel.

      "Ui! Anu yan ha! Anong kaylangan nyo kay Joshel. Bitawan nyo nga sya!" Sita sa mga lalake ng bagong dating na si Aldrich. Saka nya hinila palayo sa mga ito si Joshel.

      "Sino ka ba ha! Bakit ka nakikialam dito?" The second guy said
    
     "Sino ko? Sino ko ha! Boyfriend nya." Aldrich said na ikinatanga ng mga lalake pati na rin ni Joshel na hindi nakapag-react dahil sa shock. "Kaya wag nyo na sya ulit lalapitan. Maliwanag ba ha!" Singhal ni Aldrich sa tatlong lalake. "Let's go babe. Ihahatid na kita sainyo." Inakbayan ni Aldrich si Joshel saka hinala na paalis.

        Nagkatinginan naman ang tatlong lalake na wala ng nagawa kundi sundan nalang ng tingin ang dalawa.

      At nang makalayo sina Joshel at Aldrich....

      "Alisin mo nga yang kamay mo! Malayo na tayo sakanila." Joshel then lumayo kay Aldrich.

      "Sino ba yung mga yon?" Tanong ni Aldrich.

      "Hindi ko sila kilala." Joshel.

     "Ganun? So, napagtripan ka lang nila? Mabuti nalang pala napadaan ako doon. Kung hindi...." Aldrich.

      "Oo na! Salamat! Happy?" Joshel.

      "Bakit hindi mo i-admit na kayong mga babae kaylangan nyo talaga kameng mga lalake." Aldrich said grinning.

      "Hah! Ang yabang mo talaga. Dyan ka na nga!" Joshel.

     "Wait! Ihahatid na kita. Baka sundan ka pa ng mga yon." Aldrich.
  

       Napabalik naman si Joshel. "Fine.
   
       "Sakay na." Itinuro ni Aldrich kay Joshel ang motor nya.

       "Dyan talaga ko sasakay?" Alanganing tanong dito ni Joshel.

      "Oo. Wag ka ng umarte." Nauna ng maglakad papunta sa motor nya si Aldrich.

     "Hindi ako maarte!" Sumunod naman si Joshel sa binata.

        Pinag-titinginan sila ng mangilan-ngilang estudyante na naroon. At sa di kalayuan may isang lalake na masama ang tingin kay Aldrich.

       And because of that incident may chismis na kumalat sa campus nila kinabukasan.

A.N: Vote and comment. Thanks.

      Josahannbercasio.

    

     

     
    

LoveHateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon