Epilogue

12.3K 177 16
                                    

-



Someone's POV



After 13 years...



"Mom lets go!" Sigaw nang babaeng anak nila Gab na si Sabrina habang karga karga ang bunso nitong kapatid na si Serenity Snow.



"Ma tapos ko na pong bihisan sila Brian, Brianna at Brent!" Sigaw din nang anak nilang lalaki na si Samuel habang pinapaikot ikotan sya nung triplet nyang kapatid na nasa anim na taong gulang.



Nagmamadali namang bumababa si Raine sa hagdan habang nakasunod sakanya si Gabriella na tila pinupusod ang buhok.



"Pasensya na mga anak eto kasing Mommy nyo ang tagal magising at ang bagal kumilos." Sabi ni Raine ng makababa at agad na lumapit kay Sabrina para kunin ang dalawang taong gulang na bunso nilang anak.



"Anong ako?! Ikaw ang may kasalanan kaya anong oras nako natulog kagabi!!" Sabi ni Gab sabay kurot sa tagiliran ni Raine.



"Nagustuhan mo din naman." Pabulong na sabi ni Raine.



"May sinasabi ka?" Nakataray na sabi ni Gab sakanya.



"Mom, Ma hindi to ang tamang oras para sa ganyan It's Grandama's birthday!" Reklamo ng anak nilang si Brianna.



"Tingnan mo yang anak mo habang papalaki nagmamana na sayo." Pabiro at pabulong na sabi ni Raine bago patakbong lumabas habang bitbit ang bunso nitong anak dahil akmang hahampasin sya ni Gabriella.



Napailing na lang sila Sabrina at Samuel sa inasta ng mga magulang nila. Ang tatanda na kasi nila para sa ganong asaran. Pero natutuwa pa din sila na kahit ang tagal ng nagsasama ng dalawa at may anim ng anak hindi pa din nawawala ang sweetness ng dalawa kahit nasa harap pa sila ng mga anak naglalambingan pa rin sila gaya ng dati.



Nang makapasok sa van agad na din namang pinasibad ni Raine yung sasakyan. Nasa passenger seat si Gab habang nasa likod naman nila ang triplets at nasa pinaka dulo si Sabrina, Samuel at ang bunso nilang si Snow.



Sa loob ng 13 years nasundan pa nila si Sabrina at Samuel ng triplets akala nila nung una kambal lang ang mga to pero laking gulat nila ng sabihin sakanilang triplets nga ang pinagbubuntis ni Gabriella. Dumaan sila sa proseso na humanap sila ng sperm donor at ilalagay yun sa loob ng sinapupunan ni Gabriella kasama ang egg cell ni Raine. Ang alam lang nila isang German ang nagdonate ng sperm sakanila ayaw din naman kasi magpakilala nung lalaki. Nauna nyang ilabas noon si Brian sumunod si Brianna at ang huli ay si Brent. Kung paglalapitin mo si Brian at Brent di mo malalaman kung sino si Brian sino si Brent kasi magkamukhang magkamukha sila pwera na lang kung ngingiti si Brian dahil sa lubog na lubog nitong dimples.



Nang mag apat na taong gulang ang tatlo pinilit naman ni Raine si Gab na magbuntis ulit ng isa pa tatanggi na sana noon si Gab dahil tatlo pa lang na makukulit eh hirap na hirap na sya pano pa kayang may madadagdag pa pero sa huli napapayag din sya neto at pasalamat nila na nagiisa lang si Snow ng magpachek up sila noon ni Gabriella. Tinutulungan din naman kasi sya nung kambal na magalaga sa triplets kaya umokay na sya.



At ngayon nga birthday ng Mommy ni Raine at papunta sila ngayon sa mansyon ng mga Dela Fuente.



Tila naman may bagyo sa loob ng sasakyan nila sa sobrang ingay. Pano yung tatlo tila nagrarambulan na sinasabayan pa ng iyak ni Snow dahil naiingayan sa mga kuya at ate nya.



"Sabrina anak patahanin mo naman si bunso." Malumanay na pakiusap nya sa dalaga nya ng anak nasa 18 years old na sila ni Samuel at malapit na ding mag 19 years old.



The Girl That I Love (gxg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon