Chapter One

8 0 0
                                    

.
.
.
.
.

First day high--  este college!

Nakakaexcite na nakakakaba. Parang konting kembot ka nalang sa pangarap mo, ganern.

Dahil first day, syempre we don't want to be late. 6 am palang nakaayos na ako. Ayokong mamiss yung campus tour no! Tsaka ang alam ko madaming pa activities si mayor pag mga ganitong first day eh.

Perks of living in a boarding house, malapit lang ako sa school kaya less hassle sa pag commute.

Pagkarating ko, madami na agad tao sa may gitna. Madaming naka-white, at maka-classify mo agad na freshmen ang mga iyon. May isang naka-yellow din na babae. May hawak siyang placard na hindi ko mabasa yung nakasulat. Siguro kasi ang liit ko or sadyang matatangkad lang yung nasa unahan. So bilang isang cute na mag-aaral, pinagsiksikan ko ang sarili ko papunta sa unahan. Perks nga naman.

          CAMPUS TOUR FOR FRESHMEN
                  Financial Management
                          Engineering
                             Nursing

Huh? Ang weird ng combination. Bakit di nalang nila pinagsama-sama lahat ng med-related courses sa tour?

Nawe-weirdohan parin ako nang magsimula na ang tour. Habang naglalakad kami, ineexplain naman ni ate  yung mga dinadaanan namin.

Nakaka-amaze. Ang ganda ng school. Ang galing ng nag-isip. Sobrang suitable niya for studies kasi sobrang aliwalas. Sabi ni ate, pinlano daw talaga yun ng owner para  ganahan mag-aral ang nga estudyante.

"Eto ang engineering department." Turo niya sa unang building na nadaanan namin.

Whoa. Ang ganda. Parang well-engineered or something. Basta I can't explain pero isang tingin mo palang malalaman mo na na mga engineering students ang umu-ukopa non.

"Here in Valiant, every building represents our courses. Isang department, isang building. Every building may look small at first, tulad nalang sa Medicine Department na madadaanan natin sa dulo, pero sobrang laki nito sa loob."

Naexcite ako lalo sa sinabi ni Ate. Excited na ako para sa building namin!

Sunod naming nadaan ang building ng Architecture. Tulad ng sa Engineering building, isang tingin palang alam mo ng sa Arki yun. Ganon din sa mga sumunod.

-


Halos isang oras na kaming naglalakad at sobrang sakit nadin ng paa ko. Buti nalang at medyo mautak ako at di ko naisipin na magsuot ng heeled shoes ngayon. Kundi kanina pa ako bulagta sa daan dahil sa pagod.

Huminto kami sa isang building na mukhang mini-dome.

"Ito naman ang school's main cafeteria. Sabay sabay tayong magla-lunch. Tara, pasok na tayo."

Pagpasok namin, halos mapanga-nga kaming lahat. Sobrang ganda at linis ng cafeteria! Parang mamahaling restaurant or something. Worth it yung tuition talaga! Sobrang ganda ng mga facilities. Di pa buong school yun ah! Grabe! Sobrang dedicated ng may-ari! Gusto ko siyang ma-meet!

Umupo kaming lahat sa isang pahabang table. Since hindi kami kasya lahat (engineering palang madami na) yung iba nasa kabila lang. Yung mga lamesa parang pinagtabi-tabi lang para siguro sa mga nagca-campus tour.

Since hindi naman libre ang food, kanya-kanyang bili. Dahil gutom na ako, isa ako sa mga nauna.

I ordered pasta at iced coffee. Yun pa lang inabot na ng 200 yung nagastos ko. Pero mukhang sulit naman na. Kasi pang sobrang isang tao yung serving ng pasta nila. Ang iju-judge ko nalang yung lasa at yung coffee.

InvisibleWhere stories live. Discover now