Karen's POV
"Anak gising na!" Sigaw ni mama na s'yang dahilan kung bakit napabalikwas ako at nalaglag sa kinahihigaan ko
Ouch! Sakit ng balakang ko ah!
"Mama naman nananaginip pa ako e!" Maktol ko at nag wawala sa sahig na parang bata
Eh kase naman ang ganda ganda na ng dream ko.... About taehyung.... EH KASO SI MAMA EH
"At ako pa sinisi mo hala sige! Larga at papasok ka pa letse kang bata ka" Sabi ni mama at lumabas na ng kwarto ko
"Letse kang bata ka letse kang bata ka" Mahinang bulong na panggagaya ko kay mama, kumuha ng tuwalya at agad akong pumasok sa banyo para maligo
Habang nasa kalagitnaan ako ng paliligo naisip ko lang kung di kaya ako ginising ni mama mula sa pagkakatulog ano na kayang mangyayari sa amin ni taehyung kase ikakasal na kami eh... Yun na yun eh you may now kiss the bride na eh! Kaso waaaahhhh si mama kase eh
After kong maligo nagbihis na ko at sinuot ko na ang uniform ko na pag kaigsi igsi ng palda kaya pinahabaan ko ng konti lang naman nakakailang lang kase..
"Ma, pa pasok na ako baon ko heheh" Sabi ko at binigyan naman ako ni papa ng 500 malaki narin ito kumpara mo nung elementary days palang ako wengya 15 pesos umaga't Hapon na yon
Lugiii
Pero ok na ngayong 4rth year college na ako
I am at the right age to get married with taehyung in my dreams CHAROT!
Agad akong nagtungo sa bus station malayo kase dito ang school ko eh
And salamat sa Panginoon at nakasakay rin kaso puno na pero tatayo nalang ako
At ng makarating ako dito sa school tumingin ako sa relo ko at 10 minutes nalang at late na ako ang first subject pa naman ay science and medyo nakakatakot teacher namin doon parang nangangain kung makatingin parang Chinachopchop ka
Agad akong kumaripas ng takbo hanggang sa naabot ko ang 2nd floor and thanks again to God at wala pa si prof.
Agad akong tumabi sa bestfriend kong panget na si zyra na may kulangot de joke HAHAHAHA
"Hey zyra" Pagkaupong pagkaupo kong bungad sakanya
"Oh bat ngayon kalang?"tanong niya sakin
" Eh bakit ba?"tanong ko ulit sakanya sabay sulyap kay crush
Why so pogi taehyung
But naiirita ako dito sa mga classmate ko parang mga bubuyog bulungan ng bulungan tapos panay pa ang tingin nila sa BTS mostly taehyung and Jungkook
Nakakaselos na ha! Ayoko ng gano----
"Ms.choi! Are you listening?!!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si prof ay nandito na pala siya hihi
Nakita ko nanaman yung pang chochopchop nyang tingin
"Y-yes ma'am I'm listening" Utal kong sagot at napalunok pa
"Ok let's have quiz 1-40" What the!? Quiz pa ba yon eh para ng test na ata yun eh!
At yun na nga nag start na kaming mag QUIZ na PARANG TEST NA
But it's okay. Nagreview naman ako eh pati isang quarter nalang graduate na kami so pwede na kaming magpakasal habang buhay in my dreams hahaha
After that quiz nakascore ako ng 33/40 mahirap kase yung iba eh parang di ko nireview at wala din sa tinuro ni prof. Parang nananadya toh ah de joke HAHAHA
After that nag prepare na akong pumunta sa next subject ko which is di ko classmate si crush at yung bespren kong makulangot ang ilong
-
After class uwian na at hinintay ko si zyra sa may labas ng room nila"Oh ano musta?" Tanong ko
"Heto muntikan ng malusaw utak ko ng dahil dyan sa math tsk." Sabi niya ay napahawak pa sa ulo niya
"Tara na nga sa mall" Sabi ko kasi may usapan kami na after ng klase namin ay mamamasyal kami ng mall pero hindi kami bibili as if naman na may pera kami noh
Tag tipid ako ngayon, kase alam mo na masyado kaming gipit pero naiintindihan ko sila mama at papa, I know na mahirap ang magtrabaho kaya lagi ko silang chinecheer up eh
---
Mall"Look kc! Para syang artista diba?" Turo ni zyra sa lalaking naka mask
Oo nga parang artista maputi... Makinis... And I think gwapo sya tapos matangkad at naka bonet din siya
Pero.... Still taehyung parin ako
"Hay nako! Tara na nga uwi na tayo! Kanina pa tayo ikot ng ikot dito eh" Aya ko sakanya
"Sya tara" Sabi niya kaya naman umuwi na kami
---
House"Ma, pa andito na po ako" Sabi ko at pumasok na
"Oh anak, magbihis kana at kumain na, mamaya na kami ng papa mo busy pa kami eh" Sabi ni mama habang busy-ing tinitignan yung mga appointment niya at si papa naman tutok na tutok sa laptop niya na I know na para sa presentation niya sa company ng boss niya
*Sigh* kakain nanaman ako ng hindi sila kasabay
Agad akong umakyat at nagpalit ng tshirt na itim at panjama na hello Kitty
Tsaka bumaba para kumain
Habang nakain ako naririnig ko parin ang pinag uusapan nila mama...
"Mahal pano na yun nalulugi ng ang dress shop natin, kulang na ang puhunan ko kase nagbayad pa ako sa bill ng kuryente, tubig at sa internet"dinig kong sabi ni mama
"Mahal.. Pagpasensyahan mo na ha kase di pa kasi ako pinapasweldo ng amo ko eh nagtanong na nga ako na baka sakaling pwedeng bumale ng 10,000 kaso bawal daw eh.. Hayaan mo malalagpasan din natin itong pagsubok natin" Sabi naman ni papa
Di na ako nakapagtiis at lumapit na ako sa kanila
"Ma, pa magpapart time job po ako para naman po matulungan ko na kayo, nakakahiya naman po kase kung alam kong namumuroblema na kayo eh ako'y pachill chill lang" Sabi ko sakanila na agad nag pabago ng emo nila
"Hindi!" Sabay pa nilang sabi kaya nalungkot ako
Hindi naman ako manhid eh marunong din akong makiramdam..ano kaya kung....
Magpart time job ako ng patago.. Hmm... Pwede rin atleast nakakatulong ako kila mama
----
Karen Choi is jennie Kim
Zyra montecarlo is Kim dahyun