13

49 5 2
                                    


Karen's POV

The next day...

Pagka gising ko ay agad akong may naamoy na pagkabango bango kaya agad na akong lumabas at nagtungo sa kusina and there nakita ko si mark na nagluluto kaya agad akong lumapit sakanya

"Anong niluluto mo?"tanong ko habang nakangiti kita ko naman sa ekspresyon niya ang pandidiri

Bakit?

"Magsipilyo ka nga muna karen ang baho ng hininga mo"pagkasabi niya non ay agad ko siyang hinampas sa braso niya "eto naman parang di kana nasanay saken"mataray kong saad at inirapan siya at muling bumalik sa kwarto

Agad kong inamoy ang hininga ko at tama siya ang baho shet bakit ganito ba kase ang laway, bakit kailangan pa nilang mapanis at mamaho ng ganitong kabaho

Pagkatapos kong magsipilyo ay muli akong lumabas ng kwarto at dumaretso sa kusina nitong hotel see? Ang hotel nila dito ang mala condo ang datingan

"Kainan na!"tuwang tuwa na sambit ni mark

Tsk ikaw kainin ko diyan eh.. char loyal ako kay kim taehyung HAHAHA

nilapag niya na ang brown rice at yung niluto niyang... Teka anong tawag dito

"Ano itong niluto mo?"tanong ko sakanya
"This one is steamed rice rolls"turo niya sa may noodles na mag egg with other ingredients "And this is eggplant with minced pork"turo niya naman sa may talong na may halong pork and maraming sili

"Ahh siguro isa yan sa napag-aralan mo dish sa new york right?"tanong ko at nagsimula ng kumain

"Yup nung una mahirap siya kase andaming ingredients na kakailanganin pero affordable naman at swak sa badget"sabi niya kaya napatango nalang ako

-
-

Kanina pa kami nag gagala kami ni mark dito sa Disneyland at medyo pagabi na ren

Di ko maiwasang isipin kung ano na bang nangyayari kay taehyung ngayon,masaya namang kasama si mark pero sigurong mas masaya kung si taehyung yung kasama ko ngayon diba? Iba pa ren talaga sa pakiramdam kapag mahal mo yung kasama mo sa mga dream place mo lakas maka dream come true

"San mo gustong su----"

"Wait lang"putol ko kay mark ng magring ang phone ko at si taehyung yon,lumayo muna ako ng konti kay mark tsaka sinagot ang tawag

"Hello taehyung?"

"Where are you?"

"Kasama ko si mark nag gagala na kami dito sa Disneyland bakit?"

"Let's meet"

"Huh bakit?"

"Nanghihingi ng picture sila mommy, i mean picture naten na magkasama tayo"

"Ah sige nasaan kaba ako na pupunta diyan"

"Nasa tapat kami ng ferris wheel"

"Ah sige papunta na kami"

Pagkatapos niyang i-end ang call ay agad akong lumapit kay mark

"Tara samahan moko"sabi ko sabay hila sakanya "saan tayo pupunta?"tanong nito

Panandalian ko siyang tinignan at muling naglakad "kay taehyung,nanghihingi kase ng picture sila mama kaya eto magpipicture kami together at kunwaring masaya at magkasama"sagot ko hanggang sa maka punta na kami malapit sa ferris wheel

Agad ko naman siyang nakita kasama ang impaktang babae niya na kumakain ng cotton candy, agad akong lumaput sakanila at ang awkward lang kase ni isa walang kumukuda

"A-ahm let's take a picture na, gutom na kase ako eh"basag ko sa awkwardness at ayon pumwesto na kami

"Mark can you take us a picture?pati pahiram naman si taehyung ng mouse band para kunwari pair kami para mas mukhang kapani-paniwala"tanong ko at pumayag naman siya,nakita ko naman ang pag irap ni irene saken kaya patago nalang akong ngumisi tsk.

"1...2...3"

After non ay agad na kinuha ni taehyung yung phone niya kaya lumapit den ako sakanya para tignan yung picture at sinend niya na ito kay mommy

"Oh paano ba yan tapos na,una na kami ni mark kakain pa kami"sabi ko at tumalikod na "sabay na tayo"napahinto ako at napalingon muli sa gawi nila ng magsalita ulit si taehyung

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Oh paano ba yan tapos na,una na kami ni mark kakain pa kami"sabi ko at tumalikod na "sabay na tayo"napahinto ako at napalingon muli sa gawi nila ng magsalita ulit si taehyung

Hindi ko alam pero automatic na may nag form na ngiti sa mga labi ko at agad na tumango

"Ok lang ba sayo mark"tanong ko sa katabi kong si mark "oo naman basta kasama ka"sabi niya at ngumiti kaya ngumiti ren ako

"So... Tara?"tanong ko at sumang-ayon naman sila maliban kay irene na kanina pa ako iniirapan jusko teh bilog ng bilog ang mata niya

Nakahanap naman kami ng malapit na restaurant kaya umupo na agad kami sa isng table na pang apat

Taehyung's POV

"Anong gusto mong orderin?"tanong ni karen kay mark "ikaw" tsk ang lalandi

"Ha?"takang tanong ni karen tsk papatay malisya? Kunwari di narinig?"sabi ko ikaw kung anong gusto mo ayon na din ako"

"Babe i want beef pork and  brisket"imik naman ni irene

"Seryoso ka ubos mo yan?"tanong ko sakanya habang natatawa

"Syempre ako pa"sabi naman nito "oh siya sige oorder na ako"sabi ko at nagkataon pang sabay kaming tumayo ni mark tinignan niya lang ako ng masama at ako naman ay napa kibit balikat nalang

Karen's POV

After naming kumain ay nauna na kami ni mark ng bumalik sa hotel para magpahinga, agad naman akong nagbihis ng pangtulog at pumunta sa may sala at nanood lang ng tv

"Karen"tawag saken ni mark kaya agad akong napalingon sakin

Nakita ko naman siyang nakabihis "oh saan ka pupunta?"tanong ko sakanya

"Tumawag kase si mama nagkaroon daw ng problema sa resto kaya kailangan ko ng umuwi ngayon As soon as possible"sabi nito kaya napa tango nalang ako "oy paano kana?"may malungkot na saad nito

"Ako?jusko ok lang ako, wag mo akong alalahanin haha"sabi ko

Maya maya pa ay inilabas niya na ang gamit niya at handa ng umalis

"Mag iingat ka mark ha,hindi na kita maihahatid sa baba dahil tignan mo naman nakapang tulog na ako"sabi ko sabay yakap sakanya "ikaw den mag enjoy kalang dito kahit wala ako ha"sabi niya at kumalas na sa yakapan "see you nalang doon"sabi niya pa kaya ngumiti nalang ako at lumabas na siya bitbit ang maleta niya

Hay nako eto nanaman ako,mag isa.

Nang mag sawa na akong manood ay napagdesisyunan ko ng matulog na dahil may tatlong araw pa ako para mag ikot dito sa hong kong

----

A/N:eyo my dear reader's sorry sa late update HAHAHHA wag naman po sana kayo maging silent reader uso mag vote HAHHAA happy ako kase nakapag update na ulit ako sa walang kwentang istorya na ito so ayan sana di kayo nainio sa almost 2 months na walang update




Arranged Marriage (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon