(2)
Pagdating namen ng room sinalubong kami nung nerd president namen na may crush sa aken. "buti naman andito ka na Harriet, kanina ka pa hinahanap ng adviser natin. Ikaw daw yung school's representative para sa interschool competition para sa Ms. University this year." Sabi niya.
"Pwede ba Chris, mamaya na yan, kakadating lang namen kaya" sabi ni Terrence sabay irap kay Chris. Para sa tingin ng iba, ang arte arte niya pero ang totoo niyan, nagseselos lang siya. xD
Hindi pinansin ni Chris yung sinabi ni Terrence at humawak pa talaga sa kamay 'ko. "Please Harriet, pumayag ka" sabi niya.
Nakita 'ko naman na hindi na maipinta yung mukha ni Terrence kaya kinuha ko yung kamay 'ko at lumayo ng bahaya kay Chris. "Ahmm.. pag-iisipan ko." sagot 'ko nalang at hinila na si Terrence palayo sa kanya at umupo na kami sa upuan namen.
Lumapit naman yung iba naming kaklase na babae kay Terrence at nagpapaka-FC sa kanya.
"Hey Terry, what do you think about this new bag?" sabi nung isa na nasa harapan ni Terrence at mukhang nakulangan ng butones yung blouse niya sa sobrang laylay nung harapan ng blouse niya.
"That's prada, dear" maarteng sagot naman ni Terrence. Halatang bored na bored.
Mukha namang kinikilig 'tong isang babaeng nakikidutdot talaga sa gitna namen ni Terrence. "How about this Terry, what can you say about this?" sabi niya at kitang kita 'ko rin yung panlalaki ng mata ni Terrence nung tinignan niya yung hawak ng babae.
Actually, condom lang naman yung pinakita niya. Ang nakakainis lang ay yung pagpapakita niya ning boobs niya na pinaglihi sa buko na sumakto naman pagkalingon ni Terrence yung pagkasabog nung butones ng blouse niya kaya nakita yung tinatago niya.
Chill Harriet. Mas lamang ka naman dun sa girl e. Sino ba ang nahalikan? Pagpapakalma saken nung utak ko.
NO!! How could she?! E hindi pa nga nakikita ni Terrence yung boobs 'ko e! sigaw naman nung puso 'ko.
"Ayyy! Terry cover me." Maarteng sabi nung babaeng pinaglihi sa boobs sabay hablot nung ulo ni Terrence at itinakip sa boobs niya.
Napatayo na ako. "You bitch!" Hinablot 'ko siya at isinalampak sa mukha niya yung blaizer 'ko. Tumingin naman ako dun sa ibang mga babae. "Kayo... wag nga kayong flirt jan! Kababaeng tao, ayusin niyo nga yang blouse niyo. Tsaka wag kayong magsuot kung hindi na pala kasya sa inyo na blouse! Bwisit!" lumabas ako ng room namen.
Hinabol naman ako ni Terrence.
Nakarating kami sa rooftop.
"Yeobo"
Hindi 'ko siya pinansin. Nakakabwisit! Siguradong masaya 'tong nakakita ng boobs ng babae.
Bwisit! Cup D siguro yung malanding 'yon. Tinignan 'ko yung aken. Bwisiiiiiiiiiit! >___<
"Yeobo naman pansinin mo na 'ko."
Tinignan 'ko siya ng masama. Bwisit! Naalala 'ko naman yung pagkasubsob niya sa boobs nung malandi. >__<
"Yeobo mahal kita"
Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya saken. Naalala 'ko na naman kung gaano ako kaswerte na ako ang mahal niya.
Isa siyang transferee nun at ako ang in-assign ng adviser namen para i-tour siya at kung may kailangan siya e saken lang siya lumapit.
Nung una, napaka tahimik niya. Wala siyang pinapansin at napaka nerdy type. Sa aken lang siya palagi sumasama at ako lang ang kinakausap niya. Nung lumaon, naging close kami at nahulog sa isa't isa.
May tinatago pala siyang kakulitan at konting sense of humor, gentleman at ideal type para maging boyfriend. Pero noon pa lang, alam 'ko nang bawal pa akong makipagrelasyon kaya tinago 'ko lang yung nararamdaman 'ko sa kanya.
Pero isang araw, nag confess siya saken na may gusto daw siya saken. Pero sinabihan 'ko siya na bawal pa akong magkaroon ng karelasyon.
Sabi niya naman, gagawin niya daw ang lahat para lang mapatunayan niya na mahal niya ako at ipaglalaban niya daw ako sa parents ko. Kaya dun 'ko naisip ang kabaliwang ito. Pumayag naman siya. Kaya naging dahil yun ng pagkabugbog niya. Binugbog siya nung tatay niya.
Nilayuan naman siya nung dating childhood friend niya. Sobrang guilty ako dahil ako yung dahilan ng mga yun, para lang magkasama kami. Alam 'kong mali pero ano ang magagawa 'ko?
Hindi namen kayang mawala samin ang isa't isa.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Yeobo sorry. Kapit lang ah?" sabi 'ko na naluluha.
Gumanti naman siya ng yakap saken.
Nung naghiwalay kami, nag smack siya saken.
*click*
Para kaming naestatwa sa kinatatayuan namen. Someone just took a picture of us, kissing.
---