Hindi ko alam kung si Isaiah talaga ang nakita ko pero, para kasi sya talaga yun.
Kung sya man yun, bakit sya andito? May kakilala ba sya na taga dito?
Pag ka uwi na pagka uwi ko ay agad akong pumunta sa aking kwarto. Tinignan ko kung may post ba sya sa IG na picture na andito talaga o kaya sa twitter.
Kaso wala akong nakita maski isa. Baka nga siguro kamukha nya lang yun.
Maya maya tinawag na ako ng lola ko na kakain na daw kami. Sabi ko sandali lang ang aayusin ko lang kwarto ko. Ang kalat kasi. After nun bumaba na ako at kumain.
Habang nakain kami, hindi ko alam kung bakit at natanong ng mama ko kung may gusto pa daw ako kay Miguel. Haleer? Di maka moveon si mader kay Miguel. Hindi naman sila close. So bakit?
"Hindi po ah."
"Hmm. Sure?" Bakit ayaw maniwala ni mama? Hindi ba halata?
"Ma naman. Matagal na yun. Moveon na."
"Edi hindi." Sabay tingin sakin na para bang nangungulit ang mga mata.
Natapos na kaming lahat kumain pero hanggang ngayon, paulit ulit parin akong tinatanong ng mama kung meron daw ba talaga pa akong gusto kay miguel. Like Seriously? Sa ginawa nya sakin dati, magkakagusto pa ako sa kanya? NO WAY! Iba na lang wag lang sya.
Hindi ko na kinaya ang kakulitan ng mama ko kaya umakyat na ulit ako sa taas at pumunta sa kwarto ko. Nag check ng cc kung may reply na ngunit wala parin. Kaya naman natulog na lang ako.
ALAS sais na nang magising ako. Bigla na lang sumakit ang ulo ko. Sa sobrang tagal ata ng tulog kaya ganon. Humiga muna ako ng ilang oras bago tumayo.
Nagbukas ako ng twitter para sana makita kung meron update kay Isaiah. Wala sa twitter kaya sa ig naman. And ayun, meron nga. Pictire ng isang kulot na babae. Nakatalikod kaya hindi ko malama kung sino. Cute. Parang buhok ni Elle.
Kulot kasi si Elle. Hanggang ngayon naman pero mas kulot talaga dati. Hindi kulot na ngarag ha. Yung parang kulot na kagaya sa mga artista.
Pagkatapos kong tignan yun, bumaba ako at nagpaalam na pupunta lang ako sa bahay ng tita ko. Malapit lang naman yun sa bahay namin kaya naglakad na lang ako. May baby kasi dun kaya naisipan kong pumunta. Si Xianelle. Anak ng pinsan ko. Hindi si ate Yassi ha. Si ate Angela.
Ang cute cute cute. Tas sobrang kulit. Kagigiil. Malapit na syang mag isang taon. Sayang nga lang at wala dito si Audrei. Inaanak ko pero anak sya ng isa ko pang pinsan. Sa lahat kasi ng inaanak ko, sya yung pinaka close sakin. Siguro kasi inalagayan ko sya simula baby pa sya. 3 years old na sya now and malapit na birthday nya. Ang bibilis nila lumakii. Nakaka sad.
Nilaro laro ko muna saglit si Xianelle. At ng simulang antukin na ay binigay ko na kay ate. At pagkatapos nun ay bumalik na ako sa bahay.
Naisipan kong gawin yung ginagawa kong drawing. Kinuha ko muna mga kailangan ko bago ko gawin. Pagkatapos nun sinimulan ko na ang landscape.
*fastforward*
Time check: 9:00 pm
Natapos ko na yung tatlong pinapagawa na drawing. Saktong dating naman ni mama.
Nagmano ako sabay kiss at pinakita koang gawa ko sa kanya. Parang bata lang.
"Ma. Tignan nyo nga po kung maganda. Hindi ba po parang pambata ang drawing ko?" Nilapag ko muna sa lamesa ang mga ito bago ko ipakita sa kanya.
"Hmm ok lang. Pero bakit ang dumi nito? Pero ayos lang. Maganda." Tinignan ko naman ang sinasabi nyang madumi. Ahh kaya ganon dahil kapag naguhit ako gamit ruler, nasama dun yung kulay kaya kapag ginamit mo yun sa malinis na papel, nasama. Pero ayos narin naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/161334504-288-k699282.jpg)
BINABASA MO ANG
But I Love You (On Going)
RomanceAnong gagawin mo kapag yung kaibigan mo ay may gusto sa taong mahal mo? Magpaparaya kaba o Ipaglalaban mo ang nararamdaman mo? Ano nga ba ang mas mahalaga? Kaibigan mo o yung pagmamahal mo sa isang tao pero never ka namang minahal.