CHAPTER 7.5: BriaNa Day part II

4.3K 34 1
                                    

Brian's POV

" Diana . Diana . Gising na . " Nakapatong anv baba ko sa may balikat nya habang yakap yakap ko siya .

" Diana . Gising na . " Kiniss ko siya sa pisngi .

" Diana . Bangon na . " Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya .

" H-hmmmmn . " Nakita kong unti-unti niyang minumulat ang mga mata niya . Ang sarap sa pakiramdam . Yung tinititigan mo lang siya hanggang sa magising siya , tapos ikaw yung una niyang makikita pag-gising niya .

" Gising ka na ba ? " Humarap siya sakin . Grabe . Ang cute ! XD

" Hindi . Dilat ako matulog . " Kakagising lang niya namimilosopo na :)) Ibang klase !

" Hahahahahahaha . *chup* " Kiniss ko siya sa labi .

" Kakagising ko lang Brian . Sapakin na kita dyan eh . " Pinunasan niya agad yung labi niya tapos umupo na siya .

" Magbihis ka na . Baka di ako makapag-timpi . " Halata naman sa mukha niyang nagulat siya XD HAHAHAHA . Ayun , takbo agad papunta sa banyo .

*****

" San ba tayo pupunta ? Malayo pa ba ? " Naglalakad na kami ngayon ni Diana sa lugar kung san ko siya gustong dalhin kanina pa . Hindi ko naman alam na ang tamad pala niya maglakad-lakad XD

" Malapit lang yun . Hindi pa nga tayo nangangalahati pagod ka na . "

" Ha ? Hindi pa ?! Eh ang layo na ng nilakad natin eh . Ang sakit na ng paa ko . Wait lang . " Umupo siya sa isang malaking bato tapos hinilot-hilot yung binti niya at inikot ikot pa yung paa niya .

Lumapit na ako sakanya at nag-semi luhod ng nakatalikod sakanya . Kung hindi niyo ma-imagine , ibig nalang sabihin , pinapasakay ko siya sa likod niya . :))

" Anong ginagawa mo ? "

" Sumakay ka na sa likod ko . Para makarating na agad tayo dun . "

" Totoo ? Sigurado kaaaa ? *O* " Kahit nakatalikod ako , ramdam ko yung tuwa sa mukha niya . Kapag kasama ko talaga si Diana , parang iba-ibang tao yung kasama ko .

" Oo nga . Sakay na . Dali . " Sumampa naman agad siya sa likod ko , tumayo na ako at nagsimulang maglakad .

Diana's POV

Naalala ko nanaman si Bernard :( Lagi din akong pini-piggy back ride nun eh . Ngayon , di ko na alam kung pano pa ako haharap sakanya . Hiyang-hiya na ako sa sarili ko .

" Bakit bigla kang tumahimik ? " Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Brian .

" Nage-emote ako dito . Maglakad ka lang . " Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina .

Ano na kayang ginagawa ni Bernard ngayon ? Hinahanap kaya niya ako ? :'( Sorry talaga Berry . Di ko sinasadya . Sorry kung napaka-emotera ng bestfriend mo . Sorry kung ang kati ng bestfriend mo .

Ibinaba na ako ni Brian mula sa likod niya . Tapos hinawi niya yung mga sanga na nakaharang sa daanan . Sumunod lang ako sakanya .

" Ang gandaaaaaaaa ♥ " Tumambad sakin ang napakagandang waterfalls . Worth it yung nilakad ko . Kahit di naman talaga ako naglakad XD LOL .

" Oh diba ? Sabi sayo maganda dito eh . " Naglakad pa kami papalapit sa tubig .

" AAHHHHHH ! " BINASA AKO NI BRIAN !

" Hahahahhahahahaha . "

" Naman ehhhhhh ! " Pumunta ako sa tubig at pinagsisipa yun para mapunta sakanya yung tubig .

The Sex Goddess' Story (TURTLE UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon