PROLOGUE

69 17 46
                                    

Madalas, kapag nagmumukmok tayo sa isang tabi, kung saan nababalot tayo ng katahimikan para makapag-isip ng maayos, ay may mga bagay na malinaw na bumabalik sa ating gunita.

Mga bagay na nahahati sa dalawang kategorya, mga bagay na hindi natin alam kung tama ba o mali, kung ang mga ito ba ay dapat pang ipagpatuloy o hindi.

Hindi natin maiwasan na sa bawat pagkakamaling nagagawa, nariyan ang anino ng mas mapait na kapalit, ang mahabang buntot ng mas madilim na kabayaran, ang hagupit ng latigo ni KARMA na siguradong agad na dadantay sa ating likuran.

Alam kong gasgas na ang dahilang 'Walang perpektong tao'.

Wala naman talaga, pero wala ring dahilan para patunayan sa lahat na hindi ka masasama sa listahan ng mga mabubuting tao.

Dito ko napagtanto ang laki at bigat ng epekto ng mga ginawa ko. Kung may pagkakataon mang maibalik sa dati ang lahat, maitama ang lahat, maituwid lahat ng baluktot na ginawa ko, gagawin ko.

Kaya naman nang magising ako sa katotohanang ito, sinubukan kong itama lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko, sa pamilya ko, sa mga taong nakapaligid sa'kin, maging sa mga kaibigan ko.

Dito ko naisip. Sa kaunting panahon na natitira sa akin, sa nabibilang na oras na ilalagi ko sa mundong ito, natiyak ko ang katotohanang napakaikli ng buhay ng tao para sayangin lang. Na sana ay hindi ko iyon isinugal, at sinulit kasama ang mga taong importante sa akin, ang aking pamilya.

Isang pagkakataon lang sana, at itataga ko sa bato na hindi ko na iyon sasayangin pang muli.

Pero...

Huli na ang lahat.

Habang tinititigan ko ang nakalukot na mukha ng aking ina, kung saan patuloy na umaagos mula sa kanyang mga mata ang mga luha...

Habang minamasdan ko ang aking mga kapatid na nilulukob ng lungkot habang tumatangis sa ibabaw ng aking lupaypay na katawan...

Habang tila matatalim na punyal na sumasaksak sa aking dibdib ang bawat hikbi na kanilang pinakakawalan...

Alam kong wala ng pag-asa...

Ang tanging sagot lamang na naibulong ko sa kanila, suot ang isang malungkot at mapait na ngiti, bago ako nilukob ng walang hanggang kadiliman, ay ang salitang,

"Patawad..."

*****
Ito po ang pinakaunang story na isusulat ko 😢
Pakisabi po sakin kung ano ang dapat iimprove.
Salamat po.

By: TagalamonNgPatatas

#WEEK1COMPLIANT

Ako si AlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon