HI! ALAM KONG HINDI MO TO BABASAHIN
PERO Sinulat ko itong story (kahit sumuko na ako na magsulat at magung sikat na manunulat, lels) kasi na amaze ako kay ate Makiwander. Inspired. Ganun. She's so amazing. Very approachable (para sa akin). Nasabi ko yan dahil I see and experienced it myself that she is trying to communicate with her readers. Palagi. There's this word na bagay talaga sa kanya pero di ko masabi 😄. Basta, yun. Haha
At ako po ay palaging lutang at naboboplaks na dahil sa baby thesis at mga performance task kaya pasensya na kung marami akong mali. Hahaha, open ako sa correction. Mas masaya ang ganun.
Judge me all you want. Maiintindihan kita kasi tao ka lang at ako ay Goddess na. Poop Goddess. Kung ibabash niyo ako, ibash mo ako sa personal. Huwag kang duwag. Gusto ko suntukan. Tamad akong magsalita. Sayang ang laway. At ang bunganga ko ay ginagamit ko lang sa pagnguya.Haha.
-Lady Octxic (pero pramis, di ako toxic. Malware lang. Lolness)
———
PROLOGUE
"Maghiwalay na tayo."
Kusang tumigil ang mga kamay ni Mikee nasusubo sana ng adobong manok na pinaghirapan niyang lutuin dahil paborito iyon ni Marcos—ang kanyang asawa. Nanatiling nakabuka ang kanyang bibig. Gulat na gulat siya sa narinig.
"HA-HA! It's not funny, darling." She tried to laugh but failed. Seryoso ang mukha ng asawa. Tutok na tutok ang mga mata nito sa kanya. Ang mga kamay ay nakakuyom. Ilang minuto ang lumipas bago niya tuluyang naintindihan ang sinabi ni Marcos. "Y-You're kidding, right?" Nagsimulang lumabo ang kanyang mga mata dahil sa mga namumuong luha. "Dahil ba sa... Dahil ba sa pangit ang lasa ng niluto ko? I am so sorry. Magluluto na lang ako ulit. Pero oorder na lang muna tayo o kaya sa labas na lang tayo kumain. Kasi... Kasi, pag-aaralan ko muna ang pagluluto. Sa ngayon—"
"—Stop it Mikee."
"Sa ngayon kasi, basic pa lang yung alam ko. Hanggang prito pa lang ako. Wala kasi akong oras nitong mga nakaraang araw para sa cooking lesson ko. K—Kasi, masyadong tambak yung mga gagawin ko sa office. Maybe next week, may free time na ako. Promise, gagaling rin ako sa pagluluto. Mag-aaral akong mabuti. Kung... Kung gusto mo magpapaturo ako araw-araw kay Mommy. Ano ba ang gusto mong matutunan ko? Hmm? Tell me, Darl—"
"I SAID STOP IT! AYOKO NA! OKAY?! CAN'T YOU UNDERSTAND THAT?" nagulat siya sa malakas na sigaw ng asawa. Sa loob ng tatlong taon na pagsasama nila, ngayon lang siya sinigawan nito. He— He never...shout at me. Marcos was the loving and caring husband. Kahit na biktima lang sila ng arrange marriage, nagawa nilang i-work ang relationship nila. Naging tapat siya dito. Naging mabuting asawa. Maliban lang siguro sa hindi siya marunong magluto at... hindi niya ito mabigyan ng anak.
But she was trying! Wala namang mali sa kanya. Walang deperensya ang matres niya. Ilang beses na siyang nagpacheck-up. Pero pare-pareho lang ang resulta. 'You are both healthy. Maybe it's not the time, yet. Just wait and work hard.' Yan ang paulit-ulit na sinasabi ng doctor sa kanila.
"W-Why?" Inipon niya ang natitirang lakas para itanong iyon. Nanginginig na ang mga tuhod niya. Nanghihina ang buong katawan. Hindi na rin niya napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata. Umiiyak siya ng walang ingay. Pakiramdam niya ay masisira ang mga ngipin niya sa higpit ng pagkakatikom ng mga bibig.
"Because I'm tired. I want my life back."
Yun lang ang sinabi ng asawa bago siya iniwan sa mesa. Nung araw rin na iyon ay may dumating na mga papeles sa kanya. Annulment papers. So, he'd been planning it. Handa na pala ang lahat. Perma na lang niya ang kulang para maipasa na sa korte ang mga papeles na kakailanganin. Pirmado na ni Marcos ang mga dapat nitong pirmahan.
That day, she promised to herself that she'll have her revenge. Darating ang araw na luluhod ito sa harapan niya at darating ang araw na masisipa niya rin ito sa mukha.
And luckily, that day came.
———