24

50 4 3
                                    


Karen's POV

Peste natutuliro pa ren ako sa natunghayan at narinig ko kahapon..

Masisira na utak ko sa kakaisip kung sasabihin ko ba kay taehyung yung nasaksihan ko kahapon sa cr o hindi kase alanganin eh

Alam kong hindi ako paniniwalaan non dahil aakalain non na sinisiraan ko lang si irene kaya ako naman ang magmumukhang masama

"Arrgh sasabog na utak kooo"saad ko habang nakahiga sa kwarto ko

Nandito kase ako sa bahay nila mama Friday night na ngayon and kaya ako nandito dahil bukas ay dadalaw kami sa puntod nila lola at lolo, death anniversary kase nila

Medyo namangha ako dahil tunay talaga silang nagmamahalan kahit sa dulo ng kanilang buhay, hindi ko makalimutan yung trahedyang nangyari dati saksi ako sa pagmamahalan nila lolo at lola

Nagkaron kase ng sunog sa bahay namin at wala sila mama at papa noon dahil nasa trabaho sila,ako at sila lola lang ang natira sa bahay

Hindi ko rin alam kung paano nagkasunog basta nagising nalang ako nung kalungin ako ni lolo, sobrang usok na non at masakit na sa mata kaya ang hirao magmulat

Iyak na ako ng iyak non hanggang sa madala ako ni lolo sa labas kung san marami ng nagtitipon tipon na mga tao

Hindi ko inaasahan na yun na yung huling silay ko kay lolo... Bumalik si lolo sa loob para puntahan si lola pero wala pang ilang minuto ay sumabog ang bahay. I still can't believe na nangyari yon sakin dahil ang buong akala ko ay sa palabas lang nangyayari iyon...

*Tok-Tok*Tok-Tok*

"Bukas po yaaan"sagot ko at pumasok naman si mama

"Kanina kapa sigaw ng sigaw... May problema ba?"tanong ni mama at umupo sa kama ko kaya umayos ako ng upo

"Wala naman po may iniisip lang po ako hehe"pagsisinungaling ko dahil hindi niya pwedeng malaman gawa ni irene yare kami--- si taehyung lang pala

Pagkalabas ni mama ay dumapa nalang ako at natulog na

-----

Agad akong nagising nang gisingin ako ni mama

"Bangon na dyan baby damulag dahil oras na para maligo dahil pupuntahan pa natin sila lolo at lolaaaa"

Nakangiti akong tumango-tango habang nagkukusot ng mata

Nang lumabas na si mama ay agad akong tumayo at dumaretso sa walk-in-closet ko at kumuha ng formal na damit tsaka dumaretso sa cr para maligo

Iniisip ko pa ren talaga yung narinig at nakita ko, ano bang ibig sabihin ng impaktang yon? Ah basta i need to protect my husband---taehyung at all cost.

Agad na akong bumaba nang matapos ako at binati sila mama at papa ng 'good morning' tsaka nakisalo sakanila sa hapag-kainan

Lumipas pa ang ilang oras ay sa wakas nakarating na rin kami dito, kung nasaan sila lolo at lola

"Hi lolo, lolaa namiss niyo ba ako? Kase ako po miss na miss ko na po kayo!"masigla kong saad habang nagtitirik ng kandila sa puntod nila

"Miss ka na namin ma, pa"sabi naman ni papa habang tumabi na sakin maging si mama

_______________________

Nandito na ako ngayon sa bahay namin ni taehyung, nagpapahinga.

Napakabilis talaga ng mga pangyayari, parang kailan lang nung wala pa akong asawa walang stress, good vibes lang pero ngayon ibang iba na ang takbo ng buhay ko

Agad naman akong napaupo ng ayos sa kama ng pumasok si taehyung sa kwarto, hindi ko nalang siya pinansin at lumabas na doon

Nang pababa na ako ay narinig ko ang mga boses ng mga kaibigan ni taehyung at boses ni... Jin.

Agad akong napaakyat ulit at nung pumasok ako ay gulat akong napatalikod ng makita kong shirtless si taehyung argh bat ba ang malas malas ko nitong mga nakaraang araw

Agad akong napaurong ng hawakan niya ang doorknob at lumabas, agad naman akong napahinga ng maluwag tsaka nilock ang pinto

Muli akong napahiga sa kama at nagscroll lang sa Instagram ng biglang may nagmessage sakin

And it was jin..

Jin

Nasan ka?

Hindi ko alam kung anong isasagot kooo

Hindi ko alam kung anong iaakto ko

Hindi ko alam kung mahaharap ko pa siya after nung nangyaring yon...

Napasabunot nalang ako sa sarili ko at nagpagulong gulong sa kama

Ano ba namang buhay ito!

_____________
.

Arranged Marriage (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon