Chapter 8

55 6 0
                                    


"What the... anung ginagawa mo dito anong oras na ahhh" sabi ko sa lalaking humarang sa akin and guess what kung sino ang mokong na ito... okay I will tell to all of you now kung sino siya... siya lang naman ang bago kong kinauutangan at ang halaga tumatagingting na 2 Milyon ... any idea... yes si Angelo lang naman

"Sinisigurado ko lang na ligtas ka malay mo may mangyaring masama sayo habang naglalakad ka sa ganito kadilim na lugar lalo na at babae ka pa naman at ikaw lang ang mag isang dumadaan dito diba" naka ngiseng saad niya

"Hulaan ko ang pinunta mo talaga dito ay about sa bayad ko dun sa utang ko noh tulad ng sinabi ko wala akong ganun kalaking pera na ipapambayad sa iyo" paninigurado ko sa kanya

"Sinabi ko na diba hindi pera ang ipambabayad mo sa akin" sabi niya habang naka ngise... Shet ayoko talaga pag ngumingise siya ng ganyan

"Subukan mong lumapit sakin sisigaw ako ng rape" pagbabanta ko sa kanya... Please kahit ano wag lang ang naiisip ko

"Huh? Pinag sasabi mo dyan ang rape anong sisigaw bakit akala mo ba may pag nanasa ako sayo porket hindi pera ang sinisingil sayo katawan agad iisipin mo akala ko ba matalino ka" naiiritang sabi niya... whooo nakahinga din kala ko yung nasa isip ko na ang gusto niya ehhh

"Eh? Sorry naman ano ba kasi ang gusto mo na kabayaran sa utang ko sayo?" taking tanong ko sa kanya

"Uhmmmm... bukas ko na lang sasabihin siguro pag iisipan ko pa kasi ehhh-" sabi niya at huminto kaya naman tumingin ako pabalik sa kanya na nagtataka "btw saan ka pupunta nasa tapat na kaya tayo ng bahay niyo dederetso ka pa" pag kasabi niya nun ay napa tingin ako sa bahay na hinintuan niya at bahay nga naming iyon shet pero wait pano niya nalaman na yan ang bahay namin

"Ow hehhe sorry naman ahhh di ko kasi napansin ehhh pero pano mo naman nalaman na yan ang bahay namin?" takang tanong ko sa kanya

"Uhmm... just a hunch maybe" sabi niya sabay wave ng kamay ng makapasok na ako sa gate ng bahay namin kaya naman nag wave na lang din ako inintay ko munang mawala siya sa paningin ko bago ako pumasok sa bahay namin

Pag pasok ko sa bahay ay naka abang ang akin ina sa sala at nakapamewang... shet! shet! nakalimutan ko!

"Saan ka galing at bakit hindi ka umuwi kahapon aber?" galit na tanong sa akin ng aking ina... ano ipapalusot ko bawal ko naman ipalusot yung project making kasi kakaumpisa lang ng classes lagot ako neto

"Nandito na po ako ma!" sigaw na aking kapatid na kakapasok lang sa sala

"Isa ka pa bakit ngayon ka lang huh diba dapat hapon pa lang nandito ka na saan ka din galing" sermon niya sa aking bunsong kapatid

"Uhmmm... project making?" hindi siguradong sagot namin ng aking kapatid

"Nako kayong dalawa talaga kung saan saan pa kasi gumagala ehh" nakangiti nang sabi ng aking ina

"Hehehe! Ngapala ma nakita ko si ate Bea na may nag hatid sa kanyang gwapong lalaki sa labas ng bahay kanina boyfriend niya ata yun ehh" pagsusumbong ng aking kapatid sabay tingin sa akin kaya naman kinunutan ko siya ng noo...

"Bea?-" pag tawag sa akin ng aking ina "totoo ba yung sinabi ng kapatid mo?" dugtong pa niya

"Alin po ba dun yung boyfriend thingy or yung pag hatid sa akin" naka ngiti kong sabi sa aking ina "kasi kung about sa pag hatid totoo yun pero kung sa boyfriend thingy walang ganun ma alam niyo naman study first ako ehh tsaka mag kaibigan lang kami ni Angelo" dugtong ko pa

"So Angelo pala ang pangalan nya ahh ma search nga sa Fb hahaha" pag singit ng aking kapatid

"Sige nga Ezickel search mo sabay pakita mo sa akin yung pic ahh titignan ko kung bagay sa ate mo yan" pag sang ayon ng aking ina... pumasok si mama sa kusina samantalang pumunta naman sa kwarto namin ang aking kapatid samantalang ako nag loloading parin sa sinabi ng aking ina

"Hoy! Baka mapasukan ng langaw yang bibig mo sobra kang nakanganga diyan mag bihis ka na at ng sabay sabay na tayo kumain" sabi ng aking ina ng sumilip siya galling kusina

Agad naman akong pumunta sa kwarto namin at naabutan ko ang aking kapatid na nag se search talaga sa Fb

"Ate ano yung Fb name ni kuya Angelo" tanong ng aking kapatid habang naka tingin parin sa Cellphone niya

"Hindi ko alam ehh tsaka hindi naman ako interesado sa Fb account niya ehh" sabi ko habang nag bibihis pa lang

"Ano yun inihahatid ka dito sa bahay hindi mo alam Fb account anu yun" pag rereklamo ng aking napakagaling na kapatid

"Ngayon lang niya ako hinatid kasi nga ginabi na rin kami ng uwi kaya naisip niyang ihatid na ako" pag tatanggol ko sa sarili ko

"Nako ate alam ko na yan nabasa ko na yan ehh... yung mga kunwari walang gusto pero deep inside crush naman talaga nako ate common na yan sa mga love story" hirit ng aking kapatid

"Mukha bang love story ang kwento ng buhay ko huh gusto mo isungalngal ko sayo yang mga binabasa mo dyan sa wattpad app mo huh" maangas na sabi ko sa kanya

Hihirit pa sana siya ng biglang sumigaw si mama "Mga anak kain na tayo baka lumamig pa itong iniluto ko" pag ka sabi ni mama nun ay nag unahan kaming pumunta sa dining area n gaming bahay

"Ma hindi ulit uuwi si papa?" tanong ng kapatid ko na parang na disappoint sa pagkawala ulit ng aming ama dahil sa kanyang trabaho

"Hindi daw siya makakauwi ng halos dalawang linggo dahil sa out of town business nila ehhh" pag papaliwanag ni mama

"Mamaya na kayo mag usap kumain na muna tayong lahat baka lumamig pa itong pagkain natin" sabi ng aming ina at inumpisahan ang pagdarasal para sa pasasalamat sa mga biyaya na aming natatanggap sa araw araw

After naming kumain ay nag umpisa ng mag ligpit si mama samantalang pumunta naman kaming dalawa ng aking kapatid sa sala at nanuod ng TV bilang pampalipas ng oras... pagtapos magligpit ni mama ay pumunta na rin siya sa sala at nakinood sa pinapanood namin

"Balita nak na search mo na ba?" tanong ni mama sa kapatid ko... aba seryoso pala sya sa sinabi niya kanina

"Ayaw sabihin ni ate Bea yung Fb account ehh kaya hindi ko tuloy ma search" naka pout na sabi ng kapatid ko

"Luh ano gagawin ko kung hindi ko naman talaga alam Fb account nya" pag rereklamo ko

"Sabihin mo madamot ka lang talaga" sani niya sa akin... bago pa man ako mag salita ulit ay sumingit na si mama sa usapan naming

"Okay na yan... bukas isama mo na lang siya dito sa bahay para makilala ko ang future boyfriend ng anak ko" sabi ng aking ina at tumayo na sa kinauupuan niya at dumeretso na sa kwarto niya at sumunod naman ang kapatid ko at iniwan akong tulala ulet

Nang makabalik ako sa senses ko ay pinatay ko na ang TV at pumasok na din ako sa kwarto namin at natulog na din

*RIIINNGGGG* *RIIINNGGGG*

Pag alarm ng aking cellphone ay bumangon na din ako at ng tignan ko ang oras

"Hala malelate na pala ako" sabi ko sa sarili ko kaya naman nagmadali na ako sa pagaasikaso ko

Pagkatapos ko sa pag aasikaso ay kakain na sana ako kaya naman pumunta ako sa dining area pero pasok ko sa dining area namin ay nagulat ako sa tumambad sa akin na kasama ng aking ina...


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~<3 <3 <3 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello po ulit minna hehehh sorry >.< I'm so sorry >.< ngayon na lang ulit naka pag update busy kasi sa school ehh tsaka nakalimutan ko nag susulat nga pala ako ng story nawala kasi yung pinag susulatan ko ng story na ito ehh kaya nakalimutan ko ehh nung binuksan ko tong wattpad account ko nakita ko na may mga nag babasa pala akala ko wala ehh kasi wala manlang nag bo vote tsaka nag co comment balak ko na nga sana i delete yung story na ito ehhh kaso sayang naman kaya eto ako muling nag babalik hahahah

P.S. Muli sorry sa late update at wrong spelling at grammar kung meron man hahah studyante lang din po ako tulad ng ilan sa inyo hahaah 

P.P.S. Hope you like the new Update hahahah and also Please Vote, Share, and leave a Comment para malaman ko kung ilan yung active readers ko mag sho shout out din ako pag may mga nag leave ng comment nila kaya hope sana may mag comment at mag vote

Hope you like it minna sana basahin nyo ulit sya


Mr. Popular And Mr. Playboy Meets Ms. Book WormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon